Sat With Ree: Happy Father's Day

Kung may contest siguro ng padamihan ng memories kasama ang Tatay siguro ako na yong pag 3rd....pang 3rd sa huli. 

My father was a seaman. You probably know the nature of work of a seaman. Mas matagal pa yong inilalagi sa barko kesa sa bahay. Especially yong mga seaman dati kasi yong kontrata nila pinakamadali nang uwi ang one year. Unlike ngayon na may 6-month or 3-month minsan nga may 1-month contract na lang. Nasanay ako sa ganoong set-up. Naiintindihan ko naman kasi gusto niya kami mabigyan ng komportableng buhay at tsaka ganoon na yong trabaho niya ever since the world began. Char. 😊 Pinakamadali nang uwi ng Tatay siguro 1 year tapos bakasyon pinakamatagal na ata ang 5 months. Tapos aalis na uli. Syempre umiiyak ako tuwing aalis siya. Tapos kapag babalik naman siya nakaka-excite. Kasi laging may pasalubong, laging may dalang Snickers. 

Since madalas nga siyang wala so every moment with him was "one for the books." Kasi nga bihira lang. Isang beses andito siya isinama niya ako sa mall tapos binilhan niya ako ng mga damit. Pinagtatawanan niya kasi yong mga pambahay ko. Pero nong isinama niya naman ako ang binili naman namin mga pang-alis. 

Tahimik lang siyang tao pero makulit siya especially sa mga pinsan ko noong mga bata pa kami. Ukitero siyang tao kumbaga sa mga Batangueño. Nagiging madaldal lang siya kapag nakakainom siya. Dati apat kaming magkakasabay kumain—sila ng mother tapos yong isa kong kapatid. Kami ng Tatay yong nasa gitna. Kwentuhan ng kwentuhan yong nasa dalawa naming tabi tapos kami sige kain lang. Kaya nga nong nawala siya sabi ko ang daya niya kasi ngayon ako na lang yong mag-isang tahimik sa gitna, wala na akong kasama, nakaka-OP tuloy.

Galante siya pagdating sa pamilya niya. Galante in a way na hindi na namin kailangang humingi kasi kusa na niyang ibinibigay hagga't kaya niyang ibigay. Mainly the reason why nagtiis siya na malayo sa amin para lang mabigyan kami ng maayos na pamumuhay. Kapag alam niya na favorite namin yong pagkain bibilhin niya yon  palagi kapag andito siya. 

Pinakamatagal ko siyang nakasama is nong before siya nawala. Mga 1 year and half yon. Diba ang iksi pa rin? Siguro kung pagsasamahin yong mga araw na nakasama ko siya siguro mga 5 years lang yon sa total. 5 years over 21. 

Hindi kami close sa isa't-isa kasi nga hindi naman ako sanay na andiyan siya. Sad but true pero I took him for granted nong nabubuhay pa siya. Kasi akala ko imortal siya at never siya mawawala. Akala ko sanay ako nang wala siya. Nasanay na naman talaga ako pero hindi pala okay, kulang pala kapag wala siya. Noong nawala siya ang inisip ko na lang inihatid lang namin siya sa airport tapos after ilang years babalik na ulit siya at makikita na ulit namin siya. We lost him 8 years ago due to cardiac arrest, by the way. 

Kahit pala nasanay ako na wala siya ang sakit palang isipin na this time I won't see him for good. Sanay kasi ako na after 1 or 2 years andito na ulit siya. Minsan kapag naiisip ko na wala na siya nagugulat pa din ako at hindi pa din makapaniwala. Ganoon talaga siguro kapag nawawalan ka ng taong napaka importante sa'yo, palaging andiyan yong sakit ng pagkawala nila. Hindi ko alam kung ako lang pero para sa akin never kang makaka move-on sa pagkawala nila. Palaging may kirot kapag naaalala mo sila. 

I was never a good daughter to him when he was still alive. I didn't give him much importance. He didn't deserve it. Ang sabi nga sa kasabihan "Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya." And I couldn't agree more. Lesson learned the hard way. He gave me everything that I needed and yet I didn't appreciate it enough. Hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa din yong gabi na hindi ko siya sinagot ng maayos nong tinanong niya sa akin kung saan ako nanggaling nong araw na yon. Yon na pala yong magiging huli naming pag-uusap. Kinabukasan na-stroke na siya tapos hindi na namin siya nakausap simula noon. Yon na pala yong huling beses na tatanungin ako ng Tatay ko kung saan ako galing. Never na pala mauulit yon. Last na pala yon.

I had all the chance in the world to show him how much I love him and appreciate all that he did for us but I blew out all those chances and now all I have was regret. 

I am forever grateful to God that He made sure that Tatay spent the remaining days of his life with us. And that he is with me on my College graduation since he already missed two of my graduation. 

This is my most favorite photo. I am with the most important people in my life. 

Sana pala ipinaramdam ko sa kaniya na mahal ko siya at na-a-appreciate ko lahat ng sakripisyo at paghihirap niya para amin. Sana pala hindi ko siya binalewala. Sana pala mas iginalang ko siya. Pero ayon nga....huli na ang lahat. Sana andito pa din siya ngayon kasama namin kapag kakain sa labas. Mas masaya sana kung kumpleto kami. Noon kasing andito pa siya never namin yon nagawa—yong kumain sa labas na kumpleto kami. Sana andito pa siya para mangulit at magpaiyak sa mga pamangkin ko. 

Bago siya nawala takot ako na makakita ng multo. Pero nong nawala siya parang lumakas yong loob ko na makakita ng multo. Kasi gusto ko ulit siyang makita. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong mayakap siya. 

Namimis ko na madinig yong tawa niya. Namimis ko na yong mga side comments niya na kapag nakakainom siya tsaka niya lang nasasabi. Nakakamis yong pauli-uli siya dito sa bahay pero wala siyang suot na tsinelas kahit sobrang init. Hindi daw kasi siya sanay na may tsinelas. Nakakamis yong kakulitan niya.

Two of my most favorite moments with him was when I got home from my OJT in Manila. He was waiting for me at the gate. He also just got home from his work just a couple of days ago. We haven't seen each other for years. That's why he was very excited to see me that day. Once he saw me he welcomed me with "Ineeeeeeng" sabay kiss sa ulo ko with matching hug. He was the sweetest. Another memory was when he was sick he can't talk, he can't walk, he can't even sit on his own. He was just there lying on the bed then he saw me. He called me. He was motioning something but we can't understand. He held my hand I thought he just wanted me to help him get up. But he just held my hand for a couple of minutes. Few days after that he passed away. I can't remember a day in my life when he got mad at me cause there really wasn't a day. He has always been the kindest.

Sorry for being disrespectful and immature when you were still alive. Sorry for that night. Thank you for all that you did for us. Thank you for all the sacrifices. Salamat sa pagtitiyaga sa malakas na alon mabigyan lang kami ng magandang buhay. I appreciate all that you did for us. Thank you for being a good provider for your family. You may be gone physically but I know that you are always helping and guiding us especially my siblings who are working very hard. Thank you for being our angel. I love you and I miss you. Yong kasunduan natin ha....

Happy Father's Day sa lahat ng mga tatay especially sa Tatay namin. 

Kaya ikaw kung kasama mo pa ngayon yong Tatay mo maswerte ka. Sana huwag kang gumaya sa akin. Habang andiyan pa siya ipakita mo sa kaniya na mahal mo siya at bigyan mo siya ng importansya kasi deserve niya yon. Hindi niya deserve na balewalain lalo na kung wala naman siyang nagawang pagkakamali. Kung may nagawa man siyang pagkakamali at kaya mo namang patawarin eh gawin mo. Huwag mo nang intayin pa na huli na pala ang lahat para gawin mo yon at ang natitira na lang sa'yo ay pagsisisi. Pagpasensyahan mo yong kakulitan niya siguro yon yong alam niyang way para kausapin ka. We also have our shortcomings but they always choose to be patient with us. Never take them for granted cause time will come they won't be here anymore. In the blink of an eye he could be gone for good. So cherish every moment with him.

Is there someone you know

Your loving them so

But taking them all for granted?

You may lose them one day

Someone takes them away

And they don't hear the words you long to say

In celebration of Father's Day tomorrow may we never forget the main reason why we are all here on earth. Let us remember the father of all, our father in heaven—our God Almighty. He is the most loving, kindest, most caring and always gives us everything that we need. He is a giver of life. He is the most faithful father of all. Without Him we would be nothing. Let us give our praises and highest honor to Him. He loves each one of us equally. ❣️

Comments

Popular posts from this blog

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour

Sat With Ree: Jab We'll Done

It's Our 8th