Sat With Ree: Happy Independence Day

"Malaya ka na." Tatlong salita, sampung letra ngunit magkakaibang emosyon ang pwede mong maramdaman sa oras na sinabihan ka o nadinig mo ang mga salitang ito. Para sa mga bilanggo, isang musika sa kanilang tenga ang madinig ang mga salitang ito. Ngunit para naman sa dalawang magkasintahan, kapag sinabihan ang isa ng mga salitang ito malamang sa malamang may isang umiiyak.

Ang sabi nga sa isang kanta:

Letting go is not an easy task 

When smiling feels like 

I must wear this lonely mask 

It hurts deep inside

Totoo naman diba? Sa lahat ng bagay hindi ganoon kadali ang bumitaw. Lalo na kung ang bibitawan mo ay ang isang bagay na napakahalaga sa'yo. Gaya na lang halimbawa ng paborito mong laruan noong bata ka pa. Kahit 30 years old ka na ngayon eh hindi ka pa rin willing na i-let go yong favorite toy mo kahit na sobrang luma na at hindi mo na din naman pinaglalaruan. Bakit? Siguro dahil yong favorite toy mo na yon ang nagpapaalala sa'yo kung gaano kasaya ang childhood mo. O baka naman sobrang importante sa'yo nong tao na nagbigay sa'yo nong laruan na yon. Iba-iba tayo ng dahilan kung bakit nahihirapan tayong palayain ang isang bagay o ang isang tao. Siguro isa din sa mga dahilan na iyon ay dahil umaasa pa tayo sa mga bagay na imposible nang mangyari. 

Gaya nga nong paborito nating laruan, mahirap siyang ipamigay pero ang isipin mo na lang may isang bata kang mapapasaya kapag ginawa mo yon. Masasaktan ka pero may mapapasaya ka naman. Parang dalawang taong nagmamahalan, minsan yong isa humihingi na ng kalayaan pero yong isa hindi kayang bitawan ang mga katagang "malaya ka na" o "pinapalaya na kita." Mahirap pero kailangan. Mas mabuti nang ikaw yong nasasaktan kesa sa ikaw yong nakakasakit. 

Sa lahat naman siguro ng bagay importante yong salitang "freedom" o "kalayaan." Kung napanuod mo yong movie ni Mandy Moore na 'Chasing Liberty,' siguro don mo napatunayan na hindi mahalaga ang kayamanan kung wala ka namang kalayaan. Kahit gaano kasagana ang pamumuhay ng isang tao kung ang kilos naman niya ay "de numero" hindi siya lubosang magiging masaya. 

Bawat isa sa atin ay may kalayaan na pumili ng mga gusto at ayaw natin. Ang sabi nga nong teacher ko nong high school, huwag mo daw sabihing "no choice" ka kaya mo ginawa o pinili ang isang bagay. Kasi sa lahat daw ng pagkakataon may choice tayo. At totoo nga naman. Halimbawa na lang kakain ka ng lunch tapos gusto mong kainin adobo pero  pagdating mo sa canteen walang adobo at caldereta lang yong ulam. Tapos binili mo pa din yong caldereta. Siguro kasi ang magiging dahilan mo kasi "no choice" ka na. Pero diba may option ka pa din naman. It's either gutomin mo yong sarili mo o magtiyaga ka sa ibang pagkain, gaya ng sandwich or chips (for lunch). Diba? May choices ka naman. 

Akala mo lang wala kang choice, pero meron, meron, meron. Char. ๐Ÿ˜ Malaya tayong pumili ng gusto nating pagkain,  gusto nating isuot na damit o sapatos. Malaya tayong pumili ng magiging kaibigan natin. Malaya tayong pumili ng papanuodin o papakinggan natin. At higit sa lahat malaya tayong pumili ng taong iibigin natin pero hindi tayo sure kung tayo din ba ang pipiliin nila. Kasi huwag nating kakalimutan na may kalayaan din silang pumili ng taong iibigin nila. 


Hindi naman talaga natin makokontrol kung masasktan tayo o hindi. Pero may kakayahan tayo na palayain ang sarili natin sa mga bagay o tao na nakakasakit sa atin. Hindi tayo pinalaya ng mga nanakop sa bansa natin para tayo mismo ang magkulong sa sarili natin. Kapag alam natin na nasasaktan na tayo, bitawan na natin. Huwag kang magpaka martir. Ginawa na naman natin lahat ng makakaya natin para kumapit pero may mga bagay kasi na hanggang doon na lang talaga. Palayain natin ang sarili natin sa mga bagay na hindi para sa atin for us to make a room for the things that are really meant for us.  Palayain natin ang sarili natin sa mga bagay na hindi na nakakabuti sa atin.

Ang sabi nga sa isa pa ulit kanta:
Palayain ang isa't isa
Kung tayo, tayo talaga
Palayain ang isa't isa
Kung tayo, tayo talaga
Sana sa kalayaan natin na mamili ng kung ano ang sa tingin natin ay makabubuti sa atin ay huwag tayong magkamali. Lagi nating tatandaan na sa bawat pagpili na gagawin natin siguraduhin natin na wala tayong masasaktan. Kasi hindi porke't sa tingin natin ay makakapagpasaya sa atin ay gagawin na lang natin. Kailangan muna nating isipin kung ano ba yong magiging consequences nong gagawin natin. Isipin natin yong mga tao sa paligid natin na pupwedeng maapektohan.  Kaakibat ng salitang kalayaan ay ang pagiging responsable. 

We all have the freedom to choose on how we want to spend our life. Whatever we choose to do make sure that it's what you really want and not what others want or choose for you. Sometimes it's not that easy to choose one thing over another. There's no easy way to let go of the things that you value the most. But you have to do it because it's necessary and because sometimes it's more painful to hold on. When you set free the things that weren't meant for you it only means that you are now ready to welcome and receive the things that you truly deserve. 

Of all the things that need to be freed, make sure that you free yourself from all the unnecessary baggages that you carry. Let go all of your toxic thoughts. You deserve to live a happy and a peaceful life. Do not be disturbed by other people's pointless drama. Be productive with your own life that you don't have time to check on other people's life. Focus on yourself. Let us free ourselves from any worries about life's uncertainties and be confident that there are brighter days waiting for us. Because God truly cares for us, His children, and He loves us so dearly. 



Ciao. ๐Ÿ˜Š

Comments

Popular posts from this blog

My Worst Job Interview Experience

Sat With Ree: Jab We'll Done

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour