Sat With Ree: Mula Timog Patungong Hilaga

Gaya nong blog ko about LANY na-delay din 'to ng mahabang panahon. This happened 4 years ago pa, February 8, 2017. Noong nakisama ako sa field trip nong dalawa kong pamangkin na elementary. Bale dalawa kami nong kapatid ko tapos yong mother nila, so bale tatlo kaming chaperone. Syempre sponsored by yong pagkakasama kong iyon. 😊

Di ko sure kung tama yong pagkakaalala ko sa call time pero ang tanda ko eh 2:00AM kasi alam mo naman Pinoy tayo tsaka sa Batangas pa kami manggagaling, from south going north. Since February siya so medyo may simoy Pasko pa plus sobrang aga plus aircon sa bus equals sobrang lamig. Tapos yong jacket ko pa naman eh pang porma lang at hindi nakakabawas ng lamig. Buti na lang talaga hindi ako nagkaroon ng hypothermia non. Char. 🀭

Ang kasama sa itenerary ay San Guillermo Church at Duty Free sa Pampanga, Ocean Adeventure at Zoobic Safari sa Subic. 

First na pinuntahan namin is San Gullermo Church. Since first time ko naman mapadpad sa Pampanga eh nalayuan ako sa biyahe at tsaka nong nakita ko na nasa Pampanga na kami bawat hinto nong bus at nakakakita ako ng simbahan eh sabi ko sa sarili ko "siguro dito na yon" pero hindi pa pala. Tapos hihinto na naman yong bus tapos mag-a-assume na naman ako. Kasi nga hindi pa naman ako nakakapunta don. 😁 Hanggang sa finally nakarating na kami sa destination. Mga 8:00AM siguro nong makarating kami don. Unfortunately, bawal daw ang pumasok sa simbahan sa kadahilanang hindi ko na maalala.  Labas lang nong simbahan yong nakita namin. Don lang kami nag-picture-picture sa harapan. 


Based on my gathered infos, (wow nag-research?) San Guillermo Parish Church is one of the oldest churches here in the Philippines. Interesting fact is nalubog pala yong half na part nong simbahan dahil nong lahar na galing sa Mt. Pinatubo. Kaya compared sa ibang old churches dito sa Pilipinas eh mababa siya. Kasi diba usually yong mga sinaunang simbahan eh matataas pero siya hindi na siya ganon kataas. Yon pala yong reason. Sayang kasi hindi ko man lang nakita yong loob. Sayang yong opportunity. Sana one of these days eh makabalik ako don at makita yong loob. πŸ˜ŠπŸ™

Next destination is Ocean Adventure in Subic. Gaya nong sa San Guillermo Church, bawat hinto nong bus eh akala ko doon na. Pero naaliw naman ako sa pag-sa-sight-seeing habang biyahe. Maganda yong view papuntang Subic lalo na nong malapit na talaga kami sa Ocean Adventure. Ang nadadaanan kasi mga puno tapos may dagat pa kaya nakakaaliw. Tapos may nadaanan pa kaming hangar kaya mas naaliw ako. Ang saya siguro don mag-roadtrip. Kung may mag-aaya sa akin na mag-road-trip doon ko isasama. Nakaka-relax kasi yong view. Masarap sa mata. Away from the city life.


Almost lunch na nong makarating kami sa Ocean Adventure. May kasabay kaming ibang school na nag-fi-field trip din kaya hindi kaagad kami nakapasok. Nag-antay lang muna kami sa bus. Nong makapasok na kami first na binisita namin eh yong mga isda. Since first time ko sa ganong lugar eh naaliw naman ako sa iba't-ibang uri ng isda na nakita ko. Maliit lang kasi yong mga aquarium kaya mas maganda siguro kung mas malaki. Ang saya non. Yong parang sa Dubai. 😁 Gusto ko nga na makakita ako ng pating kaso wala eh. Siguro next time. 🀭


After don eh may play kaming pinanuod, “Aman Sinaya: Legend of the Ocean." Tungkol siya sa kung papaano aalagaan ang ating karagatan. Habang nakaupo ako at nanunuod, napatanong ako sa sarili ko ng "bakit ba kasi ako sumama dito?" Naaliw naman ako sa show, magagaling yong mga gumanap tsaka lively naman siya, pero para sa 'kin kasi eh masyadong pambata yong show. Kaya napatanong ako ng ganon sa sarili ko. 


Next naman eh may show ulit kami na pinanuod pero this time mga hayop na yong nagpakitang gilas. May paniki, aso, may ibon at may iba pa na first time ko makita at malaman na may ganon palang hayop. Tapos yong tabi nong pinag-show-an eh mga matataas na puno. Tapos andon pala sa puno eh madaming monkey. Nakakaaliw sila panuodin kasi ang dami nila pero at the same time natakot ako ng beri light kasi baka biglang tumalon sa akin kahit na ang taas naman nong puno na kinaroroonan nila. Nakakaaliw sila panuorin although hindi naman talaga sila part ng show. 😊 Nakakaaliw yong talents nong mga hayop. Sana all talented. Char. 🀭 Kahit hindi na bata na gaya ko eh naaliw sa mga hayop na iyon. 😁🀭


After non nag-lunch muna kami. May kainan doon sa loob ng Ocean Adventure. Ang ganda ng view nong restaurant kasi dagat yong labas. Kaya view pa lang mabubusog ka na. Nasa Ocean Adventure tayo kaya wag kang mag-expect ng cheap price ng mga pagkain. Pero worth-it naman siya. Ang kinain ko ata non eh daing na bangus na malaki naman yong serving at masarap din naman. Nabusog naman ako. 

Eto yong view sa labas ng restaurant.

Pagkatapos naming kumain, paglabas namin ng resto eh may dalawang mascot na nagpapahinga.

After magpapicture sa mga mascot eh nagpunta kaming souvenir shop kasi katabi lang siya nong resto. T-shirt lang yong na-afford ko non eh tsaka key chain. Pero gusto ko sana makabili nong plushie na dolphin. 🀭 Sarili ko lang din yong binilhan ko, makasarili ako eh. Haha.

Pagkatapos sa souvenir shop eh start na ulit ng adventure. Isa sa pinaka nakakaaliw na live performances na napanuod ko sa buong buhay ko, ang sumasayaw na mga dolphin. Nag-enjoy ako sobra na panuorin yong mga dolphins. Napakahusay nong mga nag-train sa kanila. Napaka-entertaining nong show. As in. Kung bibigyan ulit ako ng chance babalik ulit ako don at papanuodin ulit yon. Ay naku! Panuorin mo na lang yong video (below) para magkaroon ka ng glimpse. Ang sayang experience non. Sana maulit muli. 


After nong mga dolphin eh change location. Mga sea lion naman yong nagpakitang-gilas. Nakakaaliw din sila panuodin. Ang galing nila. Enjoy ang mga nanunuod. Ang husay nila sumunod sa instructions. Plus first time ko din makakita ng sea lion sa personal kaya hangang-hanga ako. Nakakatakot sila tingnan pero nakakaaliw naman sila panuodin. Gusto ko sana makapagpa-picture na kasama sila kaso hindi pinalad. Maybe next time kapag tama na ulit ang panahon. Ang husay nila sumayaw. 


Yon na yong last show na pinanuod namin sa Ocean Adventure. Sobrang nabitin ako. I want more. After non binisita namin yong 3D Wall Art. Kaso konti pa lang yong arts that time. Pero magaganda na yong mga illustrations. Siguro pag bumalik ako don mas maganda na at kumpleto na.


Tapos last na binisita namin ang mga jelly fish. Gaya nong sa mga isda, sakto lang din yong size nong mga aquarium na pinaglalagyan nong jelly fish. Mas maganda din kung mas malalaki yong aquarium para feel na feel. Pero naaliw naman ako sa mga jelly fish. Masarap sa mata panuodin.  Sana lang mas mahaba yong time para mas napagmasdan ko yong ganda nila. Nagmamadali na kasi non kasi nga pupunta na sa next location. πŸ˜”


Ang hirap tanggapin pero kelangan na naming umalis at magpunta ng safari. Pero before yong field trip ang pinaka-ni-look forward ko talaga eh yong Zoobic Safari. Gusto ko kasi talaga ma-experience yong makakita ng tigre na nag-wa-wild habang nakasakay ako don sa sasakyan na hindi ko alam kung anong tawag pero basically jeep siya na nilagyan ng harang para safe.


Totoo nga ang chismis, gubat talaga siya. As in mga puno yong madadaanan mo tapos maalikabok tapos parang liblib na lugar siya, hindi naman totally liblib pero parang ganon na nga. Bundok na ata yon. Syempre bawal siya sa mga residential o commercial area kasi mga wild animals yong andon.


Parang ganon din sa Ocean Adventure, may show ulit kami na pinanuod na mga hayop yong bida, may ahas at ibon na nag-ta-talent and at the same time may lesson na ini-instill yong host. Tapos may nagsayaw na mga Aetas.


May mga restaurants din don sa loob kaso hindi namin na-try since alangang oras na, kasi mga 3:00PM na siguro yon kaya miryenda na eh since field trip yon eh may baon na kami pang snacks.

Isa lang yong show na pinanuod namin don. After non inexplore na namin yong safari. Malawak siya. Madaming hayop akong nakita, yong iba first time kong makita. 25 years old ako that time at first time ko lang makarating sa zoo. Kaya hindi ko siya mai-co-compare sa ibang zoo kasi yon pa lang yong nararating ko. Nag-enjoy naman ako sa mga nakita ko. Especially yong iba-ibang size ng lion. Haha. Kaso gusto ko sana ma-witness yong pagwawala nong mga leon pero mga tulog sila eh.


Yong mga buwaya nakakaaliw and at the same time nakakatakot. Sobrang lalaki kasi nong iba. Tapos yong ngipin nila kitang-kita ko. Andon kasi sila sa ilalalim tapos andon kami sa itaas tapos yong nilalakaran namin butas butas para kita sila kaya nakakatakot kasi baka mahulog ako kahit na kita ko namang safe yong nilalakaran ko. Tapos may souvenir shop don na yong kabila eh may mga buwaya din na sobrang lalaki, andon sila sa tubig. Kitang-kita sila kasi malaking bubog yong bintana nong shop so iniimagine ko na baka sa sobrang wild nong mga buwaya eh biglang mabasag nila yong bubog tapos susugod na lang sila bigla sa amin. Yong parang eksena sa pelikula. Diba hindi lang yong buwaya yong wild, pati na din yong imagination ko? Pero kasi......


Eto yong sinasabi ko na souvenir shop. Siguro kainan siya dati kaya cafe yong name. 😊

May mga maliliit na tigre na nasa kulungan lang bukod don sa mga nag-wa-wild na nasa gubat. Yong nasa gubat mahaba yong pila bago makapunta since 5 lang yong pwedeng sakyan tapos 10 lang ang capacity ng bawat isa. So parang rides sa amusement parks, mas matagal pa yong ipinila mo kesa sa isinakay mo. Nakaka-excite yong mga ganong pilahan lalo na kapag ikaw na yong susunod. Iba yong thrill. Safe naman yong sasakyan since may harang siya na matibay tapos naka-lock din siya kaya kahit siguro mag-wild yong mga tigre eh okay lang. 


Para ka lang umaakyat sa bundok habang nakasakay ka. Kasi diba usually kapag umaakyat sa bundok eh naglalakad. Ang sayang experience non lalo na kung ang kasama mo eh friends mo kasi mas magulo at mas masaya. Unfortunately, hindi ko na-witness na mag-wild yong mga tigre. Hindi ko na-experience na may sumasampang tigre sa bubongan nong sinasakyan namin. Kelangan pala na may pagkain kang ibibigay sa kanila para mag-wild sila. Eh me bayad kasi yong pakain. Kaya ayon. Walang willing na magbayad sa amin kaya behave lang yong mga tigre. May isa na sobrang laki yong iba naman sakto lang pero tigre pa rin sila kaya nakakatakot pa din.


So ayon...here comes the saddest part. Uwian na. Tapos na ang adventure. Last destination namin is yong Duty Free sa Pampanga. Hindi na kami pumasok ng Duty Free since isang oras lang yong allotted sa amin kaya mas pinili na lang namin na bumili ng pang-dinner. Sa pagpila pa lang sa fast food eh inabot na ng isang oras. Hindi siya fast. Charing.🀭

As expected, madilim na nong nakauwi kami. Pero mas mabilis na ang biyahe kasi pabalik na. Di ako nag-enjoy nong ako yong nag-fi-field trip pero nong naki-chaperone ako nag-enjoy ako ng sobra. Noon kasing ako yong may field trip ang masayang part eh yong biyahe kasi tamang chikahan lang sa katabi tsaka tamang kain, pero yong destination talaga eh hindi ko masyadong na-eenjoy. Syempre naman hindi ko pa kasi noon naa-appreciate ang mga museum. Tapos kadalasan iyon ang pinupuntahan tsaka amusement park. Pero ngayon gusto ko na bumisita sa mga art museums. Ngayon ko sila naa-appreciate kung kelan malabo na yong chance. Pero who knows, diba?

Favorite part ko sa field trip na ito eh syempre yong dolphin at sea lion show. Kakaibang experience na makapanuod ng mga dolphin at sea lion na nagpapakitang gilas. Ang saya nila panuodin. Hindi yong masaya kasi nakakatawa. Ibang saya yong ibinigay nila sa akin nong araw na iyon. Dinala nila ako sa ibang mundo. Sa Narnia. Charing. 🀭 Nakakabuhay ng dugo at ang sarap sa pakiramdam. Tapos ang pinakamasayang part nong natapos na yong Dolphin Show eh biglang may pakanta ng "Best Day Of My Life" ng American Authors, bonus factor pa yon. Ang saya lang nong ambiance. May dagat, tapos may entertaining na show, tapos mahangin, tapos may pa-music. Ay iba siya. Isa yon sa mga "Sana Maulit Muli" moments ng buhay ko. Kung may mag-aaya sa akin na pumunta don, naku hindi na siya magdadalawang salita pa sa akin. Gogora talaga ako, anytime of the day. Beke nemen.... 🀭


Sana one day makabalik ulit ako don kapag maayos na ang lahat at kapag tama na ang panahon. Yong hindi nagmamadali at madami ng time para i-appreciate ang mga hayop sa paligid. Sana. 

It was indeed, one of the best days of my life. 😊


Ciao.😊

Comments

Popular posts from this blog

My Worst Job Interview Experience

Sat With Ree: Jab We'll Done

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour