Hey... wazzup? Marso na ulit. Malapit nang mag-anniversary sa quarantine life. Kumusta naman ang pasok ng Marso? Naging marupok ka rin ba gaya ko dahil hindi nalabanan ang temptasyon na dala ng 3.3 sale? Yieeeeee. Aminin. Haha. Kaka-pressure sya, in fairness. Kasi habang nag-aatubili ka na mag-check-out kasi ayaw mong gumastos eh andyan din yong "sayang naman.ang mura lang.bukas mahal na ulit 'to." Kaya naman........check-out pa more.π€
Anyway..... back to the real subject—LANY Live In Manila 2018. This happened almost 3 years ago, April 6,2018 to be exact pero ngayon lang ako nagka-time na magsulat tungkol dito dahil naging busy ako nong mga nagdaang panahon. Charing. Ang totoo niyan ngayon lang kasi ako sinapian ng espiritu ng kasipagan.
Inuunahan na kita, may pagka-nobela ito ha. Kaya kumuha ka na ng popcorn.πΏ Char.
|
|
Dati ko pa gusto sila panuodin nong pumunta sila ng Glorietta. Kaso hindi ko pinush kasi sabi ko malamang gagabihin ako pag-uwi eh malayo pa ang biyahe pauwi kasi mga sampung bundok pa yong aakyatin at bababain ko tsaka nagpapalit na kasi ako ng anyo kapag gabi na. Char. So Ayon. Hindi ako nakanuod. Gusto ko sila panuodin kasi ang ganda nong mga kanta nila. Nakaka relax pakinggan yong boses ni Paul Klein tsaka ang swabe lang nong tunog parang may pagka-oldies. Ganern. Unang kanta nila na nagustohan ko ay yong Good Girls. Sa music video ko sya unang nadinig tapos nagandahan na ako agad. Sunod yong Super Far. Naaliw ako sa music video dahil nong dance steps ni Paul. Haha. Pero bago yon napapanuod ko na din at nadidinig yong ILYSB. Yon yong kauna-unahang beses ko nalaman na may banda palang LANY. Naaliw ako sa music video kasi kakaiba. Hindi ko pa non iniintindi yong lyrics at hindi ko pa non kilala si Paul Klein.π Naaaliw lang ako don sa tugtog. Ang best part nong video is yong may long pause bago yong last chorus. Grabe yong #feels. LOL. Pero hindi ko pa siya favorite non kasi parang na-we-weirduhan pa ako that time tsaka madami nang may favorite kaya ayaw ko nang makisali pa. π
December 2017 nalaman ko na mag-co-concert sila dito sa Pinas. At pinangarap ko ulit na manuod kaso sabi ko malayo na naman at mas gagabihin yon kasi concert na talaga. Eh never pa ko nakaka-try manuod ng concert sa Manila. Hanggang sa school gymnasium lang nong college yong napanuodan kong concert. So ayon. Hindi ako nag-try magpaalam sa mother. Hanggang sa isang-araw sabi nong pamangkin ko gusto niya daw manuod ng concert ni Harry Styles sabi ko ako gusto ko LANY. Hanggang sa ilang beses din kami nag-usap ng ganong topic. Tapos gusto din pala manuod ng kapatid ko. Edi yon, may makakasama na ako. Ang problema naman ngayon ticket. Eh ang layo ng bilihan at sa Manila pa. Edi doble gastos pa kung pupunta ako don. Tapos trinay niya na magpabili don sa pinsan namin na madalas magpunta ng Manila kaso hindi naman din nakabili. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa kasi anong petsa na? Baka ubos na. Chinecheck ko kasi lagi sa website kung may available pa na tickets eh kada check ko paubos na ng paubos. Kaya eventually tinigilan ko na ang pag-check kasi na-di-disappoint lang ako.
Fortunately.....Yong kapatid ko na nasa Israel eh may ipapadala don sa aalis na papunta don sa kanila. Eh yong aalis na iyon eh asa Makati ang office. Edi nabuhayan na ulit ang loob ko pero hindi pa din masyado kasi iniisip ko talaga na baka ubos na yong ticket.
Doble yong saya ko non kasi: Una. Buti may ticket pa kaming nabili para sa 2nd night. Pangalawa eh dahil nakabalik ulit ako ng Makati. Napaka memorable kasi sa 'kin ng Makati.
Finally.....CONCERT NA!!! Syempre excited. First time eh. π€π
Ang saya kasi first time ko makanuod ng concert sa Araneta Coliseum. Dati napapanuod ko lang siya sa TV tapos ayon...akalain mo yon narating ko siya. Nakaka-excite. Nakakaiyak. Char.
2 nights bale yong concert. Yong una eh nong April 5 tapos second night yong napanuod namin. Pero ang dami pa din tao nong second night. Punong-puno yong asa VIP section. Puno din naman yong ibang section mas jam-packed nga lang yong sa VIP kasi standing sila kaya obvious na obvious. Kitang-kita ko kasi Gen Ad lang kami eh. So andon kami sa tuktok. Haha. Nakakamis yong life before social distancing. Siksikan talaga sila don.
Nakakaaliw nong concert na kasi diba kapag wala pang show bukas pa yong ilaw. So tuwing nagpapatay ng ilaw sigawan na yong mga tao kasi akala namin start na yong concert. Kada may pupunta sa stage na mag-aayos lang naman nong mike eh magsisigawan agad. Ang saya lang. Parang nakasakay sa roller coaster.π
Finally.........after ilang "false alarm" totoo na. Simula na ng concert. Yong feeling na abang na abang ka tapos nagulat ka pa din nong lumabas na si Paul Klein habang nagtatatalon at kumakanta ng "Oh my God, I think I'm in love. The way we stay up late and talk about dumb stuff." Dumagundong ang Araneta. Yong feeling na "eto na sya!totoo na!!!akalain mo yon.andito ako." Ang saya sa pakiramdam.
Ang hyper niya mag-perform. Para lang siyang bata na patalon-talon habang kumakanta. Tapos minsan hihiga. Tapos gugulong sa stage. Tapos sasalta don sa ibabaw nong piano. Kaya naman alive na alive ang audience. Nakakaaliw sya panuodin. Tapos maya-maya sasayaw. Haha. Nakakaaliw talaga yong pagsayaw niya na dati sa music video ko lang napapanuod. Tapos lumalapit din sya don sa mga nasa VIP Section. Sana all nasa VIP. ππ
|
Nakakatuwa nong biglang namatay yong ilaw after niyang kantahin yong Purple Teeth. Edi sigawan kami. Ilang minutes din bago binuksan yong spotlight. Tapos nagulat kami kasi andon na pala sila sa kabilang side. Mega hanap ako non kasi hindi ko masyado makita yong kabilang side. Kung alam ko lang sana eh di nagdala ako ng binoculars. π May makeshift pala na stage don tapos andon na sila. Tapos '13' pa yong kinanta nila. Isa din yon sa mga favorite songs ko nila. Edi mega tili. Taka nga ako at hindi ako minalat nong kinabukasan. After non lumipat na ulit sila sa stage. Tapos nag-piano pa siya while singing Sign Of The Times by Harry Styles. Ang emosyonal niya habang kumakanta non. Sabi nga nila umiyak pa daw eh hindi naman ako naniniwala kasi hindi ko naman nakita yong luha. Kasi nga andon ako sa Gen Ad. LOL. Pero mas nag-wild talaga yong audience nong Pink Skies na yong kanta. As in. Halos lahat ata kumanta at kabisado yong lyrics. Grabe. Nakaka-OP kung hindi mo alam yong kanta. Haha. Yon ngang katabi kong lalaki eh hindi naman nakikisabay don sa mga unang kanta pero nong kinanta na yong Pink Skies ay grabe. Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Saulado eh. Haha. Alam mo nangingibabaw nga yong boses niya don sa video na nakuha ko. Iba din. Pati pala yong Hurts. Nangingibabaw din yong boses niya don sa video ko. Napaisip tuloy ako at nahiya bigla don sa katabi ko na nag-vi-video din kasi baka nangingibabaw din don yong boses ko. Eh ang ganda pa naman, pang-Araneta talaga. Char. Hahaha. Siguro imbyernang-imbyerna yon sa boses ko. Haha. Emosyonal din sya nong kantahin na niya ang Hericane. Grabe eh. Feel na feel niya yong pagkanta. Me pagluhod pang nalalaman. Hahaha. Damang-dama ko din yong kanta. Lalo na yong part na "I love you still and I always will but this needs to change." Iba siya. π€πHindi ko pa non masyado nadadama yong lyrics nong kanta...pero nong live na......awwwwwww. Ganon pala yong message nong kanta. Ang sakit. π€π
Ang saya nong first major concert experience ko. Hindi ako binigo ng LANY. Kahit Nachos lang yong dinner namin non busog na busog na ako kay Paul Klein. Mga one week ko siguro pinaulit-ulit i-play yong mga videos na kinuhanan ko nong concert bago ako matulog. Tapos yong ngiti ko abot tenga pa din. Parang baliw lang. Ganern. Ilang araw din ako non bago naka-get-over don sa concert na iyon.
Best and saddest part nong concert eh nong kinanta na yong ILYSB. Best part: nong sumabog na yong confetti. Ay girl!!! Iba yong pakiramdam. Ewan ko don sa iba kasi first time ko yon sa major concert kaya iba yong saya na naramdaman ko nong nagtaasan na yong confetti sabay kanta ng:
"Oh my heart hurts so good. I love you, babe, so bad. So bad." Syempre mega kanta ako don at the top of my lungs. Hindi lang LANY ang nag-concert non pati na din si Reeheena. π Sad part kasi kinanta na yong ILYSB ibig sabihin tapos na yong concert. Ganon naman diba? Save the best for last. But that didn't make the first performances/songs any less, though. It's just that ILYSB is very special.
After nong concert nila mas minahal ko na si Paul Klein. Charing. Kasi dati naman deadma lang ako sa itsura niya eh. Pero after nong concert napagtanto ko na.......ay bakit hindi ko siya na-appreciate dati? Char. Gen Ad pa ako nong lagay na yon ha edi lalo na kung sa VIP ako at naka-face-to-face ko siya edi baka hindi na ako nakatulog non. Haha. After nong concert naapreciate ko yong iba pa nilang kanta. Lalo na yong Hurts. "It's easy at first but then it all breaks. The more you love the more it hurts." Ganern. Ang ganda pala ng kantang iyon. Haha. Iba pala talaga kapag live mo na napapanuod. After lang nong concert tsaka ko na-realize yong deep meaning nong mga kanta nila.
Yong feeling na gusto mo munang i-freeze yong moment kasi ayaw mo pang matapos. OA pero ganon yong pakiramdam ko tuwing nanunuod ako ng concert. Yong winiwish ko na sana bukas meron ulit. Yong parang yon na lang yong gusto kong gawin habang-buhay—ang manuod ng concerts. Haha. Sana ol mapera. LOL.
Ang saya kasi sa loob ng dalawang oras wala kang ibang iniisip. Makikikanta ka lang, makikitalon at makikitili. Deadma muna sa life. Enjoy muna. Ganern. Ang saya sa pakiramdam.
So. Pano? Have a good night sleep. Tomorrow is another day. Advance happy aniiversary, quarantine. It doesn't matter how long what is important is that we are safe.
Stay safe, everyone. Don't forget to hear God's words tomorrow. Till my next Sat with Ree.π
Ciao.
And in that moment, I swear I was infinite.π
Comments
Post a Comment