Sat With Ree: Isang Taon Na Tayo, Agad-Agad

‎Uy. Sabado na ulit. Kaya andito na naman ako para kumuda. Ayon na nga. One year na tayo sa quarantine life, agad-agad. Who would've thought na aabot tayo ng one year? At parang mas tatagal pa dahil dumadami na naman ang bilang ng mga nag-po-positive. Parang nong nagkaroon ng vaccine nakampante na ang mga tao kaya nagsisilabasan na ata kahit walang suot na face mask at faceshield. Wag ganon. 

Parang kelan lang nong tumigil ang mundo ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Sa pagkakatanda ko March 13, 2020 nag-start ang lockdown. Friday the 13th yon diba? Night before ako matulog non akala ko sa NCR lang yong lockdown tapos paggising ko buong Pilipinas pala. Good thing is nakagala ako day before nag-lockdown. Hindi man siya totally gala kasi saglit lang din pero at least. Yon yong huli kong labas na normal pa ang outside world. Hindi pa non uso ang face mask at marami pang tao sa mall. Nakakamis. Sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay pero nakakamis pa rin yong may option ako na lumabas ng bahay anytime at safe sa labas.

Aminin mo minsan sa buhay mo hiniling mo yong "eat-sleep-repeat" kind of life. Kaya nga sabi ng Pussycat Dolls "be careful what you wish for 'cause you just might get it." 🀭

Parang ang daming nangyari sa loob lang ng isang taon. Maramig pagbabago ang naganap. Ika nga eh mga "unexpected turn of events." Madaming tao ang nag-shift ng career. Yong iba dating regular employee ngayon eh may sariling business na. May ibang tao na dahil sa pandemic eh nahanap yong totoong "calling" nila sa buhay. Yong iba naging mas maabilidad at nakahanap ng ibang paraan para may pagkakitaan. May iba din diyan na before pandemic eh ginagawa na lang boarding house yong bahay nila tipong uuwi lang para maligo at matulog tapos aalis na ulit para magtrabaho pero ngayon biglang nagbago ang routine at hindi na sila makaalis ng bahay. Yong iba ayaw nang umuwi ng bahay pero ngayon no choice kundi ang tumigil sa bahay. Ilan lang yan sa mga naging pagbabago sa buhay ng karamihan. Halos lahat apektado ng pandemyang ito. 

Iba-iba ang naidulot ng pandemyang ito sa buhay ng marami. Syempre kung may masama eh meron din namang maganda. Etong quarantine na ito nabigyan tayo ng madaming time na mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Mga bagay na minsan eh ayaw na nating isipin pero kusa pa din pumapasok sa utak natin. Trust me, danas na danas ko yan. Di mo naitatanong I'm a professional overthinker. Oo, me ganon. Haha. Hindi mo kelangan mag-take ng kahit anong course o kahit anong exam para maging isang professional overthinker. Pero napakahirap niya kaya kung ako sa'yo wag mo nang tangkain pa. Plus......wala siyang sweldo. πŸ˜”

Iba-iba tayo ng paraan kung paano makontrol ang masyadong pag-iisip. Yong iba pinu-pursue yong passion nila—painting, cooking, drawing, baking, etc. Kaya wag kang magtaka kung bakit this pandemic naglabasan ang mga bakers, cooks, businessmen and women, mga plantito at planitita. Siguro bukod sa 'yon yong way nila para kumita ng pera eh isa din iyon sa mga naging paraan nila para ma-maintain yong sanity nila sa panahong ito. Bukod sa dapat healthy tayo physically eh wag nating kalimutan yong mental and emotional health natin. Kailangan natin iyon para mag-function tayo ng maayos araw-araw.

"You're not a bad person for the ways you tried to kill your sadness."

Ako, isa sa mga naging "refuge" ko nong ayoko na munang gumana yong utak ko o isipin yong mga pangit na nangyari sa buhay ko at ayoko isipin ang future eh ang panunuod ng movies o kaya series. Natuto din akong magbasa ng novels. Marunong naman akong magbasa dati kaso ginagawa ko siya kasi required sa school. Ayoko dating magbasa ng mga english novels kasi inaantok ako so wala akong naiintindihan. Biruin mo yong mga libro na sinulat ni Nicholas Sparks nabasa ko lahat tapos me mga iba pa. Worth-it naman kasi siya basahin. Hindi nakakaantok. Nakatulong din sa 'kin yong hindi muna paggamit ng social media. One week ko dati hindi binuksan yong facebook ko. Kasi diba sa facebook andiyan yong makikita mo kung gaano ka-successful yong ibang tao kesa sa'yo kaya hindi mo maiwasang i-compare yong sarili mo sa kanila only to end up disappointing yourself. Nag-unfollow din ako ng ibang friends. Oo, unfollow lang para kapag gusto mo na ulit maki-update sa life nila e pwede mo ulit silang i-follow. Hindi naman yon mag-no-notif sa kanila. Try and tested ko na 'yon. LOL. Nag-try din ako non magsulat. Sa wattpad ako non unang nagsulat tungkol sa mga naging "adventure" ko. Nong panahon na down na down ako naging isa yon sa paraan kahit papaano eh maibsan yong bigat na nararamdaman ko. Kasi minsan diba kailangan mo ilabas yong kung anong nasa loob mo para kahit papaano eh gumaan sa pakiramdam. Ang nakakatuwa, nong isang araw eh bigla kong nahanap yong mga nasulat ko sa wattpad. Aliw na aliw ako kasi nakalimutan ko na na meron palang ganong pangyayari sa life ko tapos kung hindi ko pa nabasa hindi ko na maaalala. Nakakapagsisi nga kasi konti lang yong naisulat ko kaya konti lang din yong napagtatawanan ko ngayon. Sa isang araw share ko dito yong sinulat ko. Abangan.... Hindi naman kailangan na perfect yong construction ng mga sentence ang mahalaga eh mailabas mo lang yong saya o lungkot na nararamdaman mo. Pwede din naman na isulat mo sa journal o sa isang simpleng notebook. Masaya siya. Promise. Kasi masarap balikan yong mga araw na down na down ka tapos after ilang years at mababasa mo yong sinulat mo eh iba na yong lagay ng puso mo— masaya ka na ulit kaya nakakatuwa. Yong dating iniyakan mo at hindi mo alam kung paano ka ngingiti muli, ngayon kapag nabasa mo eh pinagtatawanan mo na lang. In short, naka get-over ka na. And that's one of the best things that'll ever happen to you—getting over from a painful experience.

Etong pandemic para ma-divert yong atensyon ko sa iba eh nag-take ako ng online course. First time ko sya ginawa bilang wala na akong magandang movie at series na mapanuod eh nag-try ako ng online course. Madami namang free online course. Sa coursera ako nag-take. The course is entitled Making Architecture. Gusto ko kasi talagang kunin eh Interior Design kasi naaaliw ako don sa mga napapanuod ko na mga nag-aayos ng bahay. Nong nag-start yong lockdown napapanuod ko madalas sa TLC yong kay Nate and Jeremiah at naaliw ako kaya na-inspire ako na maging interior designer din. Kaso wala naman akong makita na free course about interior design. Eh close naman ang architecture at interior design diba? So ayon. One month ata yong duration niya. Yon yong nakalagay sa schedule. Pero pwede mo naman matapos ng mas maaga sa one month. Me discussion tapos me mga assignments din at projects. Yong nag-ge-grade sa'yo eh yong classmates mo. Yong final project ko eh gagawa ng plan. Para syang daiorama except yong mga tao eh 2D version lang. 😁 Kinareer ko yong project ko na yon ha. Wag ka. Pinaghirapan ko din naman gawin yong project na yon at naaliw din naman ako gawin sya kasi mga ganong bagay talaga yong gusto kong gawin eh. Yong mga dikit-dikit, design-design. 
Maganda sya sa personal. Charing. πŸ˜‚ 
















Pero alam mo ba kung ano yong pinaka-fulfilling don sa project na ginawa ko? Yon eh nong sinisira ko na yong ginawa kong project tapos nakita ako ng mother tapos tinanong niya ako kung bakit ko daw itatapon yon eh pinaghirapan ko daw iyon gawin. Naiyak ako don. 😭 Ewan. Kasi na-appreciate niya yong effort ko kaya napatanong nga din ako bigla sa sarili ko na bakit ko nga ba itatapon? Kaso huli na ang lahat at nasira ko na. Pero naiyak talaga ako don sa comment na iyon ng mother. Parang, "wow.na-appreciate niya yong effort ko." Ang saya lang sa pakiramdam. Nakakatuwa. 


Since nasira din yong phone ko nitong panahon ng pandemic nabalikan ko ulit yong aking old hobby—ang magsulat at mag-drawing ng kung anu-ano. In short, magsayang ng tinta ng ballpen at color pen. Nakakatanggal ng stress kasi yong pagkukulay-kulay. Kinopya ko lang yong mga drawings ko sa Pinterest nilagyan ko lang ng twist. Charing. 😁


Pero ang pinaka magandang naidulot sa akin nitong pandemyang ito ay ang mas napalapit pa ako kay Lord. I mean mas tumibay pa yong samahan namin kaya nasabi ko na siya yong BFF ko. Naging mas madasalin ako at naging mas open sa kanya sa mga gusto at ayaw kong mangyari. Naging mas transparent ako sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay. Kasi at the end of the day Siya lang naman talaga ang may control sa lahat ng bagay eh. Ang kailangan lang nating gawin ay ang manalig sa Kanya at magtiwala na hindi Niya tayo ipapahamak. At kung ano man ang mangyari ay dahil iyon ay naaayon sa Kanyang kagustohan. 

This pandemic made us realize how our life can take a full 360° turn in just a blink of an eye. Walang permamente sa mundo. Kailangan natin na i-appreciate lahat ng nasa paligid natin, masama man yan o maganda. Kasi darating ang araw na hahanap-hanapin natin ang mga bagay na dati ay tinake for granted lang natin. Mahalin natin ang mga tao sa paligid natin at kailangan nating unawain na lahat tayo ay may kaniya-kaniyang pinagdadaanan sa buhay yong iba nga lang magaling magtago. Ika nga eh we don't know what people are dealing with behind closed doors kaya as much as possible eh let us treat people with kindness. Tayo na lang ang mag-adjust. Hangga't maaari eh iwasan natin na mag-complain sa mga bagay-bagay at intindihin na lang natin kung bakit nangyari ang isang bagay o kung bakit nagawa ng isang tao yong ganong bagay. Kapag talaga nagiging tahimik ka eh mas naiintindihan mo ang life. Sa panahong ito ang kailangan ng marami ay ang pang-unawa. Sa kabila ng magulong daigdig nawa ay makita natin ang kapayapaan. Nawa ay mahanap natin ang kasiyahan sa kabila ng kalungkutan at yakapin natin ang buhay na walang kasiguraduhan. Sana ay matuto tayong tumira sa kasalukuyan at huwag nang isipin ang nakaraan at huwag din munang isipin ang hinaharap. Sa ngayon ay eto lang ang meron tayo, eto pa lang ang sigurado sa buhay natin. Wag nating sayangin ang sandaling ito. Minsan kasi sa paghahangad natin ng magandang future eh nakakalimutan na natin na huminga muna at namnamin ang kasalukuyan. Let us see this life as it is and not how it's supposed to be. Maswerte tayo kasi andito tayo ngayon. May ibang hindi pinalad dahil sa pandemyang eto. May iba din na mga mahal nila sa buhay ang nawala ng hindi inaasahan. Sana ay magsilbing aral iyon sa atin at ma-realize natin kung gaano ka-precious ang buhay ng tao. Mahalin natin ang mga tao sa buhay natin lalong-lalo na ang pamilya natin. Walang pamilyang perfect lahat may issue pero ang mahalaga eh despite the issues or differences of opinions that sometimes lead to misunderstanding eh mas pipiliin pa din nating magmahalan, magbigayan, magpatawad at higit sa lahat ay ang mag-unawaan. Hindi lahat kasalanan ni ganito minsan kailangan din natin i-assess yong sarili natin kasi baka nasa atin talaga yong pagkakamali. Hindi naman sa lahat ng oras ay tama yong iniisip natin. Kailangan din nating pakinggan yong tinig nong iba at lawakan yong pang-unawa natin. May we always choose to be grateful rather than complain and to focus on the good instead of the upsetting. 

We are all wishing, hoping and praying na sana eh matapos na ang pandemyang ito. Kaya sana ay magtulungan tayo. Mga simpleng bagay na maaaring makatulong ay gawin natin para sa ikabubuti ng lahat. Hangga't maaari wag na munang lumabas kung gagala lang naman o kung lalabas man magsuot ng face mask at face shield, magdala ng alcohol at triplehen ang pag-iingat. Tandaan mo hindi lang sarili mo ang iniingatan mo kundi pati yong mga kasama mo sa bahay, mga tao sa paligid mo at mga mahal mo sa buhay. Lalong-lalo na yong may mga magulang na senior citizen. Triple ingat. Mahal magkasakit at higit sa lahat napakamahal ng buhay at kailanman ay hindi na maaaring mapalitan ang buhay ng kahit sino. 

Nawa ay nabago nang pandemyang ito ang pananaw mo sa buhay—sa magandang paraan. This pandemic made us see what truly matters in our life. It doesn't matter whether or not we accomplished something during this pandemic.  Just keeping our sanity in this trying time is already a major accomplishment. 

So.....happy anniversary, quarantine. I hope that you and your loved ones are all safe. Magtulungan tayo at pasasaan ba eh matatapos din ito. There is a hidden message that this pandemic is trying to tell us. We just need to decipher it. Others knew it already while some are still figuring out what could that be.

May we never take a day in our life for granted again. 

God is always there to get us through anything. He cares for His people. He loves each and everyone of us. ‎All we need is to always pray to Him and ask for His mercy.

See you again next week. Enjoy the rest of the weekend. Be safe. 


Ciao. 

If God brings you to it; He will bring you through it! 
-Isaiah 58:11-

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl