Sat With Ree: Semana Santa

Kumusta? Eto na naman po ako dahil Sabado na ulit. Alam mo ba kung normal lang sana ang mundo nasa Talahib sana kami ngayon. Kaso hindi eh. Yon kasing sa Station of the Cross sa bahay namin lagi huling dinadala bago dalhin sa chapel kinabukasan. Eh ngayon yong last day. Akala ko nga makakauwi kami ngayon kasi diba medyo lumuwag na yong quarantine nong isang araw tapos biglang eto na naman. Last year nga hindi na kami nakauwi kasi mas mahigpit tsaka pinatigil din yong pag-e-station of the cross. Hopefully back to normal na next year para makauwi na ulit kami at makalanghap naman ng fresh air at makapanungkit ng hilaw na mangga. Mas masarap kasi ang mangga kapag ikaw mismo yong naghirap na sumungkit. Don kasi sa tabi ng bahay namin don may puno ng mangga kaso may harang na pader. Pero mababa lang naman yong pader. Kapag umuuwi kami don tagmangga kaya nakakapanungkit ako. Favorite ko yon eh. Indian mango na hilaw tapos isasawsaw sa toyo na may sili o kaya kapag sinuswerte at may alamang. Hayyyyy. 🤤🤤🤤

Anyway....sa mga nag-wo-wonder kung saan ba ang Talahib, isa sya sa mga Barangay sa isla ng Tingloy. Sa mga hindi pa alam kung saan ang Tingloy eh isa naman sya sa municipalities ng Batangas. Kailangan mong tumawid ng dagat para marating mo ang Tingloy, as in lalangoy ka talaga. Char. Syempre may bangka naman na sasakyan. At para naman sa mga hindi alam kung saan ang Batangas eh check niyo na lang sa Google map at for sure eh makikita niyo na siya don. Yong original na bahay namin nasa Talahib. Basahin mo na lang don sa blog ko na "Tara? Laro?" yong about sa "island life" ko para mas ma-picture mo what it's like to live in Talahib. Doon ako ipinanganak at lumaki. Doon ako nagsimulang mangarap. Doon ako unang umibig at nasaktan. Charing. 🤭😁 Doon ako nagkaisip. The best days of my childhood were spent there. So ayon.....

Nong bata ako kapag Huwebes o Biyernes Santo tsaka kapag Sabado De Gloria hindi ako pinapayagan ni mother maligo sa dagat. Eh kapag ganong panahon madaming naliligo sa dagat kasi madaming umuuwi don para magbakasyon. Kaya inggit na inggit ako sa mga naliligo sa dagat. Tanaw na tanaw kasi sa bahay namin yong mga naliligo kasi mga 0.5 na kembot lang ay nasa dagat ka na. Yon kasing bahay namin don eh nasa tabing dagat. Tapos dinig na dinig ko pa yong mga pagpadyak ng mga paa habang lumalangoy kaya mas lalong nakakainggit. Pero kahit talaga umiyak ako hindi niya ako pinapayagan. Pero yong mga pinsan ko naliligo. Bawal daw kasi patay ang Diyos so walang mag-se-save sa 'kin kapag nalunod ako. Sabi lang yon nong pinsan ko. Di ko sure kung yon nga yong reason ng mother. 😁

Nakakamis yong mga ganong ganap. Ngayon kasi kapag umuuwi kami don pinakamatagal na yong three days— kasama na don yong pag-alis at pagdating namin. Tapos hindi din ako nakakaligo sa dagat kasi wala na akong makasama. Tsaka feeling ko ang tanda ko na para maligo sa dagat kasi yong mga nakikita kong naliligo sa dagat eh mga bagets. Noong 2019 na umuwi kami don nakaligo ulit ako sa dagat kasi kasama ko yong pamangkin ko. Kaya pala naligo na ako non kasi matatagalan na ata ulit bago maulit. Wag naman sana. Tsaka hindi pa Holy Week kapag umuuwi kami so hindi ko na na-wi-witness kung madami pa din bang umuuwi don at naliligo sa dagat tuwing Biyernes Santo. 

I took these photos 5 years ago. Eto yong paligid ng bahay namin.

Ikaw, anong kwentong Semana Santa mo? Char. Pero seryoso....anong dati mong ginagawa tuwing Holy Week na ngayon ay hindi mo na magawa? Yong mga bagay na gustung-gusto mong balikan kaso malabo nang mangyari kasi iba na yong life mo ngayon.

Iba-iba tayo ng paraan kung paano i-spent ang Semana Santa. Yong iba tuwing Holy Week nagbabakasyon—out of the country or out of town mostly sa mga beaches. Yong iba naman sumasama sa pilgrimage sa kung saan. Yong iba umaakyat ng bundok as a form of penitent. May iba din nagpapapako sa krus. Yong iba nag-vi Visita Iglesia kasama ang pamilya o mga kaibigan. 

Ako, nasanay ako na kapag Holy Week hindi dapat nagsasaya kasi nagpapakasakit ang Diyos so dapat hindi tayo magsaya. But it does not necessarily mean na kailangan maging malungkot o bawal ngumiti. Nasanay lang ako na kapag Holy Week eh feeling ko ang gloomy nong weather especially kapag Maundy Thursday up to Black Saturday. Diba nga ang sabi nong iba kapag nakikita ka na malungkot eh bakit mukhang Biyernes Santo yang mukha mo? 

Whatever way you choose to spend Holy Week sana eh huwag mong kalimutan kung bakit may tinatatawag na "Mahal na Araw." Nawa ay kahit isang araw man lang ngayong Semana Santa ay magkaroon ka ng panahon para kay Lord. Hindi mo naman kinakailangang lumabas at pumunta ng simbahan (kasi nga bawal) para masabing naglaan ka ng oras sa Panginoon. Kahit sa bahay mo lang, sa loob ng kwarto, have time to connect with God. Have time to pray at pagsisihan mo ang mga nagawa mong kasalanan. Find something in your life na kaya mong i-sacrifice o i-give up sa loob ng isang Linggo o kahit ilang araw lang. Yong iba hindi kumakain, yong iba hindi muna gumagamit ng social media. Try mong mag time-out muna sa internet at mag participate sa life. Use this time to reconnect with the things or people that you oftentimes neglect because of your busy schedule. Take a break from your normal daily routine. Disconnect from your gadgets for a while. Iwasan mo muna ang chumismis sa social media and even sa real life. Yong pagbabasa ng comment section sa hindi mo naman post ay pakiki-chismis na din ha, just so you know.😁

Try to avoid thinking bad or negative about people. Do something good for others without them knowing. Subukan mong maglaan ng oras para mag-pray ng rosary kasama yong family mo. Choose to be thankful rather than complain. Try to do some random acts of kindness to yourself, your family, even to a stranger and most especially to God without the intent of posting it on your social media. Nawa ay gumawa ka ng kabutihan at hindi ka maghintay ng ano mang kapalit. Wag mo sanang gawin ang isang bagay para lang makaani ka ng madaming likes sa social media o para maging popular. Gumawa ka ng kabutihan dahil bukal ito sa loob mo at dahil ito ay kaaya-aya sa mata ng Panginoon. Do not wait for people's validation. It's just between you and God. 

Kumustahin mo ang pamilya at kaibigan mo na medyo matagal mo nang hindi nakakausap. Tapos kung asa grocery store ka, paunahin mo yong taong nasa likod mo ng pila. Kung nakaka-L-L (luwag-luwag sa pera) ka naman, give a portion of your money sa simbahan o kaya sa makikita mong pulubi sa lansangan. Mga simpleng bagay na kayang-kaya mo namang gawin ay gawin mo. Walang maliit o malaking bagay sa taong tumutulong as long as bukal ito sa loob mo at hindi ka naghihintay ng ano mang kapalit.

Also, find time for yourself. Try to asses yourself. Kamustahin mo din ang sarili mo. Okay ka lang ba? Ano ang lagay ng puso mo? Kung ano man ang dinadala mo ngayon sa buhay mo ay gamitin mo ang oras na ito para makipag-usap kay Lord. Sabihin mo sa Kaniya ang mga bagay na nakakapagpabagabag sa puso at isip mo. Gamitin mo ang panahong ito para humingi ng kapatawaran sa mga panahon na nakakagawa ka ng mga bagay na hindi naaayon sa Kaniyang kagustohan. At humingi ka rin ng tawad sa mga panahon na nakakalimutan mo Siya at nakakalimutan mong magpasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob Niya. Higit sa lahat ay magpasalamat ka sa Kaniya sa lahat ng mga biyayang natatanggap mo. Magpasalamat ka dahil hindi ka nagugutom, may bubong kang nasisilungan, ligtas at malusog ang pamilya mo pati na rin ikaw. Magpasalamat ka dahil sa kabila ng iyong mga pagkukulang sa Kaniya ay hindi ka Niya pinababayaan.

Hindi naman bawal ang magsaya. Pero sana lang sa kabila ng pag-eenjoy natin ay maglaan tayo ng oras para sa Panginoon. Hindi Niya tayo pinababayaan kaya sana ay huwag din natin Siyang kalimutan. Siya ang rason kung bakit ka nagsasaya ngayon. Lahat ng bagay na meron ka ngayon ay mula sa Kaniya hindi dahil sa madami kang perang pambili. Lahat ng pera mo ay nanggaling sa Kaniya hindi dahil sa masipag kang lang magtrabaho. Lahat ng kasaganahan na nararanasan mo sa buhay ay dahil sa Kaniya. Kaya sana ay huwag mo Siyang kalimutan. Always put God at the top of your priority list. Hindi mo kailangang i-check ang schedule mo para malaman kung may time ka ba para magsimba o para magdasal. Walang ganon. Kailangan available ka sa Kaniya 24/7. 

Kung feeling mo eh napapalayo ka na kay Lord, ito na ang panahon para magbalik-loob sa Kaniya. Use this time to reconnect with Him. He's just waiting to hear from you again. 

Sa pakikipag-usap mo sa Kaniya sana ay isama mo sa Panalangin mo ang ibang tao bukod sa pamilya at kaibigan mo. Ipagdasal mo ang mga may sakit at ang mga taong may pinagdadaanan ngayon sa buhay. Makapangyarihan ang panalangin. 

So, paano ba yan? Patapos na naman ang Marso. April na next Saturday. Sana ay ligtas tayong lahat sa ano mang sakit at kapahamakan. Bawal muna ang lakwatsa ha. Triple ingat kung hindi talaga maiwasang lumabas ng bahay. Tandaan mo sa bawat paglabas mo ng bahay you are not only risking your life but also the people inside your house. 

Do not be complacent.

Protect yourself, your family and all the people around you. 

Take care. 

Pray.

Talk to God. 


May you have a meaningful Holy Week.



Ciao. 


Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl