Sat With Ree: Proud Ako Sa'yo

Siguro naman ni minsan sa buhay mo eh naranasan mo nang ma-reject kahit papaano. Kung hindi pa....eh penge namang tip/s on "how to be you?" po. Ikaw na ang perfect.😊

There are certain things in this world that could hurt a person and one of them is rejection. Yong feeling na "You did your best but your best wasn't good enough." Mapapatanong ka na lang sa sarili mo na "saan ako nagkulang?" o "saan ako nagkamali?" Sino ba naman kasing matutuwa na tanggihan ka diba? Yong simpleng hi-5 nga kapag hindi ka inapiran pabalik eh ang sakit na. 😁

I, myself experienced rejection countless times already. And "it really hurts" is an understatement. First rejection na naranasan ko eh nong hindi ako crush ng crush ko. Pero hindi yon masakit. Ang masakit ay yong marami nga akong damit pero lahat ay masikip. Char. 🀭 Sige na nga....seryoso na.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong na-reject sa paghahanap ng trabaho. Hindi ko alam kung ano yong feeling na masabihan ng "you're hired" o kaya "kelan ka pwedeng magsimula?" Ang lagi kong natatanggap eh yong "tatawagan ka na lang namin." Ang sabi nga nong isa kong nakasama sa interview dati eh hindi daw iyon "tatawagan" kundi "tatawanan." "Tatawanan ka na lang namin." Ganern. 😏 Kapag nadinig mo ang magic words na yon eh hashtag "lam na." Aasa ka pa ba? Pero ako kahit sinabihan na ako ng ganoon, umaasa pa rin talaga ako. Mga one week din ako nag-aantay ng tawag. Malay mo, diba? Pero lagi akong humo-hopia. Favorite ko kasi ang hopia kaya medyo naisabuhay ko na siya. LOL.

Pero ano nga ba ang mabisang paraan to deal with rejection/s? Bawat tao may kani-kaniyang paraan on how they deal with it or get-over it. Parang pakikipag-break lang din yan sa jowa mo eh. Hindi mo alam kung paano ka ulit mag-uumpisa o paano ka ulit babangon sa bawat umaga na hindi mo na siya kasama. Ouch. Tipong inimagine mo na ang future mo na kasama siya but it turns out may ibang plano pala si Lord sa inyong dalawa. 

Based on my experience/s I list here some ways on how I handled rejections.

1. Cry. But only if you need to or if you feel like crying. Wag mo naman na pilitin ang sarili mo na umiyak kung wala naman talagang nakakaiyak o kung hindi ka naiiyak. Baliw yarn? Malaking tulong kasi yong pag-iyak. Napapatatag kasi tayo ng bawat luha na pumapatak mula sa mga mata natin. Crying has never been a sign of weakness. It's a way to release the heaviness that we feel inside our chest. It is necessary for us to find a way on how we can ease the pain that we feel. Importante na pagaanin natin ang kung ano man na mabigat na nararamdaman natin kasi the more na nag-ho-hold back tayo at nag-pe-pretend na okay lang tayo eventually eh darating tayo sa punto na kailangan na nating pakawalan yong sakit and we might get to the point of breaking-down. Sometimes all you need is a good cry to make yourself feel better. 

2. Binge eating or simply just eating. Isa sa pinaka effective na paraan para sumaya ka ulit matapos kang ma-reject eh ang pagkain. Sino ba naman kasi ang hindi napapasaya ng pagkain? Ikain mo na lang yan, girl. Mabubusog ka pa. Mas maganda mag-emote kapag busog ka. Tried and tested. 🀭 Eat your favorite food or your "comfort food."

3. Acceptance is the key. Hindi naman talaga madaling tanggapin ang pagkatalo, pero kailangan mo. Acceptance is the key for you to move forward and go on with your life. Ang sabi nga ni JD Torres sa pelikulang The Mistress "Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo." Siguro hindi talaga para sa'yo o kaya kailangan mo pa maghintay ng tamang panahon para makuha mo ito. But for now, you need to accept that you've been rejected by something or someone that you badly wanted and thought you needed. Accept the fact that things don't happen the way you want them to. Tandaan mo na ang kabaligtaran ng rejection ay acceptance. Kaya kapag hindi ka nila tinanggap eh tanggapin mo na lang. 

4. Let Go. Panahon na para palayain mo ang bagay o tao na ayaw sa'yo. Tao ka at hindi ka sardinas kaya huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo lalo na kung hindi ka na kasya. 😏 Huwag mong ipilit yong sarili mo sa mga bagay na hindi para sa'yo. Madami pang iba diyan. You did you're best. Let go of the idea na you are not good enough kaya ka na-reject. Let go of your "what if's." Hindi masama na dumistansya ka muna don sa nag-let-down sa'yo. Mapa trabaho man yan o tao o kung ano man. Take a break. Kung naghahanap ka ng trabaho at hindi ka natanggap eh hindi naman masamang huminto ka muna at magpahinga. Let go of the idea that you created in your head that you will be happy only if you got accepted from your dream job. There's more to life than just weeping and moping around.  Kung na-reject ka man ng isang tao ay piliin mo munang lumayo sa kaniya. Malay mo sa paglayo mo maramdaman niya na hindi pala kumpleto ang buhay niya kapag wala ka. Yieeeeee. Ho-hopia na yan. 😁

5. Move On. Look for other opportunities. Huwag kang mag-stick sa isang option lang. Madaming letters ang alphabet, pili ka na lang don. Ang sabi nga ng isang famous na kasabihan "Don't think outside the box. Think like there is no box." Kapag susugal ka dapat may back-up plan ka palagi kung ano ang gagawin mo kung sakaling mag-fail ka. Kung sakaling mag-te-take ka ng risk you should expect the "worst-case scenario." Oo, kelangan lagi maging optimistic. Pero syempre dapat alam mo rin na hindi sa lahat ng pagkakataon eh kakampi mo ang universe. A chapter in your life has ended. It's time to move on to another page. 

6. Pray. Hope. Don't Worry. Mahirap magpaka-optimistic lalo na sa mga panahon na pinanghihinaan ka na ng loob at nawawalan ka na ng pag-asa dahil sa hindi mabilang-bilang na beses na na-reject ka. The best that you can do is to hope for the best even when things are not working the way you wanted them. Isipin mo na lang na may bukas pa. Ang clichΓ© pero totoo naman. Diba? Hindi pa end of the world. Ika nga eh kung may pinto man na nagsara eh may bintana pa naman na nakabukas, malay mo kasya ka don. Diba lakas maka akyat-bahay? 🀭 Kung may isang pinto na nagsara eh baka hindi talaga para sa'yo yon. May rason kung bakit nagsara iyon. Hindi mo man alam kung ano ang rason na iyon pero kapag tama na ang panahon eh ipapakita sa'yo ng universe kung bakit dapat kang magpasalamat at sarado ang pinto na pilit mong binubuksan. Malay mo may cobra pala pagpasok mo sa pinto tapos bigla ka na lang tutuklawin. 

When you got rejected from something it only means that God is preparing you for greater things. In His perfect time He will give you more than what you wanted. So be patient and have faith. Do not worry because He knows what He is doing.

Pinakamagandang naidulot sa akin ng rejection eh yong mas napalapit ako kay Lord. Sa bawat "tatawagan ka na lang namin" at "we regret to inform you" na natanggap ko‎ si Lord yong napapagbuntunan ko ng sama ng loob. Sa Kaniya ko ibinibigay lahat nong bigat na nararamdaman ko. May pagkakataon din na tinanong ko Siya na bakit Niya pa sinunod yong sign na hiningi ko (kung pupunta ba ako sa interview o hindi) tapos hindi naman pala ako matatanggap. Hanggang sa dumating na ako sa point na ipinagkatiwala ko na sa Kaniya yong buhay ko which is dapat dati ko pa ginawa. Sinabi ko sa Kaniya na bahala na Siya sa buhay ko, bahala na Siya sa future ko. Pero may mga pagkakataon na tine-test Niya kung gaano ako ka-comitted don sa sinabi kong iyon sa Kaniya. Tinuruan Niya ako na magtiwala sa Kanya at ipinakita Niya sa akin na pupwede kong planuhin ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko pero Siya lang yong may kakayahan at kapangyarihan na isakatuparan ang mga pinlano ko. If it's not His will and if it wouldn't do any good to me, He could easily wreck the plans that I made.

Sa panahon na feeling mo eh tinalikuran ka na ng mundo eh andiyan si God para i-comfort ka. Kumatok ka lang sa Kaniya at paniguradong ikaw ay Kaniyang pagbubuksan. At sa Kaniya nakasisigurado kang hindi ka niya i-le-let down o tatanggihan. Tatanggapin ka Niya ng buong-buo. Kapag wala ka ng lakas para bumangon eh andiyan siya para alalayan ka sa mga panahon na nanghihina ka. In His perfect time ipapakita Niya sa'yo why certain things didn't work the way you wanted them. Kasi may mas maganda Siyang plano para sa'yo. 

Ang sabi nila hindi daw mahalaga yong destination. Mahalaga daw ay yong journey. Yong mga bagay na natutunan mo along the way habang naglalakbay ka. Magagamit mo yon para harapin ang bagong bukas at ang bagong hamon ng buhay. Bawat rejection na natanggap mo ay may aral kang mapupulot. May bagong experience ka na makukuha. Mga bagong karanasan na kapag naaalala mo ay matatawa ka na lang at minsan naman ay maiiyak ka. Ito yong mga karanasan na kapag binalikan mo ay magugulat ka na lang kasi minsan sa buhay mo ay may ganoon palang pangyayari. 

Na-reject ka kasi hindi sila deserving sa mga bagay na kaya mong i-offer. May iba na mas deserving sa mga bagay na kaya mong gawin at ibigay. There are people out there who would be willing to take risks with you. You don't have to beg. You don't have to utter even a single word. They'll simply accept you for all that you are. You are not a failure even though you've been rejected. Do not belittle yourself or do not think less of yourself. 

Kapag na-reject ka ibig-sabihin non you take a risk. Minsan sa buhay mo ay naging matapang ka at handa kang sumugal kahit na hindi mo alam kung ano ang magiging resulta. Minsan sa buhay mo ay ipinaglaban mo ang gusto mo at naniwala ka sa kakayahan mo. Kaya sa bandang-huli ay wala kang pagsisisihan kasi sumugal ka at nalaman mo ang resulta. Kahit na natalo ka eh at least hindi ka habang-buhay na mag-iisip o manghihinayang na hindi mo ipinaglaban yong sa tingin mo eh gusto mo. You are a fighter, after all. And you survived one of the toughest times of your life. You should be proud of yourself. Kasi ako, proud ako sa'yo. 😊

What didn't work out for you really worked out for you.


Ciao. 😊 

Comments

Popular posts from this blog

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour

Sat With Ree: Jab We'll Done

It's Our 8th