‎Sat With Ree: Happy Mother's Day

Hey. Happy Saturday. Here I am once again. Kumusta na ang life? Did you read my last blog? Kung hindi pa ay bakit hindi mo pa binabasa? Char. ๐Ÿคญ Ang bilis ano? Mayo na kaagad. Sayang kasi walang Flores De Mayo. Iyon pa naman ang inaantay ng mga bata kasi may pa-kendi. ๐Ÿ˜Š Let us hope and pray that things will soon be back to normal.๐Ÿ™

Anyway....Mother's Day na bukas. Ano na? Nakabili ka na ba ng pang-regalo para kay Mama/Mommy/Inay/Nanay o kung ano mang tawag mo sa iyong mother. Yieeeeee. Sana all may gift. ๐Ÿ˜

Ano yong favorite bonding moment/s niyong mag-ina? O ano yong pinaka hindi mo malilimutang pangyayari kasama ang Mommy mo?

Noong bata pa ako sa isla pa kami nakatira, (just read here kung saan ang isla na tinutukoy ko) madalas kami lang nong older brother ko at ang mother ang magkakasama sa bahay. Dahil yong mga kapatid ko na mas nakakatanda sa amin ay nag-aaral ng college tapos yong dalawa pa ay may kani-kaniya ng trabaho. Kaya madalas kasama ako ng mother kahit saan siya magpunta. Pero hindi naman sa kung saan lang siya pumupunta. Ang pinupuntahan niya naman eh makabuluhan. Kunwari maglilipat ng birhen, o kaya mag-e-station of the cross kapag mag-ho-holy week na, tapos kapag undas may mga nagpapadasal tapos siya yong namumuno, tapos tuwing hapon pupunta sa chapel para magdasal. Tapos kapag Flores De Mayo sumasama din ako minsan kasi siya din yong namumuno don dati. Kaya nga sobrang bait ko na bata eh. Kasi mga dasalan yong pinupuntahan ko. ๐Ÿคญ Yon nga lang hindi ko na-adapt hanggang sa pagtanda ko. Charot. Hahaha. Joke lang. Maldita ako nong bata ako. Actually.....hanggang ngayon naman. LOL. ๐Ÿ˜๐Ÿคญ

Kapag Sunday naman nagsisimba siya sa bayan. Minsan sumasama ako, minsan hindi. Kapag sumasama ako at napadaan kami sa tindahan at may nagustohan akong something eh bibilhan niya ako minsan. Kapag naman hindi ako sumasama eh lagi siyang may pasalubong sa aming magkapatid, Piattos o kaya Nova tapos may drinks na Chocolait yong sa akin yong sa kapatid ko naman eh yong Gina na mango flavor (Google mo na lang kung di ka maka-relate sa Chocolait at Gina). Masaya na kami don. Kaya special sa akin ang Piattos at Nova hanggang ngayon, noon ang flavor lang ng Piattos eh cheese lang. Tapos one time Valentine's Day yon, pinagawa kami ng Valentine's card sa school tapos ibinigay ko sa mother kaso nahihiya ako ibigay sa kaniya ng personal kaya isinipit ko na lang sa bible niya. 

Noong elementary ako, from Grades 1-4, lagi niya akong inihahatid at sinusundo sa school. Tapos siya yong nagbibitbit ng bag ko. Eh diba kapag naman elementary ka gusto mo buong bahay niyo dala mo sa bag mo. Kaya mabigat yong bag ko lagi. Bago siya umalis ng classroom ang lagi niyang sinasabi sa akin ay "behave ha." Iba-iba lagi yong hairstyle ko sa pagpasok kasi masipag siyang puyodan ako at tsaka isalapid (braid) yong buhok ko. Pinaka favorite ko yong kapag bine-braid-an niya ako na pa-head-band yong style. Hindi siya pumapayag na papasok ako na "sagurang" (ayon sa salita niya) yong buhok ko. Sagurang meaning magulong buhok at pwedeng pamugaran ng ibon. 

One time umuwi ako galing sa school na wala siya sa bahay. Tapos wala ding tao sa bahay kasi yong kapatid ko nasa school sa bayan. Tapos wala akong matanong kung asan ang mother. Kaya after ilang sandali at wala siya eh humagulgol na ako ng iyak. Kung anu-ano nang naisip ko nong panahon na yon kung bakit wala siya. Ayoko na lang sabihin. Haha. ๐Ÿ˜๐Ÿคญ Grabeng iniyak ko non ha. Tapos dumating na siya after siguro mga isang oras. 

Kapag opening ng klase yong pinaka mahirap kasi "sepanx" is real na real. Nakakatawa yong mga ibinabalita sa TV dati na mga bata na umiiyak kapag iniiwan nong parents sa school pero ganon ako nong elementary ako, hanggang Grade 5 siguro akong ganon tuwing opening ng klase umiiyak kapag umuuwi na ang mother after akong ihatid sa school. Ayaw ko na iniiwan niya ako. Pero yong iyak ko non pasimple lang, tatago ako sa isang tabi tapos doon ako magpupunas ng luha. Ayaw kong ipakita sa mother na umiiyak ako. Pero syempre alam naman niya yon kasi mugtong-mugto yong mata ko.

Isa sa pinaka hindi ko malilimutang pangyayari na kasama ang mother eh nong first year high school ako. Since elementary hindi ako kumakain kapag breakfast bago pumasok ng school. Chocolate drink lang sapat na. Pagka gising ko sa umaga nakatimpla na yong inumin ko tapos may mainit na ding tubig na ipanliligo ko. Syempre dahil iyon sa mother. Never ako nag-set ng alarm clock noon para pampagising. Kasi ang mother na ang nagsilbing alarm clock ko from elementary to college. 7:00AM pa yong klase pero alas singko pa lang ginigising na niya ako kahit na kapitbahay ko lang naman yong school. Hindi ako nasanay na tumingin sa relo tuwing magigising ako kasi alam ko naman na madami pa akong time kasi nga sobrang aga pa naman. 

Eh di yun na nga... ginising na niya ako para mag-prepare for school. Ang ugali ko naman non eh babangon ako tapos don ako sa couch magtutuloy ng pagtulog dahil nga alam kong maaga pa naman. Tapos every five seconds pupukawin niya ako, "dali na, tanghali na." Eh ang aga-aga pa naman. Tsaka nong High school ako ayaw ko talagang pumasok ng maaga kasi may flag ceremony pa. Pero may service kami noon na tricycle kasama ko yong batchmate ko na taga dito lang din sa malapit sa amin. Yong service naming yon eh nakakaloko. Madalas late siya dumating tapos minsan naman sobrang aga. Tapos one time, naipit nong gulong nong tricycle niya ang paa ng mother tapos nagka lapnos. At ang sabi nong driver na yon eh lagyan daw ng mother ng mighty bond yong nalapnos na balat. Diba nakakaloko? ๐Ÿ˜

Ayon na nga. Eh di papasok na ako. Normal naman sa akin na pumasok sa school ng madilim pa kasi kahit 6:00AM na eh madilim pa minsan. Kaya nong lumabas ako sa pinto at madilim pa eh hindi ako nagulat. Tapos lumabas na kami ng gate at doon na namin inabangan yong service. Dahil sanay na nga ako na late siya madalas eh hindi pa din ako na-bother nong paglabas namin at wala pa siya. Maya-maya biglang napatingin ako sa itaas, sa langit, hala......ang dami pang bituin. Napatingin tuloy ako sa cellphone ko para i-check yong oras. Pagtingin ko sa ng oras eh lagpas 2:00AM pa lang. Kaya pala ang dilim-dilim pa at ang dami pang bituin sa langit. Nagtawanan na lang kami ng mother don sa labas ng gate sabay pasok ulit sa loob ng bahay at natulog ulit ako pero don na lang sa silya at hindi na din ako nagpalit ng damit. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yong araw na yon. Hindi ko din alam kung bakit nagkaganon at hindi niya namalayan ang oras. 

Nong high school ako pinagtatawanan ako nong classmates ko nong second year at ang tawag sa akin nong isa eh "sundo't hatid." Kasi nga naman high school na ako eh sinusundo pa din at inihahatid ako ng mother kahit na may service naman. Syempre nakakahiya that time pero ngayon ko lang na-realize na dapat naapreciate ko yong paghahatid at sundo ng mother instead na ikahiya kasi ganoon niya ako ka-love. Kasi first time yon na yong school na pinasukan ko eh medyo malayo sa bahay namin. Kasi nga sa isla ako nag-aral nong Grade 1-4 tapos nong 5-6 eh yong school na nilipatan ko eh kapitbahay lang namin—literal na kapitbahay lang namin. As in nadidinig mo kapag nagkaklase na. So first time ko na pumasok sa school na hindi pwedeng lakad-lakad lang. Pwede naman kaso haggard pagdating sa school. Kaya nag-e-effort siyang ihatid at sunduin ako kasi hindi pa siya ready na pakawalan ako sa outside world. ๐Ÿคญ Charing. Wala tayo sa presinto pero nagpaliwanag na rin ako, just in case. ๐Ÿ˜Š

Ganon siya mag-care sa akin.....eh bunso ako eh. ๐Ÿ˜Hindi. Lahat naman kaming magkakapatid ganon niya kami inalagaan at inaalagaan pa rin hanggang ngayon. Ganon siya magmahal, all-out. 70 years old na siya pero palagi pa din siyang nagpapaka wonder woman dito sa bahay. Naglalaba tapos maya-maya magluluto ng pananghalian pagkatapos magluto tutulong ulit sa paglalaba. Ako yong napapagod para sa kaniya. Pero natutuwa ako kasi malakas pa yong katawan niya at kaya niya pang mag multitask. Ang hiling ko sa Diyos ay palagi siyang bigyan ng malakas na pangangatawan para magawa niya pa yong mga bagay na gusto niyang gawin. 

Hindi perfect yong mga nanay natin pero hindi ka din naman perfect na anak para mag-asam ng "perfect mother." Sa pelikula lang may ganon. Walang handbook ang mga nanay na pwede nilang tingnan at pag-aralan. Lahat ng ginagawa nila ay ang kung ano ang sa tingin nila ay tama at makabubuti para sa mga anak nila. Lahat sila tina-try na magampanan at iparamdam sa bawat anak nila na pantay-pantay lang yong pagtingin nila sa bawat isa at walang nakakalamang. At sa mga pagkakataon na hindi nila iyon napagtatagumpayan na gawin eh huwag sanang sumama ang loob mo o magkaroon ng hinanakit sa nanay mo. Kasi tayo din naman bilang mga anak nila ay may mga nagagawang pagkukulang sa kanila but they chose to overlook yong mga pagkukulang na nagagawa natin. Ni minsan hindi sila nagkulang sa atin, sobra-sobra pa nga sila kung magbigay, tayo lang ang mapanghanap at hindi marunong makuntento. 

Hindi sapat na binigyan mo lang ang nanay mo ng isang Louis Vuitton o Gucci na bag. Minsan kailangan may laman ding pera yong ibinigay mong bag para mas happy. ๐Ÿ˜ Charing. Hindi naman mahalaga yong materyal na bagay eh, oo napapasaya mo sila pero at the end of the day kine-crave pa din nila yong time at presence mo. Yong kahit may sariling pamilya ka na o may work ka na eh gusto naman nila na paminsan-minsan eh maglaan ka ng oras sa kanila. Simple lang naman ang gusto nila, yong kahit ano na ang estado mo sa buhay ngayon eh palagi mo pa din silang naaalala at kahit papaano ay ipinaparamdam mo sa kanila na kailangan mo pa rin sila kahit na sa tingin mo ay kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Oo, minsan magrereklamo sila na kesyo ganto kesyo ganyan, pero hindi mo alam na masayang-masaya ang puso nila kasi napapagsilbihan ka nila. Kasiyahan na nila na paminsan-minsan eh hinihingi mo pa rin at sinusunod yong opinyon nila. Masaya siya na ipinaparamdam mo na may importansya pa rin siya sa buhay mo. Nalulungkot siya kapag binabalewala mo lang siya at feeling niya eh hindi mo na siya kailangan. May nabasa akong quote na ang sabi eh "No matter your age, you always need your mom." Akala mo lang na kaya mo nang mabuhay na wala siya. Tama ka naman, akala mo lang iyon. ๐Ÿ˜

We were put by God in our mother's womb for a reason. And I am beyond grateful that He chose to put me in my mother's womb. Hindi mo pupwedeng sabihin na sana iba na lang ang naging nanay mo because you wouldn't be the person you are today if it's not your mother. At tandaan mo na hindi ka din naman pinili maging anak ng nanay mo in the first place. But you two were destined to be in each other's life. Pinlano man o hindi ang pagkabuo sa atin eh yong pinagtiyagaan tayong dalhin ng nanay natin ng siyam na buwan eh isang malaking sakripisyo na para sa kaniya. Kaya sana eh ma-aappreciate natin iyon. There could be times that they might get into our nerves but that doesn't give us any right to disrespect her. Masakit yon para sa kanila. Masakit na makitang umiiyak ang isang ina ng dahil sa kaniyang anak, except kung "tears of joy." ๐Ÿ˜Š

Maswerte ang mga anak na kapiling pa ang totoong nanay nila. Hindi lahat nabibigyan ng ganoong pribilehiyo. May mga bata na iba na ang kinagisnang ina, may iba naman na lola na nila yong nagsilbing nanay nila, at yong iba naman ay yong Tatay na nila yong nagsisilbi na ring Nanay. Kaya maswerte ka kung ang nagpalaki at nag-aalaga pa rin sa'yo ngayon ay ang totoo mong mommy. Sana ay huwag mong i-take for granted ang bawat araw na kasama mo siya. Hindi maiiwasan na minsan ay mapapagsabihan ka niya o mapapagalitan ka pero para naman din iyon sa ikabubuti mo. I-appreciate mo yong bawat pangaral na sinasabi niya sa'yo kasi darating yong araw na hahanap-hanapin mo yong mga sermon niya. Habang tumatanda tayo sana ay huwag din nating kalimutan na tumatanda rin ang mga magulang natin. 

Noong mga bata tayo ay may mga pagkakataon na "sumosobra" na tayo sa kakulitan at pinipigil ng mga nanay natin na huwag mainis sa atin at pagpasensyahan na lang yong kakulitan natin. Kaya ngayon na matanda na tayo ay tayo naman ang umintindi sa kanila. Marami tayong nagawang pagkakamali sa kanila pero balewala laang iyon sa kanila. Nagagalit lang sila ng mga 5 seconds pero after non okay na ulit sila. Kaya sana ay kung may nagawa man silang hindi naaayon sa kagustohan mo ay pagpasensyahan mo na lang. Hindi nila intensyon na masaktan ka. 

My mother is the most important person in my life. But she probably doesn't know that. Hindi kasi ako vocal when it comes to my feelings. Kaya nga nasasabihan niya ako na wala daw akong pakialam sa mundo. Hindi rin ako sweet na anak, hindi ako sweet na tao in general. Never ako nag-post ng long and sweet messages for her sa social media except kapag alam kong ako lang yong makakabasa. But I know in my heart of hearts that I love her so much and she means the whole world to me. Hindi ko kayang mabayaran o masuklian yong lahat ng pagmamahal at sakripisyo na ibinigay niya para sa akin dahil wala iyong katumbas. Basta ang alam ko lang ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Hindi ko kaya. Hindi ako sanay. At ayaw kong masanay. Gusto ko makasama ko siya habang-buhay. Kung uulitin man ang buhay ko ang Ina pa rin ang gugustohin kong maging nanay at wala nang iba. 

Sana imortal ang mga nanay natin para tumatanda lang sila by age at hindi sila nawawala sa earth. 

Happy Mother's Day to you, kung isa ka nang ganap na ina. Kung hindi pa naman eh Happy Mother's Day sa Nanay mo o don sa taong itinuturing mong Nanay. Sana ay maglaan ka ng oras bukas na makasama o makausap man lang siya. Pero sana kahit hindi Mother's Day ay maiparamdam natin sa mga Nanay natin na importante sila sa buhay natin at naa-apprciate natin ang mga ginagawa nila para sa atin. 

Happy Mother's Day to my most favorite person in the world, our Ina. I love you forever. Thank you for all that you did and still doing for us, your children. ❣️ We may all be grown-ups but we will always need you. 

Without you, girl, my life is incomplete.

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl