Sat With Ree: Ang Sarili Kong Mundo
Bakit nga ba "Ang Sarili Kong Mundo" ang title nitong blog ko? Diba yayamanin lang ang datingan? May sariling mundo.
Noong bata pa ako hindi pa uso sa akin ang hiya-hiya. Madaldal ako nong bata. Ika nga nila "kahit hindi bilin, sinasabi ko." Ganern. Naalala ko nga siguro mga 5 or more years ago pumunta dito yong pinsan ko. Tapos medyo lasing na siya kaya mas madaldal na. Ikinwento niya kung paano ako kiligin dati sa crush ko (kasi kilala niya) at sinabi niya din na noong bata daw ako madaldal ako. Kaya anyare??? Maloko kasi ako nong kabataan ko. Hanggang ngayon naman, actually. Charing. 🤭
Since sa isla pa kami nakatira noon so kokonti ang tao at halos lahat magkakakilala. Pare-parehas lang yong mga tao na nakakasalamuha ko kaya wala ng inhibitions on my part. Tsaka kapag bata ka pa naman hindi pa uso ang hiya-hiya. Kapag pinasayaw ka, sasayaw ka kahit na pinagtatawanan ka na ng ibang tao. Tapos sa school kokonti lang kaming mga estudyante. Siguro mga 40 lang kami sa isang grade kaya walang section A, section B eme, eme. Kaya kapag Christmas Party o kaya may recognition/graduation malamang sa malamang na kasali ako sa mga sasayaw. That was elementary days—Grade 1-4. Isang beses nga nong Nutrition Month tapos may program, nag-monologue ako. Grade-3 ako non. Kapag nga naiisip ko na nagawa ko yon nakaka-proud kasi minsan sa buhay ko makapal pala yong mukha ko.
Then I had to transfer to another school when I was in Grade-5. From island we had to move to the city. Syempre before that I was so thrilled to move to the city. Adjustments and changes weren't on my mind back then. All I know is that I couldn't contain the excitement that I feel. New environment, new classmates, new teachers. Everything was new to me. There were so many students and all of them were strangers to me and I to them. Unlike don sa mga naging classmates ko sa isla na yong iba pinsan ko tapos yong iba kapitbahay lang. Kaya friends ko halos lahat. Dito sa nilipatan kong school sa dami ng students kelangan ng sectioning. Fortunately, one of my cousins was with me. We were in the same section. Tapos bawat subject iba-iba ng teacher. Samantalang sa isla pinakamarami ng teacher sa isang grade eh tatlo. Well-rounded kasi ang mga teachers don, alam nila ituro bawat subject. (Build-up pa more.😁) Luckily, hindi naman ako nahirapan na makahanap ng bagong friends. Mababait naman sila sa akin. Pero mga isang Linggo din akong umiiyak non. Yong tipo na gusto ko na ulit bumalik sa isla at makasama yong dati kong classmates. And I couldn't do anything but to cry and embrace my new life.
Just when I thought that that was the hardest adjustment I had to make, here comes high school. Achiever ako nong elementary, tapos lagi din akong class officer. Either I was a Class President or a Vice President. Kahit transferee ako nong Grade 5 inelect pa din ako nong mga classmates ko bilang Class President. Eto na nga tayo sa high school. Being in high school became too overwhelming for me and I was culture shocked. My student life took a full 360° turn.
Since lagi akong kasama sa honor roll nong elementary ang taas ng tingin ko sa sarili ko nong mga panahon na yon. Feeling ko ang talino ko. Feeling ko ang galing ko. Tsaka madami akong friends nong elementary kaya feeling ko sikat ako. Char. 🤭 (Sorry na.😔) I mean, hindi ako friendly na tao ever since pero yong mga naging classmates ko yong nakikipag-friends sa akin kaya hindi ako nahihirapan makahanap ng mga kaibigan. Masyado akong naging confident sa sarili ko that time. Tapos eto nga si high school. Kung malaking pagbabago ang hinarap ko nong nag-transfer ako nong Grade 5 mas malaki pa palang pagbabago ang nag-aantay sa akin dito sa high school.
Dito na nagsimulang lumaglag sa subzero yong self-confidence at self-esteem na meron ako. Suddenly finding new friends became too difficult for me. Yon kasing pinasukan ko nong high-school private school, nong elementary ako public. Very diverse yong mga estudyante. Yong iba magkakaklase na nong elementary tapos naging mag-classmates pa din sa high school kaya matic na barkada na kaagad sila. And there I was feeling so out of place kasi wala man lang akong kakilala sa mga kaklase ko. Suddenly I became a "loner." Plus the fact na na-intimidate ako sa mga classmates ko. That's when I realized na hindi naman pala ako matalino. Hindi pala ako magaling. Samantalang dati proud na proud ako sa sarili ko. Nahirapan ako makipagsabayan sa mga kaklase ko kasi sila pala yong matalino, sila pala yong magaling.
Noong first year ako asa Science Class ako. Ang rule kapag nakakuha ng grade na below 85 sa major subjects—English, Math, Science— matatanggal na sa Science Class. Sa minor subjects naman no grades below 80 or 82 (???) dapat. Kaya na-pressure ako bigla. Okay naman ako sa ibang subjects, nakaya ko naman. Na-maintain ko naman yong dapat na grade. Pero pagdating sa Math....... iniyakan ko na lang. Dahil ang taas ng tingin ko sa sarili ko so feeling ko kayang-kaya ko. Kaya nong mga paunang lessons hindi ako nag-focus, hindi ko sineryoso na mahirap siya at hindi ko inintindi. Malay ko bang kapag pala hindi ko siya inintindi simula sa umpisa hindi ko na siya maiintindihan forever. And when I say "forever" I really mean it. Akala ko ang Math eh simpleng 1+1 lang okay na. Pero, friend, sinamahan na ng letters, 1a+1b=2c. Paano na? Tapos andyan pa yong finding "x." Ayoko na ho. 😭 Before magbigayan ng report card sinabi na sa amin nong adviser namin yong mga nanganganib na matanggal sa Science Class kasi third grading na. Expected ko na naman na isa ako sa mga nanganganib. Pero, friend, ang hindi ko madaling natanggap yong sa 7 years na pagpasok ko sa school first time ko magkaroon ng grade na "palakol." 79 naman siya pero ang sakit, friend. Night before magbigayan ng report card iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mother. Good thing was hindi naman niya ako pinagalitan pero alam kong na-disappoint ko siya ng bongga.
Unfortunately, natanggal ako sa Science Class. Eto na naman tayo sa finding new friends. Kasi naman masyadong matatalino yong mga naging friends ko nong 1st year kaso nga lang hindi ako pinatulad sa Math kaya naiwan sila don sa Science Class at nahiwalay ako. 🤭
Dito na nagsimulang tumiklop ang dating madaldal at nagagawang sumayaw sa mga school programs kahit na matigas naman ang katawan. Eto na yong panahon na nagkaroon ako ng sarili kong mundo. I started doubting my capabilities and realized that I was not good enough. Nahiya na ako sa mga tao. Ultimo nga pagtataas ng kamay para sumagot sa teacher hindi ko magawa. Kasi natatakot akong magkamali. Natatakot akong pagtawanan ng mga kaklase ko. Ayaw kong mapahiya sa mga kaklase ko.
Gone are the days na excited akong pumasok ng maaga para makipag-chikahan sa mga friends ko. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Char. 🤭 Pero totoo. Natuto akong dumepende lang sa sarili ko. Tipong okay lang na wala akong kasama bumili sa canteen kapag break time. May mga naging kaibigan naman ako. Pero iba, kasi feeling ko I can't depend on them. I still felt so alone. Pinakamahirap kapag may activity at bibigyan ng teacher ng free will to choose our own groupmates or partner. So paano? Bawal naman ang solo.
Tapos sa bahay naman kapag may mga kamag-anak na dumadating tapos hinahanap ako ang isasagot nong isa kong kapatid "may sarili hong mundo." Kapag kasi alam ko na may padating na kamag-anak sa bahay tatago kaagad ako sa kwarto— ang aking safe space.
Akala ko dati abnormal ako kasi ayaw kong makihalubilo sa maraming tao. Pero hindi naman pala. Through social media nakita ko na hindi naman pala ako nag-iisa. Marami naman pala kaming ganito. Ano nga ba yong tawag sa mga tulad ko? Introvert ba yon? Oo tama. Introvert nga. Kami yong mga tao na gusto palaging mag-isa at tahimik lang. Hindi namin gawain na mag-initiate ng conversation except na lang kung may mahalaga kaming sasabihin. Masaya kami sa mga simpleng bagay. Kahit hangin pinagtatawanan namin. O ako lang ata yon? Pero mabilis din kaming umiyak, may pagka-sensitive din kasi kami. O ako lang din yon? It is not in our nature to be vocal about our feelings. We don't want to depend on anyone. We get attached so easily. Since hindi nga kami friendly so hindi lahat ng nakakausap o nakikilala namin eh itinuturing kaagad naming kaibigan. It took a couple of exchange conversations before we consider someone as a friend. But once we became friends know that you can always count on us.
Wala sa loob ang kulo namin, gaya nong mga madalas kong nadidinig na sinasabi nila sa mga taong tahimik. Hindi lang kami sanay na i-share yong lahat ng laman ng utak namin. Iniisip muna namin yong bawat salita na sasabihin namin dahil ayaw naming makasakit ng damdamin. We only say what we mean that's why we also expect people to do the same. Kaya we take things personally kahit hindi naman mini-mean nong taong nagsabi yong sinabi niya. Funny kasi kami (funny-walain).🤭
Since hindi kami vocal sa nararamdaman namin kaya ang nagiging platform namin to voice-out our feelings is through writing. We always think that the people around us are not interested in what we're going to say. And we are not comfortable sharing our thoughts with them no matter how close or how open we are with each other. But sometimes our emotions become too heavy and we need to let-out our feelings through writing sa diary, journal or by blogging.
Dati na-o-offend ako kapag sinasabihan ako na may sarili daw akong mundo. Pero ngayon nakaka-proud na siya pakinggan kasi feeling ko ang yaman-yaman ko kasi may sarili akong mundo. 😁 Kidding aside, eventually hindi na ako nasasaktan kapag sinasabing may sarili daw akong mundo. Kaya nga ginawa ko siyang blog title. Hindi naman malungkot mag-isa. Hindi ka lang sanay. Mas komportable ako na ako lang at hindi nakikihalubilo sa tao, mas masaya. Kesa sa napapalibutan nga ako ng madaming tao pero wala naman akong nakakausap, doon mas nararamdaman ko na mag-isa ako. Ako yong kumakausap sa sarili ko, ako yong nag-jo-joke sa sarili ko at ako din yong tumatawa sa joke na iyon. Kasi at the end of the day sarili ko lang din naman ang kasama ko. Tsaka hindi naman ako totally nag-iisa kasi kasama ko si Lord in spirit.
Nakailang blog title ako bago ko maisip itong "Ang Sarili Kong Mundo." Nagsimula ako sa "Anything Goes" tapos napunta sa "Little Secret Rendezvous" hanggang sa "Oh, Ay Maano Naman." Diba mga walang kwenta lahat? 🤭 Tapos naisip ko yong "For Your Eyes Only. Only For You" kasi hindi ko naman pino-promote 'tong blog na 'to kaya para sa mga mata mo lang. Kung sino na lang ang makakita. Parang "What happens in Vegas stays in Vegas." Ganon yong peg ko. Tapos bigla kong naisip yong "Ang Sarili Kong Mundo." Kaya naging sub-title na lang yong "For Your Eyes Only. Only For You." This blog became my "safe zone" on the internet. Dahil yong mga pina-publish ko naman dito hindi ko siya pino-post sa mga social media ko. Exclusive lang dito. Kaya kahit ano ikinukwento ko. Ika nga "no holds barred" ako dito. 😁 Kaya nga ito "Ang Sarili Kong Mundo."
Ciao. 😊
Comments
Post a Comment