Sat With Ree: 20 Mistakes I Made In My 20's

Hey. How's life? Hope all is well. Isipin mo yon, Hunyo na ulit sa Martes. Nangangalahati na ang taon. Since in less than 4 months, if it's God's will, I will be celebrating my 30th so might as well give a rundown of the mistakes I did starting when I was 20 years old up to now that I'm almost 30. Because.....why not? Sometimes it's nice to remember the faults you did so that you'll also remember the lessons you got from those mistakes.

1. Not being closer to God the soonest. Maka-Diyos na naman ako before, nag-pe-pray naman ako bago matulog. Pero filtered dati yong mga sinasabi ko sa Kaniya. Hindi tulad ngayon na napaka-transparent ko na sa Kaniya. Alam ko naman na kahit hindi ko sabihin sa Kaniya eh alam Niya yong laman ng puso ko. Pero ngayon sinasabi ko na lahat sa Kaniya simula sa pinaka walang kwentang concern ko hanggang sa pinaka-importanteng bagay. Siya yong nagsisilbing BFF ko. Kapag masaya ako o kaya malungkot sa Kaniya ko sinasabi yong dahilan. Lagi ko na Siyang kinkausap unlike dati na kapag may kailangan lang ako lumalapit sa Kaniya. Mali pala yon.

2. Having the idea that everything will happen just the way I imagined it. Magaling akong gumawa ng mga scenario sa isip ko. Kunwari may pupuntahan ako bukas iniisip ko na kaagad yong mga mangyayari tapos ma-eexcite ako. Tapos kapag dumating na yong mismong araw iba yong nangyayari kaya sa halip na maging happy ako eh na-di-disappoint ako. Mali pala talaga yon. Mas maganda pala na wala kang expectations sa mga bagy-bagay at na-su-surprise ka na lang sa mga pangyayari. 

3. Splurging on the things that are not needed. I should have saved more. Matipid akong tao pero once na may nagustohan ako kahit na hindi ko naman kailangan bibilhin ko talaga siya. I'm a frugal and an impulsive buyer combined. Tsaka dati feeling ko kapag may nagbigay sa akin ng pera kailangan ko ibili ng something agad para may "souvenir" don sa pera at hindi mauubos na lang sa kung saan. Pwede naman siguro siyang gawin kaso hindi dapat all-out yong pagbili. Siguro dapat kung may nagbigay sa akin ng 500 dapat 50 lang yong ibibili ko nong something tapos i-se-save ko na yong iba for "future use." Hindi yong ibibili ko na lahat ngayon tapos bukas may importante palang dapat bilhin. So paano na? Asan ang pera? Di ubos na. Tsaka mas goal ko na ngayon na mag-spend don sa mga pangmatagalang bagay, gaya ng house and lot. 🀭 Ganern. Tsaka na-realize ko na mas magandang mag-spend sa mga experiences, gaya ng concert o kaya mag-solo-travel. 

4. Taking people for granted. When my father passed away that's the only time when I realized his importance in my life. Akala ko kasi dati na okay lang na wala siya kasi nasanay ako na wala siya dito madalas kasi nag-wo-work siya overseas. Tapos nong matigil na siya dito hindi ako sanay sa presence niya so hindi ko siya napahalagahan ng tama. Akala ko kasi makakasama ko siya forever. Pero hindi pala. Kaya ayon. Since he left madaming "sana" sa buhay ko. Isa na don ang sana pala nirespeto ko siya at ipinakita ko sa kanya na mahal ko siya. Hindi pala kumpleto ang life kapag wala siya. But it was to late for that. All I can do now is to try not to do the same mistake again with the people I cherish the most.

5. Not being a risk-taker. I should have gone to more job interviews. Feeling ko ang bilis ko sumuko sa paghahanap ng trabaho. Dapat siguro nag-try pa ako ng madaming beses. Pero ang mahal kasi ng pamasahe papuntang Manila. Siguro dapat mas nag-apply ako dito sa Batangas para mura lang ang pamasahe at may chance na mapuntahan ko yong mga tumawag sa akin. 😁 Pero sa lahat naman ng bagay hindi ako risk-taker. Sigurista kasi ako.😊

6. Not having enough preparation for a job interview. Naging kampante siguro ako sa sarili ko. Feeling ko kasi mga simple lang yong mga itatanong sa akin eh. Pero mali pala ako. Siguro dapat mas pinag-aralan ko yong about how a job interview usually goes like. Naging petiks ako nong mga panahon na nagpapa-interview ako at mas concern pa ako kung saan at ano ang kakainin ko for breakfast and lunch. Let's just say na hindi ko siya masyado sineryoso. 

7. Thinking that all the plans I made will turn into a reality instantly. Graduating pa lang ako non sa college planado ko na ang mga mangyayari sa buhay ko. Ga-graduate ako, magpapahinga ng ilang buwan, (napagod???) tapos mag-aaply na for work. Akala ko kasi ganon lang kabilis makahanap ng trabaho. Ang taas ng tingin ko sa sarili ko diba? Pero mali pala ako. Malay ko bang lahat ng job interview na pupuntahan ko ay i-re-reject pala ako. Hindi pala basta-basta nangyayari lang ang mga bagay na gusto ko. Si Lord lang pala yong may kakayahan na mangyari ang mga bagay na plinano ko. Wala pala akong kontrol don. Hindi ko hawak kung kailan ba mangyayari yong mga bagay na pinlano ko. Hindi pala oras o timeline ko yong masusunod kung hindi sa Kaniya.

8. Saying things without thinking first. Hindi pala dapat lahat ng naiisip ay sinasabi. Pinag-aaralan ko pa hanggang ngayon kung paano kontrolin yong bibig ko sa mga panahon na makakapagsabi ako ng hindi dapat sabihin. Hindi pala dapat lahat ng napapansin mo ay sasabihin mo sa ibang tao kasi eventually may mga tao na sasabihin din lahat ng napapansin niya at dadating sa point na maiirita ka don sa tao kasi lahat na lang napansin at lahat na lang sinabi. Hindi ba pwedeng sarilinin mo na lang? Sabi nga "Promote what you love instead of bashing what you hate." 

9. Not being able to control my anger. Kapag galit ako feeling ko entitled akong i-voice-out yong nararamdaman ko. Hindi pala dapat ganon. Balik tayo sa #8. Dapat pala pinag-iisipan muna ang mga dapat sabihin kasi baka in the future eh pagsisihan mo yong speech na ginawa mo. I lost a bond with someone because of this. And that was one of the biggest regrets in my life. Sana pala mas pinili ko na lang umintindi at maging mapagpasensya kesa sa nagalit. Hindi naman siya totally galit, tampo siya na lumala. Dapat pala inisip ko yong pupwedeng mawala kapag sinabi ko yong mga bagay-bagay. Sana pala naisip ko muna yong mga future consequences and I should not let my anger get the best of me. 

10. Treating rude people unkind. Ang sabi nga sa kasabihan "kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay." Kaya kapag may mga tao na hindi mo gusto ang tabas ng dila hindi yon rason para pumatol ka sa kanila. Their attitude towards you says a lot about their character not yours. Kaya huwag ka na lang patola. 

"Show respect even to people who don't deserve it, not as a reflection of their character, but as a reflection of yours." 

11. Trying to figure everything out. Lahat naman tayo clueless sa mga mangyayari pa sa buhay natin. Huwag nating subukan na alamin lahat para andiyan yong excitement. Hindi naman pala kailangan na alam natin lahat. We need to learn how to take it one step at a time. Sa bawat hakbang na gagawin natin don tayo matututo. Kapag kasi nagmadali tayo chances are baka may ma-miss tayo na important step o kaya baka madulas na lang tayo bigla kaya mahuhulog tayo so back to zero na naman. 

12. Not having enough courage to speak for what I truly want. Sana pala sinanay ko na yong sarili ko dati pa lang na ipaglaban o kumontra kapag may gusto o ayaw ako. Kasi ngayon lagi na lang akong taga "oo" kahit na gusto ko naman humindi o kahit may iba akong gusto mapapa-oo na lang ako kasi nasanay na ako. 

13. Thinking that everything is my fault. Yong feeling ko na kapag nagalit yong isang tao eh kasalanan ko kahit na alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawang mali. Ngayon medyo natututunan ko na na mawalan ng pakialam. Tipong galit ka? May problema ka sa akin? Bahala ka sa buhay mo. Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko. Huwag ako ang problemahin mo. Ganern. As long as alam ko na wala naman akong nagawang mali.... balakayojan. 

14. Complaining. Hindi ko naman ivino-voice-out yong mga complains ko kundi sa isip ko lang. But still alam kong mali pa rin yong pagiging reklamador ko. Minsan kahit ayaw kong gawin ang isang bagay kailangan ko pa rin siyang gawin kasi nga yon ang dapat. Pero hindi na dapat ako nagrereklamo. Kailangan gagawin ko na siya ng bukal sa loob ko kasi at the end of the day ako na nga yong nahirapan ako pa yong na-stress kasi ang dami kong reklamo sa buhay kahit na natapos ko na naman gawin yong bagay na ipinagrereklamo ko. 

"Do what is right not what is easy."

15. Not living in the moment. Lagi ko kasing ina-anticipate yong mga susunod na araw kahit normal days lang naman sila. Iniisip ko lagi yong future. Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Ano ang gagawin ko? Kaya hindi ko na-eenjoy yong mga happenings sa harapan ko. Mali pala yon. Dapat pala mag-focus lang muna ako sa today kasi ito lang yong sigurado sa buhay ko. Yong future wala akong control don at wala pa din yong kasiguradohan. Ika nga "let's just cross the bridge once we got there." 

16. Overthinking. Maling-mali. Kasi wala naman akong napapala sa pag-o-overthink. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na wala akong kontrol. Kasi kahit gaano ko siya isipin hindi ko naman siya mababago. Kaya feeling ko kailangan ko na talaga uminom ng "chill pill." Buti na lang andiyan si Lord para pagsabihan ko lagi nong mga bumabagabag sa utak ko, kapag nasabi ko na sa Kaniya medyo nababawasan na yong pag-o-overthink ko. 

The less I care the happier I will be.

17. Belittling myself. Mali pala na minamaliit ko yong sarili ko at hindi binibigyan ng importansya. Kasi sinong mag-aangat sa sarili ko kung ako mismo yong unang tumatapak. Dapat pala matuto akong tanggapin kung ano yong mga kahinaan ka para ma-improve yon at hindi para maliitin yong sarili ko. Bago ko mahanap ang acceptance sa ibang tao dapat ako mismo sa sarili ko tanggapin ko ng buong-buo ang kung ano ako. Hindi importante kung walang tiwala sa akin ang ibang tao ang importante may tiwala ako sa sarili ko at alam ko na kaya ko. Dapat pala ako yong biggest fan at cheerleader ng buhay ko.

18. Trying to do things all at once and rushing things. Gusto ko kasi nangyayari kaagad yong mga gusto kong gawin. Atat akong tao. Ganern. Mali pala yon. Paano kung nangyari na ang isang bagay na gusto kong gawin? Ano na ang susunod? Mas masarap pala sa pakiramdam na makuha yong mga bagay na matagal ko nang iniintay, mas fulfilling siya. Unlike yong mga bagay na sabi nga ng matatanda eh "hinog sa pilit." Yon yong mga bagay na pinilit mo lang kaya madaling mawawala at saglit lang din yong kasiyahan na makukuha. Ang sabi nga ng isang famous na kasabihan "what comes easy won't last and what lasts wont come easy." At tsaka kung ano yong para sa akin abutin man siya ng mahabang panahon babalik at babalik pa din ito sa akin kapag sinabi na ni Lord na ito na ang tamang panahon. 

19. Forcing things. Mali pala na ipilit ang mga bagay na hindi naman para sa akin. Mali palang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. Char. 🀭 Hindi naman kasi ako sardinas. Kapag pala ipinakita na ng universe na hindi pwede o walang chance dapat pala maniwala na ako at hindi ko na dapat pang ipilit kasi ako lang yong may gusto. Tsaka sa huli ako lang din yong masasaktan. Dapat pala  hayaan ko siyang kusang mag-na-navigate sa akin kung para sa akin talaga siya. Wala dapat pilitang magaganap. The only thing that I force now is sleep. I love to sleep but sleep doesn't love me especially these past days.

20. Pretending to be happy. After graduation gustong-gusto ko kapag may nag-iinvite na kamag-anak for their kid's birthday party. Naaaliw naman ako. Parang feeling ko ang saya-saya ko kapag nakakanuod ako ng mga batang naglalaro. Pero niloloko ko lang pala ang sarili ko. Nakaka-enjoy din naman kahit papaano. Pero at the end of the day I still felt empty on the inside. Nag-pe-pretend lang pala ako na nag-eenjoy ako at masaya ako. Pero ang totoo pala hindi ko naman kailangan na umatend ng children's party para maging masaya. Ang ini-aim ko lagi dati is maging masaya at tumawa ng tumawa kahit yong puso ko durog na durog at umiiyak. Well, ginagawa ko pa din naman siya ngayon. Pero dati kasi pinaplastik ko talaga yong sarili ko. Sinasabi ko na masaya ako kahit hindi naman. Pero ngayon na-realize ko na hindi naman pala kailangan lagi kang masaya. At hindi pala porke tumatawa nangangahulogan na masaya. Hindi naman masama na may araw sa buhay mo na masasaktan ka, iiyak ka, madadapa ka. Kasi itong mga araw na ito ang nagapapatibay sa atin at tsaka part siya ng life. I thought being happy is my ultimate goal in life. Hindi pala. There's more to life pala than just being happy. Like being contented and  being peaceful at home in my own company and doing things that really bring joy to my heart. 


Sometimes our biggest lessons come from the mistakes that we did. I am still thankful for the past mistakes that I did. At least I gained something from them. Those mistakes motivate me to do better and be a better person. I still have a long way to go and a lot of things that I need to learn. But I know that whatever comes my way I am already a better version of myself than I used to be. There's still a lot of mistakes I need to try. 😁 

Mistakes are part of life. We live and we learn. 

I think I can handle things better this time. I think can do things better this time. I hope I can. God is always on my side, I know that I can. 


Ciao. 😊


Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl