Sat With Ree: Yankee Uniform Charlie Kilo !!!
Warning: Kung kumakain ka ngayon wag mo nang ituloy yong pagbabasa kasi mawawalan ka ng gana dahil sa mababasa mo. O kung madidiriin ka wag mo na ding tangkain na magbasa.
Last year puberty hit really hard on me. No, I'm not a teenager. But this year I will be celebrating my thirteenth birthday (minus the "nth" and the "e's" should be a "y"). Kaya naman hindi ko ma-gets kung bakit aliw na aliw na magsitubo yong mga tigyawat sa mukha ko. Tipong parang babago akong nagdadalaga. Grabe sila sa mukha ko. Actually, nag-start talaga siya nong mga kalaghatian ng 2019 tapos lumala talaga siya nong nag-start ang 2020. Tipong habang nagsisiputukan ang mga firecrackers eh nagsisiputukan din yong mga tigyawat sa mukha ko.
May ginagamit akong pimple remover dati. Itinuro siya sa 'kin nong pinsan ko. Sobrang effective niya. Naging part na siya ng "survival kit" ko. Tipong hindi na ako mabubuhay kapag wala yon. 2009 siguro nong magsimula akong gamitin yon, college pa ako non. Hindi naman kailangan ng reseta dati kapag bumibili. Basta may pambili ka eh pagbibilhan ka kahit ilan ang gusto mo. Pero nong bibili na ako nong 2019 eh hinahanapan na ako ng reseta pero wala akong maipakita. Wala din naman akong kakilalang doctor na pwedeng magbigay sa akin ng reseta. Alangan naman na hingan ko yong pinsan ko na nagturo sa akin. Hashtag "paano." That time eh parang okay lang naman sa akin na hindi na ako makakabili. Hindi ako nagpapanic. Kasi sa tingin ko eh okay na naman yong mukha ko kasi wala nang masyadong tumutubo na sumpa (tigyawat). Kaya feeling ko eh kaya ko nang maka-survive na wala siya. Parang medyo naging relief pa nga sa akin kasi nabawasan ako ng gastusin. Kumbaga naging "maintenance" ko na kasi yon. 99 PHP lang naman siya pero para sa akin na wala namang source of income eh every centavo counts. Yong natitira pang gamot eh inunti-unti ko na gamitin since after non eh hindi na ulit ako makakabili. Kaya naglalagay na lang ako kapag kailangan na kailangan hanggang sa eventually eh hindi na ako naglalagay kasi nga feeling ko eh okay na naman na wala. Tsaka sinasanay ko na din ang mukha ko na walang gamot dahil nga never na akong makakabili.
Nong mga kalagahatian ng 2019 eh nagsimula nang magsilabasan ang mga sumpa. Tipong after gumaling nong isa eh may limang bagong kapalit and the cycle continues. Hanggang sa hindi na sila nawala. Dahil nga hindi na ako makabili nong gamot na ginagamit ko eh hindi ko alam kung paano ko sila matatanggal. Nag-try ako ng iba-ibang facial wash. Kapag umpisa kong ginagamit yong bagong facial wash eh niloloko ko ang sarili ko at sabi ko eh medyo humuhupa kahit hindi naman. Tapos yon....lumalala siya ng wagas. Hindi na sila mawala. Tapos sobrang laki pa nong mga tumutubo. Walang halong joke. Kapag nga matutulog ako dati eh hindi ako makatulog ng naka tagilid kasi nga maiipit eh ang sakit-sakit nila. Tapos magkabilang pisngi ko ang meron. Hindi pa naman ako sanay matulog ng nakatihaya. The struggle is real.
Ganito siya kalala. Pero hindi pa ito yong pinakamalala, may mas higit pa dito. |
Mahilig ako mag-selfie pero nong mga panahon na 'yon hindi ko magawa ang mag-selfie kahit isa. Hindi nadadala sa filter yong mukha ko. Walang magawa yong "beauty effect" sa sobrang laki at sobrang dami. Ayoko na din non lumabas ng bahay dahil ayokong makakita ng madaming tao. Medyo okay din na may quarantine kasi bawal lumabas so pabor sa akin dahil hindi talaga kalabas-labas yong mukha ko. Nakakahiyang humarap sa mga tao. Nakakahiya yong pimples ko na tinubuan ng mukha.
Buti na lang at may kapatid akong doktora. Charing. Hindi siya doctor, napapagkamalan lang. Nong nag-Christmas Party kami eh syempre may picture taking. Nakita nong kapatid ko yong picture ko.(Wala kasi siya dito sa Pinas kaya sa picture niya lang nalaman.) Eh ang laki non ng tigyawat ko sa chin. So ayon, tinanong daw sa mother kung anong nangyari sa mukha ko. January, pinapunta ako don sa derma nong kapatid ko na iyon. Medyo nagkaroon naman ng improvement kahit konti. Tapos may kakilalang pari yong kapatid ko na yon tapos yong pari eh may kakilalang dermatologist. Isipin mo yon taga Pampanga pa si Doc. Ayon. Pinicture-an ko yong mukha ko tapos yong kapatid ko ang nag konsulta don kay Doc. Hanggang sa pinadalhan na ako ng reseta ng mga gamot. May ointment, tapos may iniinom na tatlong klase, tapos andon din yong nilalagay ko dati na tig-99 PHP na nong maglagay ulit ako eh hindi na umepek at feeling ko mas lumala. Pagkabigay sa 'kin nong reseta syempre binili ko lahat yong nakalista kasi hindi naman ako ang gagastos. Charing. Nong una hindi ako nainiwala na mapapagaling ako nong gamot na iniinom. Mas naniniwala ako don sa pinapahid kaya kahit mahal binili ko yong ointment. (Pero hindi naman sa bulsa ko nanggaling yong pambili.) Tapos yong gamot na iniinom, yong isang klase eh 93PHP per piece eh 2x a day dapat inumin. Nong una tatlo lang yong binili ko kasi nga sobrang mahal. Tapos nong naubos na yon tatlo, pinapabili ulit ako ng mother. Sabi ko hindi na lang ako bibili kasi sa isip ko parang wala namang effect tapos nga ang mahal pa. Pero nag-insist siya na bumili ako kaya bumili ako lalo pa at binibigyan naman niya ako ng pambili. ๐คญ
Eventually, nakikita ko na yong effect. Medyo nawawala na ang mga sumpa. Siguro after a week eh may progress na akong nakita. Nawala na yong sakit at medyo nawawala na din yong mga tumutubo. Sa limang gamot na nakalista don siya lang yong nakapagpagaling. Worth-it yong 93PHP. Kung mayaman ka at madami kang pimples....ay naku! Saglit lang yan don sa gamot na iyon. Napakabisa. Highly-recommended. PM mo na lang ako kung gusto mong malaman yong name nong gamot. Pero kelangan mo ng reseta. Ang nakalagay kasi don 2x a day pero ang ginawa ko eh 1x a day ko na lang tinake nong medyo nawawala na hanggang sa every other day na lang. Ang nakalagay kasi don eh 70 pieces lang yong kailangan na i-take. Pero yong sa 'kin hindi umabot ng 70 kasi nong medyo gumaling na yong mukha ko eh huminto na ako sa pag-inom kasi nahihiya na ako don sa nag-fi-finance. Masyadong mabigat sa bulsa.
Luckily, may kapatid at nanay akong concern sa mukha ko. Kasi kung wala eh hindi ko alam kung paano mawawala yong mga sumpa na tumubo sa mukha ko. Ngayon, nagkakaroon pa din naman ng ilang sumusulpot pero manageable na siya, maliliit na lang at tsaka isa-isa na lang kung tumubo. Hindi gaya dati. Tsaka nakakapag-selfie na ulit ako at nadadaan na ulit sa filter yong mukha ko. Siguro parte na talaga siya ng sistema ko at every once in a while eh may tutubo. Kailangan ko nang tanggapin yon. ๐
Eto na siya ngayon. Eto lang kasi yong most recent na picture ko na walang filter kaya pagpasensyahan mo na. ๐ |
Andon pa din yong mga pimple marks pero at least marka na lang. Kasi diba nga "Past Is Past Pero May Bakas." Yong mga peklat yong nagpapaalala sa atin na minsan sa buhay natin eh nadapa tayo pero ang mahalaga ay bumangon tayo at lumaban ulit. Ganern.๐๐คญ
Ang pimples parang problema lang yan. Minsan maliit minsan malaki, minsan isa lang minsan naman sabay-sabay. Pero ang sigurado...mawawala din yan. Ang sabi nila eh hindi daw nawawala ang problema kasi kapag nasosolusyonan mo yong isang problema eh may bago na namang darating. Good news is may solusyon sa bawat problema. Ang sabi nga nila "kapag walang solusyon eh huwag mong problemahin." Ang sarcastic pero totoo. At ang lagi mong tatandaan ay may mga tao na handang tumulong sa mga problemang kinakaharap mo. Willing silang mag-lend ng helping hands na walang hinihintay na kapalit at ang gusto lang nila ay ang mapabuti ang lagay mo. Ang importante ay handa kang tumanggap ng tulong at willing kang makinig sa ipinapayo nila kasi they only want what they think is the best for you. You have to keep an open-mind and you should be willing to listen and follow other people's advice.
Minsan may mga bagay na akala mo panghabang-buhay na eh biglang hindi pala. Kaya huwag kang dumepende sa isang bagay na alam mong pupwedeng mawala sa'yo anytime. Walang forever. Charing. ๐คญ May mga bagay na akala mo eh hindi mo kayang mabuhay na wala yon pero makakaya mo naman pala. Kailangan mo lang sanayin ang sarili mo.
Gaya nong ginawa kong pagbili nong mga gamot, kahit hindi ako sigurado sa magiging outcome, you should also try every possible solution to your problem. Kapag hindi gumana yong isa, try mo naman yong isa tapos kapag hindi pa rin, try ka pa ulit hanggang sa makita mo na yong perfect solution. You should be willing to take a risk and explore other possibilities. Huwag mong itali ang sarili mo sa isang bagay lang kaya kapag nawala eh hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay.
Kapag may problema ka eh wala kang choice kundi ang harapin yan. Hindi mawawala ang problema mo kung gusto mo na lang tumakbo. Hindi naman pwede na forever ka na lang magtatago. You have to face it eventually.
Ang sabi nga "life is a series of experiment." (Di ko lang sure kung sino ang nagsabi niyan.) Wala namang manual na kailangang sundin kung paano dapat mabuhay ang isang tao. Lahat tayo ay clueless. Nasa atin na lang kung paano natin lalaruin ang buhay at kung paano natin haharapin ang bawat pagsubok na dumadating sa atin ng wala man lang pasabi.
Kaya kung medyo malubak ang daan ngayon eh pasasaan ba at magiging patag din ang dadaanan mo. Ang problema andiyan lang yan, basta-basta na lang susulpot. Pero ang mahalaga ay patuloy ka lang sa paghahanap ng solusyon at hindi ka nawawalan ng pag-asa. One day magugulat ka na lang at wala na sila.
Pinaka-importante sa lahat ay lagi mong tatandaan na sa bawat pagsubok o problemang haharapin mo eh hindi mo kailangang harapin yon ng mag-isa kasi andiyan lagi si Lord. Palagi ka Niyang dadamayan at hindi ka pababayaan. Humingi ka lang ng awa sa Kaniya at lagi Siyang andiyan at handang tulongan ka. He is always there especially in your most trying, most hopeless and most helpless days. Kapag nawawalan ka na ng pag-asa at gusto mo nang sumuko, God will send you a miracle and an angel (or in my case angels) to help you overcome the difficulties that you are currently facing. Always have faith and never lose hope because after all, "there can be miracles when you believe."
Comments
Post a Comment