Sat With Ree: "Past Is Past Pero May Bakas"

Hey. Good evening. Kumusta naman? Kumusta naman ang isang linggong lumipas? Natanggap mo na ba yong item/s na chineck-out mo nong 4.4 Sale? Yieeeeee... Sana all. 😁

So..... sa tingin mo? Does time really heals all wounds? 

If you were to ask me 5 years ago, I would answer you with a bluff—with conviction pa. Pero ngayon habang binabalikan ko yong mga "sugat ng kahapon" na-realize ko na the statement "Time heals all wounds." is definitely a fact. A very big check. 

But that doesn't mean na there is a specific timeline when it comes to healing. Hindi mo masasabi na "Hayaan mo na akong mag-drama ngayon kasi after 5-10 years naman for sure okay na ako." Hindi ganon. Healing isn't a decision that you've got to make. Isa siyang emosyon na kusa mong mararamdaman eventually. Parang pag-ibig lang yan, hindi mo inaasahan at kusa mo na lang mararamdaman. Kapag naalala mo ang isang bagay na minsan ay nakasakit at nagpaiyak sa'yo o ang isang tao na nanakit at nagpaiyak sa'yo at hindi ka na nasasaktan, hindi ka na galit don sa tao at hindi ka na din nakaka-relate o naghahanap ng mga quotations about being broken eh don mo masasabi na naghilom na yong sugat at magugulat ka na lang kasi after all these years eh okay ka na pala at nakaka-smile ka na ulit ng labas ang gilagid. 😁

May mga sugat na mahirap pagalingin especially those wounds that didn't leave any scar kasi don ka binanatan sa emosyonal na aspeto at hindi sa pisikal.

Isa sa mga mabisang paraan para mapagaling ang isang sugat ay ang "acceptance." Kapag natanggap mo na kung bakit nagawa ng isang tao na saktan ka o kung bakit nangyari ang isang bagay ay magiging madali na ang lahat. Hindi mawawala yong mga unanswered questions sa utak natin eh. Kesyo bakit nya 'ko nagawang saktan? Saan ako nagkamali? Anong pagkukulang ko? Paano nangyari ang ganong bagay? Bakit kailangan mangyari ang ganong bagay? (Wow! Higit na hugot.🀭) Laging meron tayo niyan sa utak natin. Kaya minsan naghahabol tayo ng "closure" eh para masagot yong mga ganyang klase ng tanong. Pero eventually, kahit wala tayong makuhang konkretong sagot sa mga tanong natin eh paunti-unti nating natututunang tanggapin kung bakit nangyari ang bagay na yon. Yong mga sakit sa puso natin eh napapalitan na ng pang-unawa at pagtanggap. Hindi siya madali gawin especially kapag fresh pa yong wound. Pero habang lumilipas yong panahon at naaalala mo na lang bigla yong isang pangyayari na sobra kang nasaktan pero ngayon hindi mo na nararamdaman yong sakit eh mapapasabi ka na lang ng "wow, himala. Hindi na ako bitter." Eh samantalang dati bawat post mo sa facebook eh punung-puno ng kabitteran. Tapos ngayon kapag nag-aappear don sa "memories" mo eh pinagtatawanan mo na lang yong sarili mo at ma-re-realize mo na lang na sobrang bitter mo pala dati. πŸ˜‚

Pero healing doesn't necessarily mean forgetting. Magkaiba ang healing sa forgetting. Hindi porke't naka move-on ka na sa sakit eh ibig sabihin nakalimutan mo na din yong rason kung bakit ka nasaktan. Kapag sinabi mong naghilom na yong sugat ibig sabihin non eh natanggap mo na yong nangyari. Napatawad mo na yong taong nakasakit sa'yo kahit hindi siya humingi ng kapatawaran. O kaya hindi mo na din gustong gumanti sa taong nanakit sa'yo. Hindi ka na bitter kapag nakikita mo siya. Bitter: halimbawa bigla mong makikita yong picture niyong dalawa sa facebook tapos sasabihin mo na hindi mo kakilala yong kasama mo sa picture o kaya gusto mong i-delete na lang o kaya naman i-crop na lang siya. Ganern ang bitter. Tapos ngayon kaya mo nang pagtawanan yong bagay na dati ay limang balde ang nailuha mo. At higit sa lahat wala mang naging konkretong sagot don sa mga tanong sa utak mo eh hinayaan mo na lang kasi hindi na mahalaga ang kung ano mang sagot na makukuha mo. 

Para sa akin mahirap ang makalimot. Minsan kasi kahit ayaw mong maalala eh darating yong time na kusa na lang papasok sa isip mo yong isang bagay na gustong-gusto mo nang kalimutan. Ang ironic nga eh, naaalala natin yong mga bagay na gusto na nating ibaon sa limot pero may mga pagkakataon na yong mga bagay na kailangan nating alalahanin ay hirap tayong ibalik sa utak natin. 

Parang "forgive and forget" lang yan eh. Kaya kong magpatawad pero never kong makakalimutan yong ginawa mo sa akin at yong ipinaramdam mo sa akin. Nalimutan ko na yong pangalan nong iba kong prof nong college ako pero never kong makakalimutan kung paano sinabi sa akin nong classmate ko nong second year high school ako na hindi daw kami bagay magkasama nong isa naming classmate kasi maganda daw iyon. Hindi niya naman sinabi sa akin na pangit ako. Pero diba? Sige nga. Ikaw ang sabihan ng ganon....anong maiisip mo? Read between the lines na lang diba? Break time namin yon. Medyo kaka-start pa lang nong pasukan so medyo kapa-kapa pa. Wala pang masyadong friends. Science Class kasi ako nong first year tapos biglang natanggal nong mag-second year. Eh yong mga close friends ko naiwan sa Science Class at ako lang yong nalagas kaya wala akong friends plus the fact na hindi ako friendly. So ayon.....break time. Pumunta kami sa canteen para bumili ng snack kasama yong classmate ko. Seatmates kami kaya nagakaayaan na lang. Sanay naman ako mag-isa pero siya yong nag-insist na sumama sa akin. After namin bumili at palabas na kami ng canteen nakita kami nong isa kong classmate tapos tinawag niya ako. Kasama niya yong barkada niya. (Classmate ko din siya nong 1st year kami pero hindi naman kami friends.) So ayon...nagulat ako nong tinawag niya ako kasi hindi naman kami close so bakit niya ako tatawagin? Ano ang pakay niya? Huminto naman ako at tinanong kung bakit. And her exact words to me were "Reegyna, hindi naman kayo bagay magkasama ni Eli (name nong classmate namin na kasama ko) eh. Kaganda-ganda niyan......" Ganern. Hindi ko na tanda kung may naisagot ba ako don sa sinabi niya na iyon. Basta never ko malilimutan yong sinabi niyang yon sa akin.

Fast forward to college. Yong classmate ko na yon na nagsabi sa akin ng ganern, dahil sa maliit lang naman ang Batangas City, eh naging school mate ko din nong college. Eh di syempre nagkakasalubong kami sa campus since parehas lang kami ng department. One time habang naglalakad kami nong best friend ko nakasalubong namin siya. Nabanggit ko ata na classmate ko siya nong High School tapos sabi nong bestfriend ko nong makita si ate girl eh kamukha daw nong artista na bakla. (Di ko na lang sasabihin kung sino.) Tawang-tawa ako non at parang nagbubunyi ako deep inside. Ewan. Haha. Sorry ang sama ko. πŸ€­πŸ˜‚ Naisip ko na lang na "ano ka ngayon, gandang-ganda ka sa sarili mo tapos mukha ka naman palang bakla." In fairness naman nagandahan din naman ako don sa dating classmate ko na yon nong una ko siyang makita nong 1st year High School kami. Yon nga lang magmula nong sinabihan niya ako ng ganon pumangit na siya sa paningin ko.  I mean....gets ko na na prangka ka pero hindi lahat ng tao kayang i-handle yong ka-prangkahan mo. Ayon... simula non tuwing makakasalubong namin siya sasabihin kaagad nong bestfriend ko na "yan si *insert name nong baklang artista*." Tapos matatawa na lang ako. Disclaimer: Never ko kinwento kahit kanino yong sinabing yon sa 'kin nong HS classmate ko, ngayon pa lang, sa'yo pa lang. Kaya kung ano man yong naging "say" nong bestfriend ko nong makita niya si ate girl eh galing lang yon sa mata niya at wala akong kinalaman don. Wala tayo sa presinto pero nagpaliwanag na rin ako.....just in case. 

Pero hindi ibig sabihin na hindi ko malilimutan yong pangyayari na yon eh hindi pa ako nakaka move-on o nasasaktan pa din ako kapag naaalala ko. Bakit ako masasaktan? Eh hindi naman ako pangit diba? Yon nga lang......hindi din naman ako maganda. 🀭 Kidding aside, it doesn't mean na dahil hindi ko siya makakalimutan eh bitter pa rin ako hanggang ngayon kay ate girl o apektado pa din ako sa sinabi niya. More than 15 years na yong nangyari kaya naka get-over na 'ko don. Okay na ako. Ika nga eh "water under the bridge" na yon. Pero ang sabi nga nong prof ko nong college: "Past is past pero may bakas."

People don't get to decide whether they hurt you or not o kung gaano kalawak yong sakit na nagawa niya sa'yo. And you shouldn't blame yourself for feeling too much. It doesn't matter kung gaano kalalim o kababaw yong sinabi o ginawa ng isang tao para masaktan ka. Damdamin mo yan at wala silang karapatan na kontrolin kung ano man ang pwede mong maramdaman pero may kontrol sila sa bawat salita na lumalabas sa bibig nila at sa bawat kilos na gagawin nila. 

We have no control over our emotions and at the same time we have no control over someone's behavior towards us. So we should learn to train our mind to take nothing personally. Ang sabi nga ng mga matatanda "pasok sa kabila labas sa kabila." Huwag nating hayaang mapunta sa puso natin ang mga salitang dapat eh hanggang sa utak lang natin. 


May mga tao na madaling mag-forgive and at the same time madali ding makalimot. We have our own unique ways on how to deal with pain. Magkakaiba din tayo ng haba o iksi ng panahon para paghilumin ang isang sugat na hindi kayang gamutin ng antiseptics at hindi kayang tapalan ng bandages. Gaya nga ng sinabi ko ang paghilom ay hindi isang bagay na kailangan mong pagdesisyonan. Kusa mo siyang mararamdaman. Hindi ka OA kung sasabihin mong nasasaktan ka pa rin sa isang bagay na nangyari 20 years ago pa. Damdamin mo yan, emosyon mo yan, wala kang kontrol diyan. Feel what you need to feel. Maaaring maloko mo ang ibang tao at sabihin mong hindi ka na nasasaktan o hindi ka na affected. Pero hinding-hindi mo pwedeng lokohin ang sarili mo kasi dadating yong araw na kailangan mong harapin yang totoo mong nararamdaman. Pwedeng ngayon makakapagsinungaling ka pa sa sarili mo pero bukas kailangan mo nang harapin ang katotohanan at magpakatotoo sa nararamdaman mo. Huwag kang mag-alala, one day magugulat ka na lang kasi hindi na masakit. Hindi mo na pinaplastik ang sarili mo kapag sinabi mong okay ka na kasi okay na okay ka na talaga. 

Kung meron mang sugat sa puso mo ngayon, (literally and figuratively) time will come at gagaling din yan. Hopefully soon. Take all the time you need to mend your broken heart. One step at a time. Feel the pain. Cry when you need to para kahit papaano eh ma-experience mo naman na  magkaroon ng "glass skin." Charing. 😁 Pero seryoso....umiyak ka lang kung kailangan mong umiyak. Don't hold your tears or your emotions back. But make sure na kapag tumigil ka nang umiyak eh never ka na ulit iiyak sa parehong bagay na iniiyakan mo ngayon. Kahit hindi mo matagpuan yong "closure" na hinahanap mo eh sana matanggap mo na sa sarili mo why it had to happen. Mag-move-on ka para sa sarili mo. Deserve mo ang ngumiti ulit. Huwag mong hahayaan ang ibang tao na nakawin ang kaligayahan mo. Huwag mong hahayaan ang ibang tao na gawing miserable ang buhay mo habang sila ay walang pakialam sa nararamdaman mo. They don't deserve to take even the tiniest space in your mind especially in your heart. Walang taong deserving na saktan at paiyakin ka lalo na kung hindi naman sila ang nagpapakain sa'yo. Masaydo nang gasagas yong line pero sasabihin ko pa din kasi totoo naman: "Hindi ka pinalaki ng magulang mo para lang paiyakin ng kung sino."

Most importantly, do not seek revenge to people who have done you wrong. Do not go down their level. Let karma do the work. 😜

Ang sabi nga don sa nabasa ko sa facebook:
"I'll get over it I just need to be dramatic first."
Stay safe.


Ciao. 

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl