Sat With Ree: Sana

Paano kung may kapangyarihan ka na mag time travel at pwede kang bumalik sa nakaraan, gugustohin mo bang bumalik? Is there something that you would want to change in the past or do you just want to revisit just to experience something for the second time?

Siguro kung may gusto man akong balikan sa nakaraan ay yon ay ang panahon na nakilala ko siya. Kung magkikita ulit kami for the first time I'll make sure na mag-iiba ako ng daan at iiwas sa kaniya para sa ganon ay hindi ko na lang siya makilala. Charot. Walang ganon. πŸ€­πŸ˜‚ 

Pero seryoso na...kung may gusto man akong balikan sa nakaraan ay yong kabataan ko, specifically when I was at the age of 8-13. I did horrible things in the past that I'm not proud of. At hindi ko na sasabihin para naman may mystery. Charing. 🀭 Hindi nga ako proud eh kaya bakit ko naman sasabihin? We all have skeleton in our closet, don't we? Wag kang ano diyan. 😏 Walang taong perfect. Lahat tayo ay may nagawang kamalian sa buhay natin. Malaki man o maliit, ang mali ay mali, ang kasalanan ay kasalanan. Lalo na noong kabataan natin na kahit na alam nating mali ay ginagawa pa rin natin kasi wala pa sa isip natin ang salitang "consequence." Well, alam natin yong salita kapag naglalaro tayo ng "truth or dare" kasi sa iba diba ang tawag "truth or consequence," but that was it. Hindi natin alam yong deep meaning nong salita. Edi wow kung alam mo na kahit 8 years old ka pa lang. Ikaw na ang "elite." 😏 Charing. 


At kung may gusto man akong balikan para naman maramdaman ulit ang mga bagay-bagay eh yon yong teenage days ko. Yong mga "carefree" moment ng buhay ko. Panahon na tuwing summer eh uuwi kami ng Talahib at don magbabakasyon. Tapos kahit nagdadalaga na eh todo pakikipag habulan pa din sa mga pinsan. At mga lalaki yong mga kahabulan ko. πŸ˜‚ Mga panahon na hindi pa uso ang Wi-Fi at smart phones or tablets. Tuwing hapon maliligo sa dagat, magpapakuha ng mangga tapos maya-maya magtataguan. Favorite ko non kapag nawawalan ng kuryente kasi tamang chikahan at kulitan lang with my cousins, tamang takutan lang. Tsaka mas masaya magtaguan kapag walang kuryente kasi madilim. Gusto kong balikan yong ganong klase ng life. Tapos kapag malapit na ang pasukan hindi na ako papayagan ng mother na maligo sa dagat kasi daw baka hindi ako makilala ng teacher ko dahil sa sobra kong kaitiman. Nakakatawang nakakakainis. Ang saddest part nong bakasyon eh kapag babalik na kami ng Batangas. Kapag gabi tapos kinabukasan eh uuwi na kami ng Batangas eh dasal-dasal ako lagi na sana malakas ang dagat bukas para hindi kami makaalis. Pero hindi naman nangyayari. Laging maganda yong dagat kapag aalis kami kaya hindi nauudlot. Tapos kapag nakauwi na kami dito sa Batangas eh na-ho-home sick ako. Diba ang lakas maka OFW? Nakakamis kaya ang isla lalo na yong mga pinsan ko. Sepanx is real. πŸ˜” Ilang araw pa bago ko tanggalin sa bag yong mga damit ko kasi umaasa ako na baka naman pwede pang bumalik ulit kasi hindi pa naman start ng pasukan. Pero hindi na talaga. Kaya abang na lang ng Pasko o kaya New Year para makauwi ulit don. Eventually, hindi na kami nakakauwi don kahit bakasyon. Umuwi man eh saglit lang. Pinakamatagal na ang 3 days. Tsaka wala na din yong mga pinsan ko na kalaro ko don. πŸ˜”

Gusto ko rin mag-travel back in time nong college ako. Isa din yon sa mga "carefree" moments ko. Ang nagiging problema ko lang non eh kapag may practical exam kami kasi di ko sure kung magagawa ko ba. But the rest was all fun and games. 🀭 Tipong pasok-sm-uwi-facebook. Ganon lang yong routine ko nong college. Wala nang aral-aral. Charot. Syempre meron din naman kaso di masyadong nakaka-pressure na tulad ng High School, mas madadali kasi yong mga lessons. Nakakakamis yong mga ganong panahon. Nong college kasi ako natuto akong bumarkada. Pero ang bisyo lang naman namin noon eh ang mag-SM. Gala, kakain, tatambay sa foodcourt tapos maghahanap ng mapapagtawanan. Yon lang. Ang maganda kasi don sa mga naging kaibigan ko eh hindi sila naging bad influence sa akin. (Pero never naman ako nagkaroon ng bad influence na mga kaibigan. Ang choosy ko kaya. Charing.πŸ˜‚) Alam namin kung kelan magseseryoso at kung kelan maglalaro. Oo, nag-iinom sila minsan. Pero minsan lang kapag broken-hearted yong isa. Alam nila na hindi ako nag-iinom kaya walang pilitang nagaganap. Hindi sila yong tipo na "ang k.j. mo naman......wala man lang pakisama." Hindi sila ganon. Kung nakainom man ako noon eh walang halong pilitan at sariling desisyon ko lang yon. Yong mga naging friends ko nong college ang nagparamdam sa akin na "belong" ako. Kaya naman nong maka-graduate ako eh hinahanap-hanap ko yon, especially yong araw-araw kami sa SM (except Sunday).🀭 Nakakamis yong panahon na akala ko lahat ng pinaplano ko eh natutupad. Nakakamis mangarap. Nakakamis umasa at masaktan. Charing. Gusto kong balikan yong panahon na masaya pa ako. Yong tipong sumasakit ang tiyan ko kakatawa. Nakakamis maging masaya. Yong totoong saya, yong walang halong faked smiles at forced happiness.  Especially yong OJT part. Ay....naku.  Nakakamis. πŸ˜” 


Iba na kasi ang life ngayon. Madami nang nagbago. Sa ayaw man natin o gusto eh patuloy ang pag-ikot ng mundo at hindi siya pwedeng i-pause muna saglit sa mga sandaling nag-eenjoy ka. Makapangyarihan daw ang oras kasi bumibilis ito kapag masaya ka at bumabagal naman kapag nag-iintay ka.

Ang sabi nila "the only constant thing in life is change." Walang permanente sa mundo. Tayo lang yong stuck sa nakaraan pero yong mundo eh patuloy na umiikot. Hindi niya tayo iniintay kung kelan tayo makaka-move-on. 

Sadly, kahit gaano pa katatalino ang mga tao ngayon eh wala pa ding nakakaimbento ng time machine. Kaya kung ano man ang mga pagkakamaling nagawa natin in the past ay hindi na natin pwedeng burahin. But our mistakes should not define us. Oo nagkamali tayo pero hindi ibig sabihin non na wala na tayong magandang future. Gaya nga ng sinabi ko lahat naman tayo ay may mga pagkakamaling nagawa before but what's important is we learned something out of it. Lahat naman tayo eh pwedeng magsimula ulit with a clean slate. Lahat ng tao pwedeng magbago (para sa ikakabuti) as long as gugustohin mo at hindi mo na ulit uulitin yong mga nagawa mong mali. We all deserve another chance to do better this time. Every day is an opportunity to start again. Hindi naman tuwing New Year lang pwedeng magbagong-buhay. Hindi man tayo makahingi ng tawad sa mga taong nagawan natin ng pagkakamali dati kasi malamang nahihiya tayo, pero andiyan naman si Lord. Above anyone else eh sa Kaniya tayo dapat humingi ng tawad sa mga nagawa nating pagkakamali. Handa naman Siyang magpatawad basta bukal sa loob natin yong paghingi ng sorry at marunong tayong magpakumbaba at aminin ang lahat ng mga kasalanang nagawa natin. 

Lahat ng bagay ay may hangganan. Ang sabi nga nila "some good things must come to an end." Kahit gaano pa natin kagusto na dugtongan ang mga bagay eh wala na tayong magagawa kasi hanggang doon na lang talaga. Parang favorite movie lang natin yan, minsan gusto natin na may Part 2 sana kaso hindi na pwede kasi minsan pumapangit na kapag may Part 2 na. Ganon din sa real life baka kapag naulit yong mga pangyayari eh hindi na ganon ka-exciting at hindi na ganon kasaya. Hindi na din siya ganon ka-special kasi ulit na. All we can do is to continue living our life kasi wala naman tayong choice. Diba? Sa pelikula o teleserye lang pwedeng i-rewind, i-pause at i-fast forward at hindi ang totoong buhay. Kaya wag nating i-take for granted ang masasayang sandali sa buhay natin kasi hindi na siya mauulit. Disconnect from your gadget even for a short while when you are with your friends or family kasi darating yong araw na mamimis mo sila at yong mga bagay na ginagawa niyo. Kaya while we are in the moment sana eh i-enjoy natin 'cause we were never going to experience the same things twice. 


Let's just make new happy memories that we can look back when we're older. It doesn't mean na kakalimutan natin yong mga happy memories natin dati. Gagawa lang tayo ng mga bagong masasayang alaala at bagong adventure kasama ang mga bagong tao na makikilala natin along the way. Every moment is special especially when you're spending it with the people whom you cherish the most. Maaring makalimot ang utak pero laging mananatili sa puso ang bawat sandali na minsan tayong pinasaya. Naka-engrave na sa puso natin yong mga happy memories na yon kaya wala nang pwedeng makabura, nadadagdagan lang siya pero never siyang napapalitan. 

Marami tayong "sana" sa buhay natin especially when things don't go the way we once imagined it. Marami tayong gustong mangyari at may mga bagay tayong gustong baguhin "sana." Kaso may mga bagay na out of our control kaya wala na tayong magagawa but to deal with it. Sana sa bawat "sana" ng buhay mo ay matagpuan mo yong "contentment." 

We may have done something in the past that we are not proud to share to anyone but I hope that we use our past mistakes to do better this time and to be the best version of our past self. Let us not be a prisoner of our past. We still have a long way to go. We live and we learn.

Our book hasn't ended yet but it's time to turn to the next chapter. A time for us to create new happy stories to share. It's time to make new fun adventures and meet new people. It's our time to be the person we dreamt to be when we were younger. Now that we already know better, let us make our old self proud and be happy once again. Do not disappoint her. She's rooting for you. 😊


Ciao.

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl