Sat With Ree: Halaga
Kumusta? 4.4 na bukas. Bawal ang maging marupok sa 4.4 Sale ha. Joke lang. Pwede naman. Pera mo naman yan. Pinaghirapan mo yan. Kaya bahala ka kung paanong paraan mo yan gagastusin. Deserve mo i-spoil ang sarili mo paminsan-minsan. Uy. Mag-che-check-out na yan marupok yan eh. π
Ang bilis talaga ng panahon ano? Biruin mo Pasko na ulit kaagad bukas... Pasko ng Pagkabuhay. Partey Partey na. Haha. Bawal pa ang party ha.
Speaking of pagkabuhay...what keeps you going in life? Especially ngayong may pandemya, ano ang nagsisilbing motivation mo para gumising araw-araw? Ang sabi nga nong isang commercial "para kanino ka bumabangon?" Yong tipong kahit sobrang burn-out mo na sa work mo eh patuloy ka pa ring pumapasok araw-araw. Karamihan siguro ang sagot eh dahil sa pamilya o para sa pamilya. Isa yan sa magandang quality ng mga Pinoy, ang pagigiging family-oriented. Hindi din naman masama kung ang isasagot mo sa tanong ko ay nabubuhay ka o gumigising ka para lang sa sarili mo. Sapat na yong dahilan para gumising ka araw-araw.
Ang sabi ni Tom Bodett, "They say a person needs just three things to be truly happy in this world: someone to love, something to do, and something to hope for." Maswerte ka kung natagpuan mo na iyang tatlong bagay na yan. Congratulations kung ganoon. May rason ka para gumising araw-araw at magpatuloy sa buhay gaano man kahirap ang mga pagsubok na kinakaharap mo. May ibang tao kasi na feeling nila eh hindi na sila masaya sa buhay nila kasi ang tingin nila sa buhay nila eh wala nang patutunguhan. Paulit-ulit na lang araw-araw yong mga nangyayari sa buhay nila. Nawawalan na sila ng gana mabuhay at gumising araw-araw. Yong mga taong nawawalan na ng excitement sa buhay. Sila yong mga tao na feeling nila eh ang worthless at ang useless nila kaya napapatanong na lang sila na ano pa ba ang silbi nila sa buhay kaya mas gugustohin na lang nilang maglaho.
Ako, ganyan din ang mindset ko nong siguro mga 23-25 years old ako. Yan yong panahon na ayaw ko nang gumising at gusto ko na lang ay matulog ng matulog ng matulog kasi feeling ko wala na namang silbi yong buhay ko. Sabi ko nga sa sarili ko non, "bakit ba andito pa ako? Eh pwede namang wala na." One time may nadinig akong kwento na may namatay daw na taga dito sa malapit sa amin. Nong madinig ko yong kwento na yon napatanong ako sa sarili ko. Sabi ko "bakit sya? Eh ang bata pa niya. Pwede namang ako na lang." Isipin mo yon, ni hindi ko nga siya kamag-anak eh gusto kong pumalit na lang sa kanya. Yong feeling na ready na ako anytime na sumama sa liwanag. Sabi ko nga kasi parang wala namang purpose yong buhay ko kaya feeling ko ready na akong mawala anytime. Nawalan na ako ng excitement sa buhay nong mga panahon na yon at feeling ko wala na din akong rason para gumising araw-araw..
April 8, 2017 lumindol ng malakas. At hindi ako OA don sa pagsabi ko ng "malakas" kasi malakas talaga siya. Sa pagkakaalala ko eh magnitude 5.1 yong sa amin. Nasa Talahib kami non. Mag-ho-Holy Week yon eh. Sa bahay namin dinala yong Station of the Cross kasi last day na at kinabukasan eh iuuwi na sa chapel. Andon kami sa kusina tapos yong mga nagbabasa ng pasyon eh andon sa salas. Mga bandang alas-tres siguro yon. Hala.....ang lakas nong lindol. Nakatayo lang ako habang lumilindol. Nakakapit ako sa silya na inuupuan nong pamangkin ko. Medyo matagal din yong pag-uga bago tumigil. Kung alam mo yong puch bowl ibig sabihin non matanda ka na. Char. Hindi. π Don kasi nakalagay yong juice na handa para don sa mga kasamang nag-krusada. 3/4 full yong laman non tapos nong matapos na yong lindol mababa na lang sa kalahati yong natira. Imaginin mo na lang kung gaano kalakas yon. Nakapatong siya sa dining table na kahoy kaya mabigat at hindi basta-basta nagagalaw. Pero nayanig siya nong lindol. Buti nga hindi siya nahulog sa sahig at nabasag. Nong natapos na yong lindol nag-uwian na yong mga nag-ku-krusada syempre natakot na din at kailangan din nilang i-check yong pamilya nila. Hindi natapos yong pagbabasa ng pasyon. Tapos kami, lumabas kami ng bahay kasi may mga aftershock eh. Hanggang sa kinabukasan ata nong bago kami umalis eh may aftershock. Yong bahay namin don eh walang kisame tapos bakante din yong palibot tapos may itaas kaya ramdam na ramdam ko kapag ayan na naman...umuuga na naman. At sa bawat aftershock na naramdaman ko natakot ako. At don ko na-realize na hindi pa pala ako ready na mawala sa earth. Ayoko pa pala. Eh before yon sabi ko sa sarili ko ready na ako anytime kasi nga feeling ko wala na naman akong purpose dito sa earth. Kumbaga naging hopeless na ako sa buhay. Pero nong feeling ko eh may chance na na magtapos na yong life ko eh natakot ako. Hindi pa pala ako handa.
Kaya para sa'yo na akala mo eh ayaw mo nang mabuhay....trust me hindi mo pa din gugustohin na mawala sa earth. Ang sabi nga eh "you don't want to be lost, you just want to be found." Kung iniisip mo na wala ka nang rason para mabuhay eh subukan mong tumingin sa paligid mo para makita mo na may mga tao na umaasa sa'yo. May mga tao diyan sa paligid mo na masaya dahil nag-e-exist ka. Habang ginigising ka ni Lord tuwing umaga, hangga't tumitibok ang puso mo at habang may hininga ka, may silbi ka sa earth. May purpose ka. Hindi pa tapos ang misyon mo. Hindi ka kalabisan. Kung feeling mo eh wala ka namang ginagawang tama sa buhay mo kaya gugustohin mo na lang maglaho eh sabi nga nong isang quotation "Even a dead clock shows correct time twice a day." Kaya wag mong ilagay sa isip mo na wala kang ginagawang tama o walang nakaka-appreciate sa mga ginagawa mo. Meron yan, hindi lang sila showy sa'yo. Pero deep inside hindi sila mabubuhay nang wala ka. Uy....maniniwala na yan. Marupok yan eh. Haha. π€ππ Pero seryoso. Totoo yong sinabi ko kaya dapat mong paniwalaan. Yong simpleng paghuhugas mo ng plato na hindi mo naman pinagkainan ay sapat ng dahilan para malaman mo na may silbi ka sa buhay. Sinong maghuhugas ng plato kung wala ka diba? Hindi ka man masaya sa ginawa mo eh may ibang tao naman na pinasaya mo at may ginawa kang tama. Hindi mahalaga kung may nakaka-appreciate o wala ng ginagawa mo as long as gumagawa ka ng kabutihan para sa iba at syempre para na din sa sarili mo.
Ika nga ni Justin Bieber eh "Love Yourself." You deserve to be alive do not ever think otherwise. You are worthy. You have a purpose. Mahalaga ka. Wag kang masyadong brutal sa sarili mo. Kung hindi mo pa nakikita yong dahilan mo para mabuhay eh siguro hindi pa tama ang panahon. Malay mo sa banda-banda diyan makakapangasawa ka pala ng prinsipe o kaya magiging Presidente ka pala ng Pilipinas. Diba? Kaya mahalin mo ang sarili mo. Huwag mong hanapin ang halaga mo sa ibang tao o kaya iniisip mo na may silbi ka kapag nagawa mo ang isang bagay o na-achieve mo ang isang bagay. Tipong sa tingin mo ay tsaka ka lang magkakaroon ng importansya kapag naging CEO ka ng isang malaking kompanya o naging manager ka. Walang ganon kasi panandalian mo lang naman matatamasa yong ganong bagay eh kasi pagkalipas ng ilang taon tapos na yong "reign" mo. Kaya huwag mong ibase ang halaga mo sa mga bagay na panandalian lamang. Hindi nababase ang halaga ng isang tao sa kung gaano siya ka-busy. May silbi ka with or without those things. Deserve mo ang mabuhay. Huwag mo nang antayin pa na makaranas ng malakas na lindol bago mo ma-realize na hindi ka pa pala ready mag-goodbye sa life mo dito sa earth. Iparamdam mo sa sarili mo na mahalaga ka. Kasi kung hindi mo yon gagawin eh sino ang gagawa non para sa'yo? Diba? Ikaw lang sa sarili mo ang makakapagsabi ng halaga mo. May mga bagay na ginagawa ng iba na hindi mo kayang gawin pero tandaan mo na may mga bagay din na ikaw lang ang may kakayahang gumawa. Wag mong masyadong i-under-estimate yong sarili mo.
Napaka halaga ng buhay ng tao kaya sana ay huwag mong sayangin. Maswerte ka kasi you made it this far. May ibang tao na gustong-gusto pang huminga pero hindi na nila nagawa. May ibang tao na gustong-gusto pang makasama ng pamilya nila pero natapos na ang oras nila dito sa mundo. Kaya ikaw, huwag kang magmadali. Take life one day at a time. You are exactly where you need to be. Huwag mo munang isipin yong future, wala pa tayo don at hindi pa tayo sigurado don. Ang meron lang tayo at ang sigurado lang tayo ay yong ngayon. Kaya mag-focus muna tayo sa today. Tsaka mo na alalahanin yong bukas kapag dumating na. Okay? Let's just cross the bridge when we get there. Ganern.π
Sa panahon na pinanghihinaan ka na ng loob at nawawalan na ng rason para mabuhay kausapin mo lang si Lord. Andiyan siya palagi at handang makinig sa'yo. Siya ang dahilan sa bawat pagtibok ng puso mo at sa bawat paghinga mo. Siya ang nagbigay ng buhay sa'yo at Siya lang din ang may karapatan na bawiin ito sa'yo. Kaya i-appreciate mo yong buhay na meron ka at huwag ka nang maghangad ng iba pa.
So...bye bye for now. Next Saturday ulit. Sana ay nagkaroon ka ng oras para lumapit kay Lord ngayong Holy Week at sana ay iyon na ang simula ng pagbabalik-loob mo sa Kaniya. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay bukas. π
Happy Easter Sunday tomorrow. π°
"Do not get addicted to escaping. Face your shit, handle your business, and triumph. No battle was ever won by people who run." by word porn fb page
Ciao.
Share Ko Lang:
After nong lindol kinabukasan umuwi na kami dito sa Batangas. Tuwing may dadaan na sasakyan natatakot ako kasi feeling ko andyan na naman yong lindol. Mga ilang araw din akong natakot don sa yabag nong gulong ng sasakyan. Wala lang. Share ko lang. Sige na. Bye bye.π
Comments
Post a Comment