Hilo, Lito, Ako

Nalilito, nalilito
ako ngayon ay lito.
Ano nga ba ang dapat sundin?
Ang sinasabi ng damdamin?
O ang isipan na hindi alam ang saloobin?

Sabi ng isip, "sige, bakit hindi mo subukan?"
Ngunit itong puso ay madaming agam-agam. 

Ano nga ba ang dapat sundin?
Ang isipan na nag-aasam?
O ang pusong ayaw nang masaktan?

Hindi kaya marahil ay napagtanto na ang kasagutan sa tanong
Ngunit nangangamba sapagkat maaring hindi ito ang naaayon

Ano nga ba ang mas matimbang?
Ang isip na umaasa?
O ang pusong pagod nang umasa?

Desperado ka lang bang talaga o may mithiin ka talagang maganda

Sa mundong walang kasiguradohan
Ano ang iyong pinanghahawakan?

Ito na ba ang matagal mo nang hinihintay?
O ito ay magiging  parte din lamang ng isang paglalakbay?

Kung ano man ang magiging desisyon
Sana ito ay naaayon
Hindi lamang sa isip na naglalayon
Bagkos ay ang puso, sana din ay sumang-ayon

Hilo, lito at ako.
Ako ngayon ay hilo at lito.

Comments

Popular posts from this blog

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour

Sat With Ree: Jab We'll Done

It's Our 8th