Sat With Ree: Semana Santa
Kumusta? Eto na naman po ako dahil Sabado na ulit. Alam mo ba kung normal lang sana ang mundo nasa Talahib sana kami ngayon. Kaso hindi eh. Yon kasing sa Station of the Cross sa bahay namin lagi huling dinadala bago dalhin sa chapel kinabukasan. Eh ngayon yong last day. Akala ko nga makakauwi kami ngayon kasi diba medyo lumuwag na yong quarantine nong isang araw tapos biglang eto na naman. Last year nga hindi na kami nakauwi kasi mas mahigpit tsaka pinatigil din yong pag-e-station of the cross. Hopefully back to normal na next year para makauwi na ulit kami at makalanghap naman ng fresh air at makapanungkit ng hilaw na mangga. Mas masarap kasi ang mangga kapag ikaw mismo yong naghirap na sumungkit. Don kasi sa tabi ng bahay namin don may puno ng mangga kaso may harang na pader. Pero mababa lang naman yong pader. Kapag umuuwi kami don tagmangga kaya nakakapanungkit ako. Favorite ko yon eh. Indian mango na hilaw tapos isasawsaw sa toyo na may sili o kaya kapag sinuswerte at may alamang. ...