Sat With Ree: Wag Kang Martir
Sabi nila bawal daw sumuko. Laban lang daw. Pero paano kung nasasaktan ka na? Paano kung nahihirapan ka na? Lalaban ka pa ba? Kaya siguro madaming kriminal ang nakakatakas, kasi sabi nila "wag susuko." Char. (Last ko na 'yon. Pramis.)
Minsan ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng kahinaan. When things become too overwhelming and you can't take it anymore, somtimes you have no choice but to give up. In love, in life—in general, it's okay to give up.
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung importante sa'yo ang bagay na kailangan mong i-let go. Kapag gustung-gusto mo ang isang bagay gagawin mo ang lahat para makuha mo ito. Parang sa pag-ibig, kapag gustung-gusto mo ang isang tao mahirap siyang pakawalan kahit pa siya na mismo ang nagsasabing ayaw na niya. Minsan sinusubukan mo pang ayusin kasi nga.......baka naman pwede pa. Kaso may mga bagay kasi na mahirap ipilit—mga bagay na hindi talaga mapapa sa'yo kahit pa anong gawin mo. Kaya ang tanging option mo na lang ay ang sumuko.
Minsan kailangan mong i-give-up ang isang bagay na gustung-gusto mo para magkaroon ng space ang mga bagay na para sa'yo talaga. May limit ang pagiging martir. Madalas sa gantong bagay laging nagtatalo ang puso at ang isip. Ano nga ba ang dapat sundin? Ang isip na umaasa pa o ang puso na ayaw nang masaktan pa?
Minsan humihingi tayo ng sign bago gawin ang isang bagay. Kapag nangyari yong sign na hinihingi natin ibig sabihin itutuloy nating gawin yong binabalak natin. Pero minsan kasi pasaway tayo kasi kahit na hindi naman nangyari yong sign na hiningi natin itinutuloy pa rin natin ang isang bagay. Kasi nga nagbabaka-sakali tayo. May pagka-masokista kasi tayo minsan. Kahit nasasaktan na tayo eh hangga't kaya natin eh lalaban tayo.
Mahirap i-let go ang isang bagay na matagal mo nang pinapangarap at alam mong makakapagpasaya sa'yo. Pero kapag natanggap mo na na hindi ito para sa'yo magiging madali na lang ang lahat. Kailangan mong tanggapin sa sarili mo na may mga bagay na hindi para sa'yo kasi may ibang nakalaan talaga sa'yo. Once na natuto kang mag-let go don mo lang ma-re-realize na it was the best decision you've ever made. Dapat matuto kang bumitaw sa mga bagay na gusto mo lalo na kung nagiging dahilan na ito ng kalungkutan mo o ng pagiging miserable ng buhay mo.
Once na ipinapakita na sa atin ng universe ang mga dahilan kung bakit hindi natin makuha-kuha ang isang bagay na pinaka-aasam-asam natin huwag tayong magbulag-bulagan sa katotohanan. Minsan kailangan nating sampalin ng katotohanan para lang masabi natin sa sarili natin na, "okay na.sige na.panalo ka na.suko na ako."
Kapag sobra ka nang nasasaktan panahon na para tumigil ka. Madali para sa ibang tao na manghusga at sabihing mahina ka. Pero hindi naman nila alam ang pinagdaanan mo. Hindi nila naramdaman ang mga sakit na naramdaman mo. Hindi nila nakita kung ilang balde ng luha ang iniyak mo nong mga panahong nabigo ka. Buhay mo yan. Wala kang dapat ipaliwanag sa kanila as long as alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo magtagumpay ka lang. Maraming beses kang sumubok pero lagi kang bigo, lagi kang nasasaktan. Kaya madalas na tinantanong mo ang sarili mo ng "ano bang mali sa 'kin? Ano bang nagawa kong kulang?" Kaya paulit-ulit ka ding na-di-disappoint sa sarili mo.
Walang mali sa'yo. Walang kulang sa'yo. You are worthy of the things that you want it's just that God wants to give you more than you are asking for. He's preparing you for something great. Just be patient. Maaaring hindi nasunod ang pinlano mong buhay pero balang-araw makikita mo kung bakit kailangang mangyari ng mga bagay-bagay. Pero sa ngayon, panahon na para ibalik ang mga ngiti na ilang taon mo ding itinago. Panahon na para maging masaya ka. Hindi porke't hindi ka nagtagumpay sa mga plano mo ay kakalimutan mo na din maging masaya. Lahat tayo ay may karapatang maging masaya sa buhay na pinili natin.
Ang sabi nga nila diba "when plan A doesn't work, the alphabet has 25 more letters." Madami pa diyang ibang pangarap. Try naman natin yong iba. Malay natin diba? Wag tayong magpaka-martir sa isang bagay. Simple lang ang buhay wag nating gawing kumplikado. Let's just go with the flow. After countless disappointments na naranasan natin panahon na para sumaya ulit. Maging totoo ka sa sarili mo at panahon na para tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.
Kaya kung naghahanap ka ng sign kung tutuloy ka ba o titigil na. Ang masasabi ko lang sa'yo ay.....WAG KANG MARTIR! Okay? Darating din yong para sa 'tin. Pero sa ngayon let us enjoy this moment and let us embrace life's uncertainties. Hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng bagong pangarap. Bata ka pa. Madaming mas importanteng bagay kaysa sa ipagpilitan natin ang isang bagay na hindi talaga pwede. After all, life is not about the journey but the destination. What matters is that you learned a lot through the voyage. It doesn't matter what everyone thinks as long as you're happy. Huwag mo munang isipin ang future andito pa lang tayo sa present. Let's just cross the bridge once we get there. Let us live in the moment. Ang importante sa lahat ay alam nating hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Giving up doesn't mean that you are weak. It simply means that you want to put yourself first before anything else because you want to keep your sanity.
Let us hold on to this quotation by Anne Frank:
What a wonderful thought it is that some of the best days of our lives haven't even happened yet.
Next week ulit? Enjoy the rest of the weekend.
Ciao.
Comments
Post a Comment