Sat With Ree: A NBSB's PoV About Love

Hey... Happy Saturday at Kung Hei Fat Choi kahapon. Start na officially ang Year of the Ox. What are your hopes and expectations sa pagpasok ng Year of the Ox? Pare-pareho naman siguro ang hangad natin. At iyon ay ang sana ay matapos na ang pandemic para bumalik na sa normal ang mundo. Yong tipong facemask-free na ulit kapag lumalabas ng bahay. Mas nakakapagod kasi maglakad kapag naka-face mask at naka-face shield lalo na kapag minsan ka lang lumabas ng bahay kaya hindi ka sanay. 

Uyyyyy. Valentine's Day na bukas. Yieeeeeee. San ang date? Sana ol may date. Charing. Wag kalimutang i-date si Lord ha. Sunday bukas. Since Valentine bukas let's talk about Halloween. Char. Syempre heart-to-heart talk tayo. Usaping pag-ibig o sa wikang ingles ay 'love.' L-O-V-E. Love. 

Madaming depinisyon ang salitang 'love.' Pero ang pinaka-paborito ko ay yong kay Michael Faudet na nagsasabing: 

Burn all the dictionaries, tear up the tired metaphors, and tell the poets to go to hell. For you are the true definition of love. The only one I shall ever need.

Manhid lang ang hindi kikiligin dyan. Naku! 

May isa pa akong paborito na sinabi naman ni F. Scott Fitzgerald:

There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.

Laging may mas matimbang kesa sa isa. Mas mahal mo si ganito kesa kay ganyan. Mas naging komportable ka lang kay ganyan kaya kayo ang magkasama. Napagtitiisan niyo kasi ang ugali ng bawat isa. At higit sa lahat dahil kayo ang itinadhana. 

Pero para sa'yo ano ang ibig sabihin ng salitang "love?" 

Ako? I'm a strong believer of destiny. Pero hindi ako naniniwala na lahat ng tao ay may nakalaang isang tao para makasama niya habang-buhay. Kung bawat tao ay may kanya-kanyang nakatakdang kapareha o katuwang sa buhay bakit may mga matandang dalaga at binata? Sige nga, paki-explain. Para don sa mga tao na nagsasabi na hindi sila nakapag-asawa kasi mas inuna nila yong responsibilidad nila sa pamilya or nag-alaga sila ng magulang nila, parang ang unfair naman non para sa mga magulang kapag ganon yong katwiran kung bakit hindi na nakapag-asawa. Diba nga ang sabi ni Renz Verano:

"Umulan, bumagyo. Gumuho man ang mundo. Ikaw at ako pa rin." Kaya kahit anong ganap mo sa buhay kung nakatadhana na magka-asawa ka magkaka-asawa ka. Wag mong gawing excuse yong kesyo ganto kesyo ganyan. Tanggapin mo na iyon ang kapalaran mo. Because we are strong and independent women who don't need a man. Charing. 

Pero seryoso. Naniniwala ako na kapag para sa'yo ang isang tao o ang isang bagay kahit anong mangyari babalik at babalik sa'yo yon kahit maligaw pa siya o kahit lumipat ka pa ng tirahan ng sampung beses. Kung talagang itinadhana siya sa'yo, magkikita at magkikita pa din kayo sa bandang huli. Isa sa mga natutunan ko sa life ay ang huwag ipilit ang mga bagay-bagay. Kahit anong gawin mo kapag hindi para sa'yo ang isang bagay kahit lumuha ka pa ng dugo o tumulay sa miswa eh walang mangyayari. Sayang lang ang effort. But at least you tried. You're not going to wonder your whole life about the what if's. 

Pero mas maganda kung hahayaan natin na si Lord ang umaksyon at magdesisyon. Kasi panigurado naman na kung ano yong inilaan niya para sa atin ay higit na mas maayos kesa don sa akala natin na gusto natin. Diba nga "He does not give us the people we want instead He gives us the people that we need." Kaya hayaan natin na siya ang magpasya. 

Huwag kang mag-alala kung may ibang gusto yong taong gusto mo. Hindi pa naman end of the world. Malay mo sa banda-banda dyan kayo pala talaga ang itinadhana. (Uyyyyyy....ho-hopia na yan.😏) Pero kung hindi naman wag kang mag-alala kasi baka yong taong nakalaan para sa'yo ay higit na mas maayos kesa sa taong gusto mo. Isang tao na mas mamahalin ka kesa sa mahal mo siya. Isang tao na ibibigay sa'yo ang buong kalawakan kahit na ang inaasahan mo lang naman ay isang planeta. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Diba nga ang sabi ni grandma (di ko lang alam kung kanino siyang grandma basta nabasa ko lang na sabi daw ni grandma) "Be with someone who loves you more than you love him." 

Syempre importante yong mga kilig-kilig. Pero mas importante pa din yong nagkakainitindihan kayo at kahit ilang beses man kayo mag-away sa huli ay pipiliin niyo pa rin ang umintindi kasi nananaig pa din yong pagmamahal niyo para sa isa't-isa. Siguro isa sa mga main ingredients ng isang successful relationship ay ang pagiging understanding. May nabasa ako, siguro nabasa mo din yon. Yong about sa pagmamahal na hindi laging buo. Halimbawa siya, mahal ka lang niya today ng 80% kaya kinakailangan naman na ibigay mo yong 20% na pagmamahal mo sa kanya para mabuo ang 100% na pagmamahalan. Aba, hindi ka na lugi don ha. Tingnan mo nga 20% lang ang sa'yo samantalang sya 80%. LOL. Sabi nong pari don sa naatendan kong kasal dati, hindi daw sapat na rason na pakakasalan mo siya dahil lang sa "mahal" mo siya. Kailangan may iba pa at mas malalim na rason, singlalim ng poso-negro. Char. Pero seryoso ulit....may nabasa din ako dati hindi ko lang matandaan kung saan kasi matagal na yon, ang sabi hindi daw dapat nagpapakasal kapag sobrang in-love yong dalawang tao sa isa't-isa or yong kapag nasa "honeymoon stage" pa lang sila ng kanilang relasyon kasi hindi daw iyon magtatapos sa maganda. Kasi nga naman diba kapag sobrang in-love kayo sa isa't-isa na-o-over-look niyo yong flaws nong partner mo tapos later on mo lang siya makikita kapag nagpakasal na kayo. Tapos biglang hindi pala yon katanggap-tanggap sa'yo eh samantalang dati okay lang naman sa'yo. Kaya nga diba may iba na inaabot ng 10 years na mag-bf/gf bago magpakasal. Pero meron din naman na ilang buwan pa lang na magkakilala nagpapakasal na. Importante na kilalanin mo muna ng maigi yong partner mo before you take a huge step on your relationship. And once you see his/her real personality and you still chose to marry him/her despite all the imperfections......now that's what you call "wagas na pag-ibig." Char. At bihira lang ang nakakahanap niyan lalo na sa generation na ito. Ika nga: 

You don't marry someone you can live with, you marry the person who you cannot live without.

Hindi nababase sa  tagal ng isang relasyon ang kasiguraduhan na kayo na talaga ang magsasama habang-buhay. Kahit ilang taon na kayo magkasama kapag dumating na si "the right one" eh kailangan niyong maghiwalay kahit ayaw nong isa. Ang unfair don sa naiwan pero kailangan mo tanggapin na ganyan ang life, everything is temporary. Kaya dapat kapag nagmahal ka, kailangan may natitira kang pagmamahal para sa sarili mo at kailangan handa ka ring masaktan. Kapag pumasok ka sa isang relasyon ika nga nila "hope for the best but prepare for the worst." (Applicable naman sya sa lahat, hindi lang sa love.) Wag mo siyang gawing mundo mo. Wag mong paikutin ang buhay mo sa kanya lang. Hindi lang siya ang tao sa mundo, hoy. May pamilya ka. Mas nauna sila kesa sa kanya at syempre andyan din ang mga kaibigan mo. Hindi porke't may boyfriend ka na ay kakalimutan mo na sila. Wag kang bastos. Tingnan mo kapag nagka problema kayo ng boyfriend o girlfriend mo diba sa kanila ka din naman tatakbo. At the end of the day kapag nasa tamang tao ka maiintindihan niya ang mga bagay-bagay. Alam niya na hindi lang siya ang tao sa buhay mo. Maiintindihan niya na hindi sa lahat ng oras ay kailangan kayo ang magkasama. Pareho kayong may kanya-kanyang buhay bago niyo nakilala ang isa't-isa. Kapag nasa tamang tao ka susoportanan ka niya sa lahat ng bagay kapag alam niya na magiging masaya ka at mapapabuti ka. Ang sabi nga nila "loving is not owning." Hindi ka niya pagmamay-ari at hindi mo din siya pagmamay-ari. Gawin niyo ang gusto niyong gawin individually. Gawin niyong inspirasyon ang bawat isa to be the best version of yourselves. Pero wag kang mag-aim na mag-change for the better kasi iyon ang gusto niya. Gawin mo yan dahil gusto mo. Magbago ka para sa sarili mo. Gawin mo lang siyang inspirasyon.

Kapag nagmahal ka hangad mo palagi ang kaligayahan nong partner mo. Kahit na hindi ka parte ng kaligayahan niya, masaya ka na din kapag masaya ka. Kaya nga may mga taong nagmamahal lang from afar. Tipong mag-isang umiibig. "unrequited love" kung tawagin nila. *Ouch.*

Masakit. Pero ang sabi nila kapag daw nagmahal ka dapat handa ka ring masaktan. Sabi lang naman nila yon. Di ako sure kung tunay. Never ko pa kasi naranasan na magmahal ng ibang tao bukod sa sarili ko at sa pamilya ko. *Char not char.* 

Pwede mo naman mahalin ang isang tao kahit hindi kayo magkarelasyon. Love is not about possession. Hindi porke't mahal mo ang isang tao eh pipilitin mo na siyang makipag-relasyon sa'yo kahit ayaw niya naman sa'yo. At ang malala kahit na in a relationship na siya. At ang mas malala pa kahit na may sariling pamilya na siya. Walang ganon, Mars. Pero nasa kanya pa din naman yon kung papatol siya. Pero mali, Mars. Walang ganon. Hindi dapat ganon. Sige nga, try to put yourself in his wife or his girlfriend's shoes. Diba masakit? Hindi katanggap-tanggap. Kaya wag mo nang tangkain pa na manira ng isang relasyon. Wag mong gawing dahilan ang pagmamahal. Walang ganoong klase ng pagmamahal. Irespeto mo ang sarili mo. Maging masaya ka na lang para sa kaniya kahit pa hindi ikaw yong taong pinili niya. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na kayo ay pinagtagpo lang pero hindi kayo ang itinadhana. Mahirap tanggapin pero kailangan.

Hindi baleng wala kang ka-date bukas. Ang mahalaga sanay ka na. Char. Alam mo kung hinihintay mo si "The One" ang payo ko lang sa'yo ay wag mo kasing intayin para dumating. Ganon naman yon diba? Mas maganda yong hindi mo ine-expect. Tipong "Once in a while, right in the middle of an ordinary life, love gives us a fairy tale." Ganern. Pero habang hinihintay mo yong tamang tao para sa'yo, mahalin mo muna ang sarili mo at ang mga taong nakapaligid sa'yo. Hindi ka mauubusan, promise. Kung anong para sa'yo ay mapupunta sa'yo kapag sinabi na ni Lord na "the time is right." There's so much more to life than just waiting and searching for the "right one." Explore life. Discover. Enjoy. Kasi kapag pinagtagpo na kayo may mga bagay na hindi mo na magagawa mag-isa. 

Pero paalala lang, wala ka sa pelikula at wala ka din sa libro, wala tayo sa perfect world. Hindi araw-araw masaya ang buhay pag-ibig at lalong walang perfect na love story sa totoong buhay. Ang sabi nga nong matanda na kausap ni Chris Evans sa movie na Before We Go "There is no perfect. There will always be struggle. You just have to pick who you want to struggle with." Diba???? May point na naman. Parang si Ali at si Noah lang yan ng The Notebook:

So it's not gonna be easy. It's going to be really hard; we're gonna have to work at this everyday, but I want to do that because I want you. I want all of you, forever, everyday. You and me... everyday.

Ganyan dapat ang mga linyahan. Hindi yong konting away hiwalay agad. Pero pwede din naman. Charing. Walang secret sa long-lasting na relationship. Kapag kayo talaga ang destiny kailangan niyong pagtiisan ang bawat isa. LOL

Pero hindi naman lahat naghahanap ng "The One" yong iba kasi "The Two" ang hinahanap. May iba pa nga"The Five" ang hinahanap. Pero seryoso na. May mga tao na kuntento na sa pagiging single, gaya ko. Yong napanuod ko nong isang araw ang sabi niya, kuntento daw siya sa pagiging single kasi may pamilya daw naman siya— pamilya meaning nanay, tatay, mga kapatid, mga pamangkin—at masaya daw yong pamilya niya kaya masaya siya sa pagiging matandang-dalaga. Siguro ganon din yong reason ko kaya okay lang sa 'kin na tumanda akong dalaga (bukod sa rason na wala din namang nagtatangka). Nakahanda na ako sa possibility ng pagiging matandang-dalaga. Hindi na ako magpapaka-plastik. Sige na. Oo minsan nag-de-day dream ako ng wedding ko, simula sa wedding gown, theme, eme eme. Masayang kiligin paminsan-minsan. Pero tama na yong hanggang kilig na lang. Happy na ako na kiligin sa love life ng iba. Masaya na ako na maging taga-sana-ol na lang at minsan ay magpaka-bitter kapag makakasalubong ng mag-jowa at sabay sabing "akala mo naman hindi maghihiwalay bukas." LOL. Pero seryoso, masaya maging bitter paminsan-minsan. Hahaha. Masarap mag-imagine pero don tayo sa reality. Let's just put it this way.... I can't see someone loving me much more than he loves himself and I can't see myself loving someone more than I love myself. Ang far-fetched nong idea. Nasanay na kasi ako na mag-isa. Masaya yong wala kang isinasa-alang-alang na iba kapag pipili ka ng restaurant na kakainan mo. Ilang beses ko na din na-try mag-sine mag-isa at masaya naman siya. Akala ko dati ang weird pero nong ma-experience ko masaya naman pala siya. Pwede mong ulitin yong palabas hangga't gusto mo. (Pero dati yon. Ngayon kasi ata di na pwede.) May mga bagay na masaya gawin mag-isa lalo na kung sanay ka na. Weird sa iba, pero kanya-kanya naman tayo ng preference sa buhay. Hindi kasi ako sanay na may kino-consider na iba bago ako mag-desisyon. Makasarili ako eh. Hahaha. Chos lang yon. (Pero half-meant.LOL.🤭) Isa pa ayoko din masaktan. Hindi ako risk-taker. Sigurista ako eh. Haha. At tsaka mataas ang standard ko sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig mapa physical man, mental, emotional, spiritual, financial. Lahat na.

We are all free to choose what we want to do in life and we have to live with the consequences of the choices and decisions that we make. And at the same time we cannot control our own destiny. There are no right or wrong choices as long as you're happy and you're hurting no one. It's your life. You don't have to explain every decision that you make. Because at the end of the day.....who cares? Right?

Pano ba 'yan? Happy Valentine's Day na lang bukas. Enjoy your date. Sa mga walang ka-date may ilang oras pa para maghanap. This is the sign that you've been waiting for. "Wave" na kay crush. Yieeeeeeeeee. Mag-we-wave na yan. 

Enjoy the rest of the weekend. Chika ulit next week.


Ciao.

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl