Sat With Ree: Debut

(Drawing inspired by Pinterest.)


Hey. It's been a while. I hope everything is going well with your life. 

2021 na. Ano nang ganap sa life? Kumusta naman ang pasok ng bagong taon? Isipin mo yon 37/365 na kaagad tayo. Iba nga din naman ang bilis ng panahon. Mamaya magugulat ka na lang 2022 na. 

Ayon na nga!!! Finally nakapag-update ulit ako dito. Matagal ko na sya binabalak kaso alam mo naman ako....dakilang tamad. Anyway........nong isang araw ko lang naisipan na ano kaya kung once a week chumika ako dito. Pero wala akong maisip na title so isang gabi habang hindi ako makatulog bigla kong naisip yong "Sat With Ree" or Saturday with Reegyna. (At oo. Pinag-isipan ko na iyon sa lagay na yan.) So, every Saturday TRY KO magsusulat ng kahit anong maisip ko na topic, "anything under the sun" kumbaga. Para naman may motivation ako para mabuhay. Charing. Sana lang hindi ako tamadin mag-isip ng topic to write about. 

Since this is my first "Sat With Ree" let's talk about myself. Such a narcissist? IKR. LOL. So ano nga bang ganap sa buhay ko? Wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Ayon nakakahiligan ko na mag-drawing drawing ng kung anu-ano. Simula bata pa ako hobby ko na talaga yon........ang magsayang ng tinta ng ballpen pati color pen. Few months ago naisipan ko ulit syang balikan since wala akong magawa every night. May pagbili pa nga ako ng color pen at color pencil eh kala mo nga naman talaga napakahusay gumuhit. Isa yon sa mga frustrations ko sa buhay......yong sana magaling akong mag-drawing at maganda akong magsulat. Alam mo ayos lang naman sa akin na wala sa tono yong boses ko kapag kumakanta ako at ayos lang din naman na hindi ako marunong sumayaw.........pero yong ang pangit kong magsulat at mag-drawing? Bakit? Pero napapag-aralan naman yon diba? Practice lang ng practice. 

Ganon naman sa life diba? Kapag may gusto kang isang bagay gagawin mo ang lahat para lang makuha mo yon, kapag may gusto kang gawin at sa tingin mo ay hindi mo kaya gagawa ka ng paraan para mapag-aralan iyon at balang araw ay maging mahusay ka. Alam mong hindi magiging madali pero as long as dedicated ka sa craft mo at willing kang matuto ay hindi magtatagal ay ma-ma-master mo din ang isang bagay.

Pero minsan kahit gaano mo kagusto ang isang bagay kung hindi iyon laan para sa iyo ay kahit anong gawin mo ay hinding-hindi iyon mapupunta sa iyo. Tatlong bagay: Una, maaring may ibang nakalaan para sa iyo na higit na maganda kaysa doon sa gusto mo. Pangalawa, maaaring ang bagay na gusto mo ay makakasama pala sa iyo kaya si Lord na mismo ang kusang naglayo nito. Pangatlo, hindi pa tama ang panahon. Ang sabi nga ni Hazel Grace Lancaster sa The Fault In Our Stars "life is not a wish-granting factory." Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. At kapag tama na ang panahon ipapakita sa atin ng universe kung bakit mas mabuti na hindi natin nakuha yong bagay na iyon. 

Minsan kasi yong akala nating gusto natin hindi naman pala. Ang sabi nga don sa isang quote "If others can have it then I don't want it." Diba may sense naman? (Sana all may sense. Eto kasing entry ko na 'to parang wala namang patutunguhan eh.)

Siguro mas maganda kung i-consider muna natin ang mga bagay-bagay bago tayo magdesisyon. Kung kinakailangan natin na gumawa ng list of "Pros" and "Cons" gawin natin. Pero ang pinaka importanteng bagay bago tayo gumawa ng isang hakbang ay ang mag-confide muna kay Lord. Maging transparent tayo sa kanya. Sabihin natin yong mga gusto at ayaw natin na mangyari. Kasi kahit naman hindi natin sabihin sa kanya lahat eh for sure alam Nya yon pero syempre mas maganda pa din na sabihin natin lahat sa kanya. Yong mga bagay na gusto natin kapag para sa atin ay tutulongan Niya tayo na makuha iyon at huwag tayong makakalimot na magpasalamat sa kanya kapag ibinigay na Niya iyon sa atin. Magpasalamat din tayo sa mga unanswered prayers kasi malamang sa malamang lahat ng mga hiling natin na hindi natupad ay para sa ikabubuti natin. Ang kinakailangan lang nating gawin ay ang magtiwala sa kanya na maaaring hindi pa ngayon ang katuparan ng ating mga hiling pero sa tamang panahon ay ibibigay Nya rin iyon sa atin. Ika nga "God's timing is perfect." 

Hindi nagmamadali ang panahon. Ikaw lang sa sarili mo ang nagmamadali. Lahat tayo ay may kanya-kanyang panahon. Hindi porke't walang magandang nangyayari sa buhay mo ngayon eh susuko ka na. Eh paano ka mananalo kung susuko ka? Diba? Mas masarap namnamin ang mga bagay na pinaghirapan mo muna bago mo makuha. May hatid na extra-satisfaction yong mga bagay na nagtagal bago mo nakuha. Diba ang saya bigkasin (at masarap din naman na madinig) ang mga salitang "YOU ARE WORTH THE WAIT." 

Siguro ang susi talaga para maging matatag ka sa buhay ay ang salitang "PATIENCE." And it applies to every aspect of life whether it is about work, love, family, or personal life kapag alam mo at inaapply mo yong pagiging pasensyosa makaka-survive ka sa life. Kapatid naman ng pagiging patient ang salitang "understanding." Kapag mahaba yong pasensya mo sa mga bagay lalo na sa tao ibig sabihin non naiintindihan mo sila at naiintindihan mo din kung bakit kailangan mangyari ng isang bagay. 

Iyang mga ganyang tao ang kailangan natin sa buhay natin. Ang taong kaya tayong pagpasensyahan sa mga mali nating nagagawa kasi naiintindihan nila yong pinagdadaanan natin o yong dahilan ng ating pagkakamali. At kung hindi natin matagpuan ang mga taong may ganitong ugali, tayo na lang ang mag-adjust. Subukan nating maging mabait hindi lang sa mga taong nakapaligid sa atin kundi sa lahat ng mga taong nakakasalamuha natin dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang istorya na hindi natin alam. Kaya hangga't kaya nating maging mabait at mabuti gawin natin. Minsan kasi sa kagustohan nating maging tama nagiging sarado ang ating isip at nakakalimutan nating umunawa. Sa lahat ng pagkakataon hangga't kaya natin tayo na lang ang mag-adjust. Tayo na lang ang umunawa. Tayo na lang ang mag-pasensya. Wala namang mawawala sa atin. Okay? 


Enjoy the rest of the weekend. See you again next week? 😊


Ciao. 


Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl