Posts

Showing posts from February, 2021

Sat With Ree: Naniniwala Ka Ba Na First Love Never Dies?

Hey. What's up? Ang bilis ng araw. Last day na ng February bukas. Since February pa naman magpapaka "love expert" muna ako. Kunwari lang naman. Pagbigyan niyo na. Last ko na 'to.....this year. Next year ko na uulitin.  Ang tanong........... Naniniwala ka ba sa "first love never dies?" Ako? Oo. Bakit? Eh bakit ka ba nangingialam eh sa yon ang paniniwala ko eh. Naniniwala ako kasi wala lang. Basta naniniwala ako. Haha. Seryoso na.  Naniniwala ako na laging may space si first love sa puso ng may first love. (Ha? Ano daw?) Tipong kahit hindi nagtapos sa maganda yong relasyon nila eh hindi mawawala si first love sa puso. Hindi naman kasi nangangahulugan na porke first love eh siya yong kauna-unahang naka-relasyon. Hindi lahat ng nauna ay mahal o minahal. May iba nga na hindi niya naka-relasyon pero kino-consider niya na first love. Ang first love kasi siya yong unang tao na nagturo sa'yo kung paano ang umibig at paano magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya at...

Sat With Ree: Wag Kang Martir

Image
Sabi nila bawal daw sumuko. Laban lang daw. Pero paano kung nasasaktan ka na? Paano kung nahihirapan ka na? Lalaban ka pa ba? Kaya siguro madaming kriminal ang nakakatakas, kasi sabi nila "wag susuko." Char. (Last ko na 'yon. Pramis.) Minsan ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng kahinaan. When things become too overwhelming and you can't take it anymore, somtimes you have no choice but to give up. In love, in life—in general, it's okay to give up.  Madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung importante sa'yo ang bagay na kailangan mong i-let go. Kapag gustung-gusto mo ang isang bagay gagawin mo ang lahat para makuha mo ito. Parang sa pag-ibig, kapag gustung-gusto mo ang isang tao mahirap siyang pakawalan kahit pa siya na mismo ang nagsasabing ayaw na niya. Minsan sinusubukan mo pang ayusin kasi nga.......baka naman pwede pa. Kaso may mga bagay kasi na mahirap ipilit—mga bagay na hindi talaga mapapa sa'yo kahit pa anong gawin mo. Kaya ang tanging op...

Sat With Ree: A NBSB's PoV About Love

Image
Hey... Happy Saturday at Kung Hei Fat Choi kahapon. Start na officially ang Year of the Ox. What are your hopes and expectations sa pagpasok ng Year of the Ox? Pare-pareho naman siguro ang hangad natin. At iyon ay ang sana ay matapos na ang pandemic para bumalik na sa normal ang mundo. Yong tipong facemask-free na ulit kapag lumalabas ng bahay. Mas nakakapagod kasi maglakad kapag naka-face mask at naka-face shield lalo na kapag minsan ka lang lumabas ng bahay kaya hindi ka sanay.  Uyyyyy. Valentine's Day na bukas. Yieeeeeee. San ang date? Sana ol may date. Charing. Wag kalimutang i-date si Lord ha. Sunday bukas. Since Valentine bukas let's talk about Halloween. Char. Syempre heart-to-heart talk tayo. Usaping pag-ibig o sa wikang ingles ay 'love.' L-O-V-E. Love.  Madaming depinisyon ang salitang 'love.' Pero ang pinaka-paborito ko ay yong kay Michael Faudet na nagsasabing:  Burn all the dictionaries, tear up the tired metaphors, and tell the poets to go to hell....

Sat With Ree: Debut

Image
(Drawing inspired by Pinterest.) Hey. It's been a while. I hope everything is going well with your life.  2021 na. Ano nang ganap sa life? Kumusta naman ang pasok ng bagong taon? Isipin mo yon 37/365 na kaagad tayo. Iba nga din naman ang bilis ng panahon. Mamaya magugulat ka na lang 2022 na.  Ayon na nga!!! Finally nakapag-update ulit ako dito. Matagal ko na sya binabalak kaso alam mo naman ako....dakilang tamad. Anyway........nong isang araw ko lang naisipan na ano kaya kung once a week chumika ako dito. Pero wala akong maisip na title so isang gabi habang hindi ako makatulog bigla kong naisip yong "Sat With Ree" or Saturday with Reegyna. (At oo. Pinag-isipan ko na iyon sa lagay na yan.) So, every Saturday TRY KO magsusulat ng kahit anong maisip ko na topic, "anything under the sun" kumbaga. Para naman may motivation ako para mabuhay. Charing. Sana lang hindi ako tamadin mag-isip ng topic to write about.  Since this is my first "Sat With Ree" let'...