Undecided


Crush, puppy love, soulmate o isang malaking KABALIWAN???

Hanggang sa mga oras na ito ay isang malaking katanungan pa rin sa akin kung ano ka nga ba talaga sa buhay ko. Puppy love, soulmate, friend(???), dating classmate o ano? Basta sure ako don sa "dating classmate." LOL

We've been classmates for only four years. Elementary days......so let's consider the fact that we're still young then,  walang kamalayan pa masyado sa mundo. Hindi pa tayo aware sa nga nangyayari, maaaring iniisip natin noon na oo, alam na natin at naiintindihan na natin ang mga bagay-bagay, akala natin alam na natin lahat at iniisip natin na aware na talaga tayo at may sapat na tayong kaalaman sa mga nararamdaman at ginagawa natin. Pero let's stick to the fact na we were just kids way back then. 

Pero diba, sa mga bata usong-uso ang salitang "crush". "Crush is paghanga", "DAW". Pero ano namang kahanga-hanga sa'yo??? Pero nong mga panahong yon, kahit bata pa lang masyado nang dinidibdib ang salitang yon. Crush pa lang pero malalim na ang kahulugan. Kahit bata pa lang. Imagine. 🤭

During those days, andyan yong "awkwardness". Bakit? Ewan. Ang uneasy lang sa pakiramdam kasi nawawala na 'ko sa sarili kapag andyan sya. Nagiging hyper ako. LOL. Pero me mga times din naman na deadma lang kasi ayoko na isipin nya na I'm desperate for his attention. Ewan. Basta. Mga ganong scenario. Ayon eh nong mag classmates pa lang kami. We were not friends, oo nagkakachikahan naman pero kapag madami kami. Pero yong tipong dalawa lang kami mag-uusap never na nangyari yon. Kasi ako, never ako nag-initiate ng conversation kahit kanino kung me itatanong ako don lang ako nauunang magsalita. 

Time flies so fast and here comes the inevitable fact that people grow old. Nagsisimula nang maging isang ganap na binata at dalaga at nagsisimula na ding harapin ang realidad ng buhay. Ang totoong buhay, hindi na lang dahil sa nadapa ka at nasugatan ka o dahil inagawan ka ng kendi kaya ka umiiyak. Diyan na pumapasok ang iba't-iba pang rason ng iyong mga luha at ngiti. Madaming nagbago at alam naman natin na hindi yon maiiwasan kasi parte na yon ng pagtanda at paglipas ng panahon. Tipong dating gusto mo ayaw mo na ngayon or ayaw mo noon gusto mo na ngayon. 

Pero may isang bagay na nanatili at mukhang hindi pa nagbabago at yon ang paghanga ko sa'yo. Paghanga na hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko naman alam kung ano bang hinangaan ko sa'yo o ano bang kahanga-hanga sa'yo....seriously. Lumipas man ang mga araw at hindi naman kita nakikita kasi hindi na naman tayo magkaklase, pero ewan, andyan pa rin eh. Kapag nakikita kita, may something talaga eh. Ewan. Hindi naman ako bulag para hindi makakilala ng iba pang lalaki sa mundo, pero ewan kapag nakikita kita........basta. Di ko ma-explain. Ewwwwwwww. Haha. Korni ko na ba? Haha.

Tapos yon, hanggang sa mga oras nga na ito it's been what??? Fourteen or fifteen years??? Shet. Yong feeling na ayaw mo na maramdaman yong nararamdaman kong ito pero kapag nakikita kasi kita bumabalik eh. Shet na shet. Sobrang korni na talaga. Hahaha. Pero seryoso, kaya hangga't maaari ayaw na kitang makita. Last time na nakita kita sana yon na talaga yong last. Sana talaga. Kasi naman yong mga magulang mo masyadong common yong ipinangalan sa'yo kaya may  mga pagkakataon na basta-basta ko na lang madidinig yong pangalan mo sa TV o sa kung sino man na me kapangalan ka o di kaya naman mababasa ko na lang sa kung saan. Naku! Naku!!!!

Sana sa totoong buhay katulad na lang nong ginawa ko sa'yo sa Fb—inunfriend kita tapos yon wala na akong nakikitang kung ano tungkol sa'yo sa news feed ko sana ganon na lang din kadali sa totoong buhay, isang click lang. 

Time will come pasasaan ba naman at magigising din ako sa katotohanan na "you're just an ex-classmate" nothing more. 

I hope I won't hear anything about you. I wish I could easily take you away from my thoughts.

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl