10 Ways To Be Stressed


After your graduation and still you cannot find a job, many thoughts will come to your mind. Mga naiisip mo na di naman dapat isipin. Mga bagay na nakaka-frustrate. Mga ayaw mong isipin and yet you can't help but think kasi kusa syang pumapasok sa isip mo kahit ayaw mo. Sabihin na nating mga bagay na maaaring maka-stress sa'yo that's why you end up not having a good sleep at night. You find it hard to sleep cause you overthink. And kung gusto mong ma-stress sa buhay mo, and I doubt kung merong me gusto. 

Here are some tips:
  1. Alone Time. Kung gusto mo ma stress sa buhay,dapat di ka nakikipag usap sa iba,kahit madaming tao sa paligid mo,wag mo silang pansinin. Kunwari ikaw lang tao,ikaw lang ang nag-eexist. At kung sakali man na me madinig kang negative comments nila about sa'yo,isipin mo yon ng isipin kahit na ilang oras o araw na ang nakalipas. Isipin mo lang. In that way ma-i-stress ka talaga kung bawat sabihin nila pinapansin mo kahit naman hindi na dapat. 
  2. Social Networking Sites. Fb fb din or twitter twitter din pag may time. Kahit walang time. Kasi pag nag-open ka ng Fb or Twitter maaaring me mabasa kang di kanais nais. Kunwari yong isa mong friend ang saya-saya nya kasi me work na sya or dahil sweldo na nya or naman asa bakasyon sya....at take note don pa sa "dream destination" mo. Tapos ikaw asa bahay ka lang,habang inggit na inggit sa kanya. Pa-browse-browse lang ng mga pictures nya. Hay!!! Nakaka stress youn diba??? Diba? Diba? 
  3. Be OC. (Obsessive Compulsive) Pansinin mo lahat ng bagay. Kahit naman hindi kapuna-puna,pansinin mo pa din para ma stress ka ng ma stress. 
  4. Overthink. Overthinking kills your happiness. Kahit na last 5 years na nangyari,isipin mo pa din,mga bagay na dapat sinabi at nagawa mo pero di mo nagawa during that time. 
  5. Focus on the past and the future but not in the present. Isipin mo yong mga regrets mo sa buhay mga "sana" sa buhay mo na hindi mo nabigyang pansin dati. At mag-focus ka din sa future, mga bagay na gusto mong gawin at mangyari pero hindi mo alam kung pano mo magagawa at ang malala kung magagawa at mangyayari pa ba eh sa tingin mo wala kang kakayahang magawa sila. In that case, sobra talaga ang pagka stress na mangyayari sa buhay mo. 
  6. Regrets. Isipin mo lagi yong mga bagay na hindi mo nagawa. Mga panghihinayang na sana kung nagawa mo lang yon hindi ka sana nagkakaganyan ngayon. Kaka-stress diba? 
  7. Start your day with a frown. Umaga pa lang pagka gising mo sumimangot ka na agad at for sure all day kang naka simangot kahit na me mga reasons pa naman para matawa ka. 
  8. Negative or Bad Vibes. Nagsisimula pa lang araw mo puro nega na kagad naiisip mo, kesyo ganto kesyo ganyan. Yong tipong iisipin mo na naman kung pano matatapos ang isang araw mo ng masaya ka para maiba naman, but you don't know how that's why you always end up stressing yourself sa mga posibleng mangyari during that certain day. Sa halip na mag-focus ka, sa kakaisip mo lalo ka lang na-i-stress. 
  9. Compare Yourself To Others. Isipin mo lagi yong mga bagay na meron ang iba habang ikaw nganga ka. Iisipin mo yong kung pano mo makukuha din ang bagay na yon pero habang ina-analyze mo yong chance or possibilities kung pano mo makamit ang bagay na yon, wala kang makitang chance. Parang lahat na lang naisip mo kung pano pero wala talaga eh. Kumbaga napapaka-hopeless mo na. 
  10. Dead End. Isipin mo na lang na kung asan ka ngayon, hanggang dyan ka na lang. Yong tipong isipin mo na wala ng katuparan yong mga pangarap mo sa buhay. In short, di na mangyayari yong buhay na pinapangarap mo. Di mo na mabibili yong mga gusto mong bilhin. Di mo na mapupuntahan ang mga lugar na gusto mong marating. Ewan ko na lang kung di ka pa ma-stress sa lagay na yon.  
Those were only few advices and tips from me. It's up to you if would take those advices. Your way of life depends on you. You can't blame anyone or anybody. It's your own choice. Dumb advices it is. But if you will do it the other way around, I don't think it's still dumb.


***Photo Credits: WeHeartIt.com

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl