Tara? Laro?

Nakaka-miss yong ganitong season. Month of May. Alay o Flores de Mayo naman sa iba. Nong bata pa ako, siguro mga Grade-V hanggang sa mag High School ako, ang saya lang kapag bakasyon at sumasapit ang ganitong buwan. Laro-laro lang. Nong Grade-V kasi ako nag transfer na ako ng school at lumipat na kami dito sa Batangas. So ayon. Naiwan ang mga nakasanayan. Pero tuwing bakasyon naman, umuuwi kami ng Tingloy at don nagbabakasyon. Ang saya lang kapag ganitong season. Uuwi kami don. Tapos maglalaro lang maghapon. Maliligo sa dagat. Hindi baleng walang internet, basta may mga kalaro. Buhay na buhay na ako. Kasi nong mga panahong yon andon pa mga pinsan ko tapos mga ibang kalaro. So ayon. Tamang laro lang. Tumbang preso, prisoner, badang, habulan at kung anu-ano pa. Tapos maliligo sa dagat, masaya kapag me bangka na andon sa dagat kasi nakakasakay kami don sa katig at don nakatambay. O di kaya naman nong me balsa pa, pumupunta kami don at don kami tumatambay habang naliligo sa dagat. Me dala kaming mangga. Kasi mahilig ako sa mangga, kapag walang bunga yong andon sa amin nagpapakuha pa ako sa pinsan ko sa kung saan alam kong meron basta malapit lang naman don sa amin. Kasama ang mga pinsan ko at iba pang mga kalaro sa panliligo sa dagat. Ang saya lang balikan at ulitin ng mga ganong pangyayari. Tapos kapag hapon na o pagabi na, aalis si mother at pupunta na sa alay, kasi isa sya sa mga namumuno don, pagkakaalis nya pupunta ako sa mga pinsan ko at mag-aaya ako ng tagu-taguan. Kasi pasimuno talaga ako dati sa mga larong yan eh. Haha. Ang saya lang. Masaya kasi magtaguan diba kapag madilim. Tapos biglang sasali yong crush ko. Diba? Dobleng saya na non. Hahahaha. Tapos minsan natripan ko na kapag nakikita ko kung san sila nagtatago sinasabi ko, ibino-broadcast ko talaga kung asan sila. Syempre nagagalit sila nong pinsan ko. Haha. Pero ang saya. Pero minsan din, kapag sumasali na yong crush ko, bigla na lang akong aayaw. Ewan. Parang ta*** lang. Tapos kapag alam ko na patapos na ang alayan, titigil na kami kasi dadating na si mother. Eh mapapagalitan ako non kapag naabutan akong naglalaro eh gabing-gabi na. Kasi dinig naman sa bahay kapag patapos na ang alayan. Pero nalalaman pa din naman nya na naglaro ako kasi it's either isinumbong ako ng kapatid ko o di kaya naman uubo ako ibig sabihin ng pag-ubo kong yon natuyuan ako ng pawis sa likod habang naglalaro. So ayon, bistado. Haha. Ang saya lang talaga. Ang saya lang balikan ng mga ganong pangyayari. Pero life is different now. Everything has changed. But the memory lives on. Sad to say, it'll only remain as a memory, a one happy memory.   And I can proudly say that I had the best time of my life during my childhood and I wouldn't have it any other way. Kahit pa sabihin na me mga internet na ngayon o kung anu-ano pang gadgets na nauuso, hindi ko pa rin ipagpapalit ang kabataan ko. Batang-bata talaga. Laro dito, laro doon. Wapakels sa pawis at dumi ng damit. Basta masaya. Ang sarap lang mag-throwback kahit hindi Thursday. Ang saya balikan ng mga alaala. Those were the days. Those happy days of mine. Ang sabi nga sa kanta "sana maulit muli."

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl