Posts

Showing posts from July, 2014

Summer Escapade 2014

Image
April 30-May 1,2014 This "short summer getaway" was supposed to be last April 11,2014 but due to the conflict of schedules it was moved and moved and moved to indefinite dates. Because we're just only four in the group and we don't want someone to be left behind we find the right date where we can all be complete. And last April 30-May 1, 2014 it pushed through.  Night before this, akala ko hindi ako makakasama due to some personal reason na ayoko nang banggitin pa. Hanggang sa mga huling oras bago ako umalis undecided pa din. Akala ko talaga hindi na naman matutuloy. Ang tagal na kasing plano ito. Palipat-lipat ng date kasi nga hindi magkatugma-tugma ang schedule. Tapos heto na naman mauudlot na naman at ako pa ang magiging dahilan. Kaya naman hindi ako pumayag na hindi matuloy at ipinaglaban ko ang dapat ipaglaban. Chos.  So ayon....natuloy din sa wakas. A short getaway from reality. Sandaling nalimutan ang mga bagay-bagay. Sandaling nagpakasaya at nagpakalayo sa re...

Tara? Laro?

Nakaka-miss yong ganitong season. Month of May. Alay o Flores de Mayo naman sa iba. Nong bata pa ako, siguro mga Grade-V hanggang sa mag High School ako, ang saya lang kapag bakasyon at sumasapit ang ganitong buwan. Laro-laro lang. Nong Grade-V kasi ako nag transfer na ako ng school at lumipat na kami dito sa Batangas. So ayon. Naiwan ang mga nakasanayan. Pero tuwing bakasyon naman, umuuwi kami ng Tingloy at don nagbabakasyon. Ang saya lang kapag ganitong season. Uuwi kami don. Tapos maglalaro lang maghapon. Maliligo sa dagat. Hindi baleng walang internet, basta may mga kalaro. Buhay na buhay na ako. Kasi nong mga panahong yon andon pa mga pinsan ko tapos mga ibang kalaro. So ayon. Tamang laro lang. Tumbang preso, prisoner, badang, habulan at kung anu-ano pa. Tapos maliligo sa dagat, masaya kapag me bangka na andon sa dagat kasi nakakasakay kami don sa katig at don nakatambay. O di kaya naman nong me balsa pa, pumupunta kami don at don kami tumatambay habang naliligo sa dagat. Me dala ...

Undecided

Image
Crush, puppy love, soulmate o isang malaking KABALIWAN??? Hanggang sa mga oras na ito ay isang malaking katanungan pa rin sa akin kung ano ka nga ba talaga sa buhay ko. Puppy love, soulmate, friend(???), dating classmate o ano? Basta sure ako don sa "dating classmate." LOL We've been classmates for only four years. Elementary days......so let's consider the fact that we're still young then,  walang kamalayan pa masyado sa mundo. Hindi pa tayo aware sa nga nangyayari, maaaring iniisip natin noon na oo, alam na natin at naiintindihan na natin ang mga bagay-bagay, akala natin alam na natin lahat at iniisip natin na aware na talaga tayo at may sapat na tayong kaalaman sa mga nararamdaman at ginagawa natin. Pero let's stick to the fact na we were just kids way back then.  Pero diba, sa mga bata usong-uso ang salitang "crush". "Crush is paghanga", "DAW". Pero ano namang kahanga-hanga sa'yo??? Pero nong mga panahong yon, kahit bata p...

10 Ways To Be Stressed

Image
After your graduation and still you cannot find a job, many thoughts will come to your mind. Mga naiisip mo na di naman dapat isipin. Mga bagay na nakaka-frustrate. Mga ayaw mong isipin and yet you can't help but think kasi kusa syang pumapasok sa isip mo kahit ayaw mo. Sabihin na nating mga bagay na maaaring maka-stress sa'yo that's why you end up not having a good sleep at night. You find it hard to sleep cause you overthink. And kung gusto mong ma-stress sa buhay mo, and I doubt kung merong me gusto.  Here are some tips: Alone Time.  Kung gusto mo ma stress sa buhay,dapat di ka nakikipag usap sa iba,kahit madaming tao sa paligid mo,wag mo silang pansinin. Kunwari ikaw lang tao,ikaw lang ang nag-eexist. At kung sakali man na me madinig kang negative comments nila about sa'yo,isipin mo yon ng isipin kahit na ilang oras o araw na ang nakalipas. Isipin mo lang. In that way ma-i-stress ka talaga kung bawat sabihin nila pinapansin mo kahit naman hindi na dapat.  Social ...