Posts

Showing posts from May, 2021

Sat With Ree: 20 Mistakes I Made In My 20's

Image
Hey. How's life? Hope all is well. Isipin mo yon, Hunyo na ulit sa Martes. Nangangalahati na ang taon. Since in less than 4 months, if it's God's will, I will be celebrating my 30th so might as well give a rundown of the mistakes I did starting when I was 20 years old up to now that I'm almost 30. Because.....why not? Sometimes it's nice to remember the faults you did so that you'll also remember the lessons you got from those mistakes. 1. Not being closer to God the soonest. Maka-Diyos na naman ako before, nag-pe-pray naman ako bago matulog. Pero filtered dati yong mga sinasabi ko sa Kaniya. Hindi tulad ngayon na napaka-transparent ko na sa Kaniya. Alam ko naman na kahit hindi ko sabihin sa Kaniya eh alam Niya yong laman ng puso ko. Pero ngayon sinasabi ko na lahat sa Kaniya simula sa pinaka walang kwentang concern ko hanggang sa pinaka-importanteng bagay. Siya yong nagsisilbing BFF ko. Kapag masaya ako o kaya malungkot sa Kaniya ko sinasabi yong dahilan. Lagi

Because What Does She Know....

Image
People don't tell her things She's always the last to know They assume she's not interested Because what does she know... She feels like a misfit She just wants to feel like she belonged She's tired of being not good enough Because what does she know.... Like a white crayon  Unimportant Dull Because what does she know... She might not know things But she's trying God knows she's trying  To be included  To be relevant To be involved But what does she know?

Sat With Ree: Ang Sarili Kong Mundo‎

Image
Bakit nga ba "Ang Sarili Kong Mundo" ang title nitong blog ko? Diba yayamanin lang ang datingan? May sariling mundo.  Noong bata pa ako hindi pa uso sa akin ang hiya-hiya. Madaldal ako nong bata. Ika nga nila "kahit hindi bilin, sinasabi ko." Ganern. Naalala ko nga siguro mga 5 or more years ago pumunta dito yong pinsan ko. Tapos medyo lasing na siya kaya mas madaldal na. Ikinwento niya kung paano ako kiligin dati sa crush ko (kasi kilala niya) at sinabi niya din na noong bata daw ako madaldal ako. Kaya anyare??? Maloko kasi ako nong kabataan ko. Hanggang ngayon naman, actually. Charing. ๐Ÿคญ Since sa isla pa kami nakatira noon so kokonti ang tao at halos lahat magkakakilala. Pare-parehas lang yong mga tao na nakakasalamuha ko kaya wala ng inhibitions on my part. Tsaka kapag bata ka pa naman hindi pa uso ang hiya-hiya. Kapag pinasayaw ka, sasayaw ka kahit na pinagtatawanan ka na ng ibang tao.  Tapos sa school kokonti lang kaming mga estudyante. Siguro mga 40 lang kami

Sat With Ree: Proud Ako Sa'yo

Image
Siguro naman ni minsan sa buhay mo eh naranasan mo nang ma-reject kahit papaano. Kung hindi pa....eh penge namang tip/s on "how to be you?" po. Ikaw na ang perfect.๐Ÿ˜Š There are certain things in this world that could hurt a person and one of them is rejection. Yong feeling na "You did your best but your best wasn't good enough." Mapapatanong ka na lang sa sarili mo na "saan ako nagkulang?" o "saan ako nagkamali?" Sino ba naman kasing matutuwa na tanggihan ka diba? Yong simpleng hi-5 nga kapag hindi ka inapiran pabalik eh ang sakit na. ๐Ÿ˜ I, myself experienced rejection countless times already. And "it really hurts" is an understatement. First rejection na naranasan ko eh nong hindi ako crush ng crush ko. Pero hindi yon masakit. Ang masakit ay yong marami nga akong damit pero lahat ay masikip. Char. ๐Ÿคญ Sige na nga....seryoso na. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong na-reject sa paghahanap ng trabaho. Hindi ko alam kung ano

‎Sat With Ree: Happy Mother's Day

Image
Hey. Happy Saturday. Here I am once again. Kumusta na ang life? Did you read my last blog?  Kung hindi pa ay bakit hindi mo pa binabasa? Char. ๐Ÿคญ Ang bilis ano? Mayo na kaagad. Sayang kasi walang Flores De Mayo. Iyon pa naman ang inaantay ng mga bata kasi may pa-kendi. ๐Ÿ˜Š Let us hope and pray that things will soon be back to normal.๐Ÿ™ Anyway....Mother's Day na bukas. Ano na? Nakabili ka na ba ng pang-regalo para kay Mama/Mommy/Inay/Nanay o kung ano mang tawag mo sa iyong mother. Yieeeeee. Sana all may gift. ๐Ÿ˜ Ano yong favorite bonding moment/s niyong mag-ina? O ano yong pinaka hindi mo malilimutang pangyayari kasama ang Mommy mo? Noong bata pa ako sa isla pa kami nakatira, (just read here kung saan ang isla na tinutukoy ko) madalas kami lang nong older brother ko at ang mother ang magkakasama sa bahay. Dahil yong mga kapatid ko na mas nakakatanda sa amin ay nag-aaral ng college tapos yong dalawa pa ay may kani-kaniya ng trabaho. Kaya madalas kasama ako ng mother kahit saan siya m

Sat With Ree: Mula Timog Patungong Hilaga

Image
Gaya nong blog ko about LANY na-delay din 'to ng mahabang panahon. This happened 4 years ago pa, February 8, 2017. Noong nakisama ako sa field trip nong dalawa kong pamangkin na elementary. Bale dalawa kami nong kapatid ko tapos yong mother nila, so bale tatlo kaming chaperone. Syempre sponsored by yong pagkakasama kong iyon. ๐Ÿ˜Š Di ko sure kung tama yong pagkakaalala ko sa call time pero ang tanda ko eh 2:00AM kasi alam mo naman Pinoy tayo tsaka sa Batangas pa kami manggagaling, from south going north. Since February siya so medyo may simoy Pasko pa plus sobrang aga plus aircon sa bus equals sobrang lamig. Tapos yong jacket ko pa naman eh pang porma lang at hindi nakakabawas ng lamig. Buti na lang talaga hindi ako nagkaroon ng hypothermia non. Char. ๐Ÿคญ Ang kasama sa itenerary ay San Guillermo Church at Duty Free sa Pampanga, Ocean Adeventure at Zoobic Safari sa Subic.  First na pinuntahan namin is San Gullermo Church. Since first time ko naman mapadpad sa Pampanga eh nalayuan ako