Sat With Ree: Hashtag "Tita"

‎Hey, hey, hey. Kumusta naman ang life? I hope that everything is going well with your life. Kung may pinagdadaanan ka man ngayon sa buhay eh sana eh maging malakas ka sa pagharap sa mga kinakaharap mo. (Puro na harap.) Sana ay mapalakas ka ng bawat pagsubok mo sa buhay. Ika nga ni Kelly Clarkson eh:

What doesn't kill you makes you stronger 

Stand a little taller 

Doesn't mean I'm lonely when I'm alone 

What doesn't kill you makes a fighter

Anyway...nabasa mo ba yong blog ko dati about sa uri ng mga mamimili sa sari-sari store? Kung nabasa mo yon alam mo na kung ano yong nakakapaglagay ng dugo ko sa "boiling point." One word. Say it and you can go to hell. Charing. Hashtag "Tita." Nakakainis diba kapag may tumatawag sa'yo na tita kahit na mas matanda pa sya sa'yo ng ilang dekada o minsan naman eh mas bata lang naman sa'yo ng mga five years. Maka-tita wagas. OA na kung OA pero nakakainis siya. Haha. Nakaka high-blood ho.

Me tindahan kasi kami tapos misan ako yong duty. 
Halimbawa may nabili: 
Sya: pabili po
Ako: ano?
Sya: Tita, pabili nga po ng............

*at doon ako nagsimulang magkaroon ng alta-presyon* 

Gusto ko na minsan gayahin si Joey De Leon at sagutin sila ng "PAMANGKIN BA KITA?!?" Yon ngang pinakamatanda kong pamangkin ang tawag sa 'kin "Ate." Naiintindihan ko naman na gumagalang sila. Pero sana naman ilagay naman nila sa lugar. I mean.....mukha lang po akong 90 years old pero 29 years old lang po talaga ako. Baka nga po kapag nagkapakitaan ng birth certificate eh mas matanda pa kayo sa lola ko. Pwede namang simplehan na lang at sabihing "pabili nga po ng ganito." Huwag na yong lalagyan pa ng "tita" o kaya ate o kaya nanay. Huwag nang mag-feeling close. Wala namang discount kapag feeling close. Tina-try ko naman minsan na pagtawanan na lang sya at hindi na seryosohin pero tuwing naririnig ko talaga na tinatawag akong "tita" umaabot talaga yong dugo ko sa outer space eh. Sorry ha. Mababaw ba? Nakakainis kasi talaga. Kaya ko namang tanggapin yong paggamit ng "po" at "opo" sa akin o kaya yong "ate" kahit hindi ko naman kapatid. Pero yong "tita"........talaga ba?!? Seryoso ka? Nakakasira siya ng mood, in fairness. Ang OA pero totoo. I mean......"Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too?" May damdamin din po akong nasasaktan.

Kung sa internet uso ang "think before you click" sana sa real life mauso din ang "think before you speak." Sana bago bumuka yong bibig at magsabi ng kung ano eh isipin muna kung ano ba ang magiging epekto nito sa taong pagsasabihan mo. Alam mo kung lahat ng tao nag-iisip muna bago magsalita for sure magiging mapayapa ang daigdig. Madaming relasyon ang maisasalba. Kaso hindi eh. Kadalasan sa mga tao basta na lang nagsasalita without even thinking how their words might affect the other person. Kung sa'yo joke lang yon eh hindi ka sure kung joke din ba iyon para sa kausap mo. Hindi porke't nakatawa sa'yo eh natutuwa siya sa mga sinabi mo. Hindi mo alam na once na natapos na kayong mag-usap eh tatakbo na siya sa isang lugar kung saan alam niyang walang nakakakita at don na lang siya iiyak. 
"The tongue has no bones, but it is strong enough to break a heart."
Minsan yong sinabi mo sa isang tao 20 years ago eh naaalala niya pa hanggang ngayon. People may look tough on the outside but you have no idea how the smallest or the simplest words could easily break their heart. Kaya let's be sensitive sa damdamin ng iba. Sensitive people didn't wish to be sensitive. Kahit nga sila sa sarili nila eh naiinis na din minsan kasi napaka-simpleng bagay pero iniiyakan nila. Pero hindi mo sila masisisi kasi wala naman silang kontrol sa emosyon nila. Kusa nila yong nararamdaman. Pero may kontrol tayo sa bawat salitang lumalabas sa bibig natin. Isipin natin kung yon bang salita natin eh "worth it" na lumabas sa bibig natin o mas mabuting manahimik na lang tayo. Hindi lahat ng naiisip natin eh kailangan nating i-voice out. Kapag sinabi mo sa isang tao na "ang sensitive mo naman. Maliit na bagay iiyakan mo." Lalo mo lang pinatunayan na napaka insensitive mo at masyado kang self-centered kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Wrong move ka don. 

Hindi lahat ng tao eh natutuwa sa mga sinasabi natin kasi hindi naman sa lahat ng oras eh nakakatuwa yong sinasabi natin. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh makabubuti yong sasabihin natin. Kaya sana ay isaalang-alang natin lagi ang damdamin ng iba. Hindi yong sarili lang natin ang iniisip natin.
“My pain may be the reason for somebody's laugh. But my laugh must never be the reason for somebody's pain.” 
Charles Chaplin

Kaya be careful sa pagtawag sa mga hindi mo kakilala ha. Hindi porke't mukhang matured eh tatawagin na kaagad Tita. Hindi ba pwedeng stress lang kaya mukha nang matanda? Char.πŸ€­πŸ˜‚πŸ˜Š Hashtag "Bawal Judgmental" 😏😁

So ayon....Sana happy ka today. Sana kung may hindi man okay sa buhay mo eh sana soon ay maging okay din ang lahat. Cry when you need to. Ilabas mo lang yan at bukas ay ngingiti na ulit ang langit.😊

Happy weekend. Don't forget to pray.


Ciao.

Comments

Popular posts from this blog

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour

Sat With Ree: Jab We'll Done

It's Our 8th