Sat With Ree: Naniniwala Ka Ba Na First Love Never Dies?

Hey. What's up? Ang bilis ng araw. Last day na ng February bukas. Since February pa naman magpapaka "love expert" muna ako. Kunwari lang naman. Pagbigyan niyo na. Last ko na 'to.....this year. Next year ko na uulitin. 

Ang tanong........... Naniniwala ka ba sa "first love never dies?" Ako? Oo. Bakit? Eh bakit ka ba nangingialam eh sa yon ang paniniwala ko eh. Naniniwala ako kasi wala lang. Basta naniniwala ako. Haha.

Seryoso na. 

Naniniwala ako na laging may space si first love sa puso ng may first love. (Ha? Ano daw?) Tipong kahit hindi nagtapos sa maganda yong relasyon nila eh hindi mawawala si first love sa puso. Hindi naman kasi nangangahulugan na porke first love eh siya yong kauna-unahang naka-relasyon. Hindi lahat ng nauna ay mahal o minahal. May iba nga na hindi niya naka-relasyon pero kino-consider niya na first love. Ang first love kasi siya yong unang tao na nagturo sa'yo kung paano ang umibig at paano magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya at mga kaibigan mo. Yong taong nakapagpasabi sa'yo ng "ganito pala ang umiibig." Ganern. Yong tao na unang nagpatibok ng puso mo. Ang taong handa kang gawin ang kahit ano makita mo lang siya kahit pa madulas ang daan o kahit pa benteng bundok yong kailangan mong akyatin at babain. Siya yong tao na gusto mo palaging makasama at inimagine mo na yong future mo kasama siya tipong hindi mo na ma-imagine yong buhay mo kapag wala siya. Higit sa lahat siya yong taong nagparamdam sa'yo na masakit pala ang umibig. Kasi diba kahit gaano kayo nagmamahalan hindi maiiwasan ang tampuhan sa isang relasyon. 

Ang saya siguro maging first love. Kasi ang first love kung hindi man maganda ang kahinatnan ng relasyon eh siya yong nag-set ng standard ng taong sunod niyang mamahalin. Ang swerte maging first love kasi kahit anong mangyari lagi kang andyan sa puso. Hindi naman nangangahulugan na porke hindi na mawala sa puso eh the same amount pa din yong pagmamahal kahit na may bago nang pag-ibig. Ibig-sabihin lang eh andiyan pa din yong care o concern. Kaya nga yong mag-ex hindi nagpapansinan minsan eh. Dalawa lang daw kasi yan. It's either hindi nila minahal yong isa't-isa o mahal pa din nila yong isa't-isa. So...alin ka don? Diba nga't may kasabihan na "friends can be lovers but lovers cannot be friends." Deep inside concern pa rin sila at ini-stalk pa din nila sa social media secretly yong mga ex nila lalo na kung siya si 'first love.' Uyyyyyyyy. Aminin. 

First love will always be unforgettable and memorable. Hindi man lahat pero halos lahat kasi ng "first time" mo pagdating sa usaping pag-ibig eh na-experience mo kasama siya. Palaging may magpapaalala sa'yo sa kaniya ng mga bagay-bagay kahit hindi na kayo magkasama. 

Ang swerte kung si first love, si true love, si last love at si destiny ay iisang tao lang. Iilan lang sa mundo ang nakakatagpo ng ganyang klase ng pagmamahal. Kumbaga all-in-one na. Grandslam eh. 

Pero kung ano man ang estado mo sa puso niya....first o last love ka man niya o siya sa'yo ang mahalaga eh hindi niyo na binabalikan pa ang nakaraan. Nakaraan na yan eh gustuhin niyo man baguhin eh hindi naman pwede. Mag-focus na lang kayo sa present. As long as nagmamahalan kayo eh who cares whether you're first, second, third or 100th love man yan. Kayo ngayon ang magkasama dahil pinili niyo ang isa't-isa. Hangga't ipinaparamdam niya sa'yo na mahal ka niya eh deadma na sa past. Hindi na importante kung pang-ilan ka kasi sa pag-ibig hindi naman required magbilang. Wag kang mag-alala kay first love malay mo ikaw na si destiny. Diba? Uyyyyyyyy....Ho-hopia na yan. 

So...Paano ba yan? See you again next week.


Ciao.😊

Comments

Popular posts from this blog

My Worst Job Interview Experience

Sat With Ree: Jab We'll Done

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour