Summer Escapade 2014


April 30-May 1,2014

This "short summer getaway" was supposed to be last April 11,2014 but due to the conflict of schedules it was moved and moved and moved to indefinite dates. Because we're just only four in the group and we don't want someone to be left behind we find the right date where we can all be complete. And last April 30-May 1, 2014 it pushed through. 

Night before this, akala ko hindi ako makakasama due to some personal reason na ayoko nang banggitin pa. Hanggang sa mga huling oras bago ako umalis undecided pa din. Akala ko talaga hindi na naman matutuloy. Ang tagal na kasing plano ito. Palipat-lipat ng date kasi nga hindi magkatugma-tugma ang schedule. Tapos heto na naman mauudlot na naman at ako pa ang magiging dahilan. Kaya naman hindi ako pumayag na hindi matuloy at ipinaglaban ko ang dapat ipaglaban. Chos. 

So ayon....natuloy din sa wakas.

A short getaway from reality. Sandaling nalimutan ang mga bagay-bagay. Sandaling nagpakasaya at nagpakalayo sa realidad.

This trip was far from what I expected. Akala ko kasi madami akong maitatawa. Akala ko walang tulugan at magdamag na bonding at swimming ang magaganap. Just like the old times kumbaga. Pero hindi pala. Pero ganon pa man, nag-enjoy ako. Masaya naman. Hindi masayang-masaya, masaya lang. Sabi nga nong nabasa ko, ganon daw dapat "hindi masayang-masaya dapat masaya lang para kapag nalungkot, malungkot lang hindi malungkot na malungkot." Tama nga naman. Sapat na yong sakto lang. Wag nang mag expect ng higit pa.

Hanggang sa pag-uwi iniisip ko pa din na hindi naman ako ganon nag-enjoy. Pero habang asa byahe na kami pauwi alam mo yong feeling na ayaw mo pa umuwi at ayaw mo pa bumalik sa realidad gusto mo na lang don sa dagat kasama sila. Yong feeling na nong nag-ba-bye na sila isa-isa parang ayaw mo mag-ba-bye kasi gusto mo pa sila makasama. Ang emosyonal lang nong moment. Char.

Oo, hindi ganon kasaya pero isang bagay ang na-realize ko....na-miss ko silang kasama. Na-miss ko ang mga kaibigan ko. Mga kapatid ko by heart. Nakakamiss yong bonding namin nong college pa lang kami. Sana laging college. Char.

Ayon. Summer getaway diba? So dapat masaya ang kwento ko. Pero ba't parang ang "emo" lang. LOL.

But seriously, to sum it all up yong feeling na hindi ganon kasaya pero kontento ka. Ganon ang pakiramdam.

'Til our next bonding girlfriends,Weh (Louella Rose Bacsa) , Overder (Sarah Jane Reyes) and Sf (Ailline Grace Dimaano. I will always and forever enjoy and treasure our bondings and get together. True enough that "a day spent with friends is always a day well spent."
 

Eto yong moment na nag-attempt kami magpa-picture habang nakahiga sa buhanginan habang katingkaran ng sikat ng araw. And obviously fail yong attempt namin. ๐Ÿ˜Š


My very first henna tattoo.

Tapos eto naman yong nag attempt din kami ng perfect jumpshot...pero obviously ulit,di na naman kami nagwagi sa aming plano. May naiwan.๐Ÿ˜‚
 Tapos eto naman yong nag attempt din kami ng perfect jumpshot...pero obviously ulit,di na naman kami nagwagi sa aming plano. May naiwan.๐Ÿ˜‚



Comments

Popular posts from this blog

My Worst Job Interview Experience

Sat With Ree: Jab We'll Done

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour