Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour
Tell me you're a 90's kid without telling me that you're a 90's kid.
So, I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love
Overseas, from coast to coast
To find a place I love the most
Where the fields are green
To see you once again
My love
Taas ang dalawang paa nong mga napakanta. Yieeeeeeee. If you know the song you definitely had an amazing childhood. Natatandaan ko nong bata pa ako nanghihiram pa kami ng VCD ng Westlife don sa tiyohin namin na kapitbahay lang namin. Ang laman ng VCD syempre music video ng Westlife. Tapos yong pinsan ko tili ng tili tuwing nanunuod lalo na kapag si Nicky yong pinapakita. Crush na crush niya kasi noon si Nicky. Tapos ang bet ko noon si Mark. Ang kukulit kasi nila don sa mga music videos nila. Tapos kapag Saturday sa Channel 5 (hindi ko alam kung anong name nong channel basta Channel 5 siya sa amin) music video yong mga pinapalabas. Kasama don yong 'Bop Bop Baby' kasi yon yong latest song nila that time. Ang labo-labo pa ng channel na iyon pero pinagtyatyagaan namin na panuodin. Sa Talahib pa kasi kami non tapos antena yong gamit na kapag humahangin nawawala yong channel at sound na lang yong natitira. Kapag sobrang lakas ng hangin nawawala na ng tuloyan. Asa tabing dagat pa naman yong bahay namin. May poster pa dati sa amin ng Westlife. Ang babagets pa nila doon. Sobrang ku-kyot. π
Favorite song ko nila noon yong 'I Lay My Love On You.' Naaliw kasi ako don sa music video at tsaka maganda din naman yong kanta. Gusto ko din yong 'What Makes A Man.' Ito pa ang isang kwento...diba dati usong cellphone yong 3310. Tapos doon pwedeng mag-compose nong gusto mong gawing ringtone. Yong pinsan ko may ringtone na 'Obvious.' Favorite niya kasi. Isang beses magkakasama kaming tatlong magpipinsan tapos hawak-hawak niya yong cellphone niya. Ako tsaka yong isa kong pinsan may itinuro don sa isa naming pinsan na gawin don sa ringtone niya. Kapag ginawa niya yon mabubura yong ringtone pero hindi niya yon alam. Kaming dalawa lang nong isa kong pinsan yong may alam. (Sorry na...bully talaga ako nong bata.) Ayon na nga...ginawa niya yong ipinagawa namin tapos nabura na nga yong ringtone. Tawang-tawa kami nong isa kong pinsan samantalang yong isa galit na galit sa amin. Parang umiyak pa nga siya noon.
Ilan lang yon sa mga kwentong Westlife ko noong kabataan ko. Then we grew up and life happens.....
Fast forward to 2019. Nakita ko sa fb na may concert tour ang Westlife for their 20th anniversary. At kasama ang Pilipinas sa tour nila. Gusto ko silang panuodin kasi bago ko naman nagustohan yong ibang banda sila yong nauna sa puso ko. Sila yong una kong minahal. Char. Pero totoo. π Si Mark Feehily na ata ang kauna-unahan kong naging crush sa buong buhay ko.
Hindi naman ako naging updated sa buhay nila kahit na uso na ang social media. Kasi diba nag lie low naman sila. Tapos may isa na tuloyan nang humiwalay ng landas. Kaya natuwa ako nong malaman ko na magsasama-sama ulit silang apat at pupunta sila dito sa Pilipinas. Na-excite ako is an understatement.
Eto na naman tayo sa pahirapan ng pagbili ng ticket. Sa Araneta Coliseum kasi yong concert nila kaya sa Maynila pa yong bilihan ng ticket. Hindi pa ako aware noon sa online payment. Pumunta kami noon ng Malabon kaya medyo humopia ako na baka naman pwedeng makadaan sa Araneta at makabili ng ticket. Unfortunately, cannot be borrowed 1 from 2. π Eventually, na-sold-out na yong ticket after 2 days lang ata since nag-start yong ticket selling. At gumuho na naman ang mundo ni Reeheena. Pero medyo humopia naman ako na magkaka second show kasi madaling na-sold-out yong ticket so malamang madami pa din ang hindi nakaabot. Gusto kong panuodin sila kasi kung hindi ko sila mapapanuod noon baka matagalan na ulit bago sila bumalik ng Pilipinas. Kaya kailangan ko nang i-grab yong "chance of a lifetime." π Fortunately, may second show nga.
Binalak ko talaga noon na lumuwas para lang makabili ng ticket. Ganoon ako kadesidido na panuodin sila. Then I learned about online payment. Nag-message pa ako doon sa website at sinigurado ko kung pwede ba talagang gamitin yong card nong kapatid ko. Buti naman at nag-respond sila at pwede naman daw. Kaya medyo nabuhayan ako ng loob. Umuwi kami noon sa Talahib kasi sa amin dadalhin yong Station of the Cross. Kaya kinabahan din ako na baka hindi ako makabili ng ticket kasi data lang yong gagamitin ko. Medyo alanganin pa din. Niloadan ko parehas yong sim ko (magkaibang network) para sure. Sabi ko bahala na kung alin doon ang mas mabilis. 10AM yong start nong ticket selling pero wala pang 10AM nasa website na ako at nag-aabang na. Refresh refresh na lang. At sa tulong ni Lord ang imposible ay naging posible. Nakabili ako ng ticket. Yahoooo. π "Buti na lang Smart ako." π
Nakakatuwa kasi yong lugar kung saan ko sila unang napanuod doon din ako nakabili ng ticket—sa Talahib. Iba yong sayang hatid. Ito pa ang isang nakakatuwa...diba dapat pang second night yong mapapanuod namin? Ang nangyari yong first night yong na-adjust tapos yong pang second night dapat yong naging first night. Cue music:
Pero teka nga munaAno ngang pelikula
July 29, 2019. Eto na...Makikita ko na sina Mark, Nicky, Shane at Kian na hindi na kailangan pang manghiram ng VCD at hindi na din magtitiyaga sa malabong TV na kapag humahangin ay nawawala ng tuloyan ang palabas.
Nakaalis yong bus sa terminal almost 4PM na. 8PM pa naman yong concert pero kasi Gen Ad lang yong na-afford namin na ticket kaya kailangan maaga kami para naman kahit paano maganda pa din yong pwesto. Hanggang sa na-traffic na nga kami kasi inabutan na ng rush hour. Tapos maulan pa noon pero buti nong bumaba kami ng bus ambon na lang. Ang layo pa noong binabaan namin kasi doon daw yong tamang bus stop (pero dati naman hindi). Kaya ang layo ng nilakad namin lalo tuloy na-late. Pagkadating namin don hala... CR pa lang pila na. Lalo na sa bilihan ng pagkain. Syempre hindi pa kami nag-di-dinner non kaya bumili muna kami ng pantawid-gutom. Ayon na nga...full-house na don sa Gen Ad section. Kaya sabi ko pag-iipunan ko yong next concert nila at gusto ko mas malapit na ako at kahit ma-late ay secure na ang pwesto. π
After siguro almost an hour finally........nagdilim na ang Araneta Coliseum. Magsisimula na ang concert. Yahoooo. The four of them were singing a few lines from their song 'Swear It Again' but on the screen. Hindi pa sila lumalabas.
After that medyo nagdilim ulit and finally....totoo na. Hello, my loves, na talaga. Hindi naman obvious sa boses ko kung gaano ako ka-excited at kasaya.
Ang saya.....eto na ang Westlife. Live na live. In the flesh.
After 'Hello My Love' itinuloy na nilang kantahin at live na live na talaga ang 'Swear It Again.' Syempre dagundong na naman ang Araneta. Sino ba namang hindi nakakaalam ng kantang yon? Ang saya makikanta kasi feel na feel kong makipag-duet (???) sa kanila. π Kahit ilang taon ko nang hindi nadidinig yong kanta nong kinanta ulit nila nong mga oras na yon at nadinig ko ulit nakasabay ako and surprisingly memorize ko pa pala yong lyrics nong kanta. Tapos dati hindi naman ako after the lyrics. Basta kapag nagandahan ako sa tunog maganda na para sa akin yong kanta. Pero habang nakikisabay ako sa pagkanta nila noong mga oras na iyon doon ko lang na realize na "ahhhhh......ganon pala ang meaning nong kanta." Ang pinaka favorite video ko na nakuha nong gabing yon eh yong pagkanta ni Mark ng "And the more that I'm sure" tapos sinagot ko ng "I want you forever and ever more." Gusto ko nga siyang gawing ringtone kaso wala namang tumatawag sa akin. π
Diba't feel na feel ko yong kanta? π
Tapos change costume sila at next na kinanta nila ang 'What About Now.' Noong mga oras na yon hindi ko alam yong lyrics nong kanta kaya na out of place tuloy ako habang yong audience kantang-kanta. Kaya naman after the concert dinownload ko yong mp3 ng 'What About Now.' At ngayon isa na siya sa mga favorite songs ko.
What if you're making me all that I was meant to be?
What if our love never went away?
What if it's lost behind words we could never find?
Baby, before it's too late
What about now?
After that chika muna si Shane sa audience. Habang si Nicky at si Kian ang pinapanuod ko kasi nag chichikahan sila don sa tabi at ang sarap lang nilang panuodin kasi ang saya nilang dalawa. Curious ako kung anong pinagchichikahan nila.π
At eto na ang napaka classic na 'My Love.' Ang theme song ng childhood ko. Char. Kidding aside......hindi ka 90's kid kung hindi mo alam o hindi mo naging favorite ni minsan sa buhay mo o kung hindi ka na-in-love sa kantang 'My Love.' Yong tipong kahit sa panaginip ay kaya mong kantahin kasi yong lyrics memorize na memorize mo. Ang saya lang pakinggan at mapanuod ng live. Ang nostalgic nong feeling. Kasi dati sa radyo ko lang nadidinig tapos ngayon....eto na sila kumakanta sa harapan ko. Nakakaiyak. π Pero seryoso. Ibang klase yong saya. It brought me back some memories from my childhood. Ang saya mag reminisce habang nakikisabay sa pagkanta.
Malikot yong video kasi nag su-sway yong kamay ko habang kumakanta. Feel na feel nga diba? π
Eto yong pinakamasayang part. Nong kinanta na nila ang 'When You're Looking Like That.' Yong tipong wala na nga sa ayos yong mga video na nakuha ko lalo na nong kinanta pa nila ang 'When You're Looking Like That' kasi mega jump jump ako. As in. Panuodin mo na lang 'tong video sa baba at ikaw na ang bahalang humusga. Wala talaga siyang sound kasi inalis ko dahil nakakahiya yong boses ko para akong nagwawala. π Isa kasi yon sa mga favorite kong kanta nila. Especially yong part na
I can't believe what I just gave away
Now I can't take it back
I don't wanna get lost
I don't wanna live my life without you
After that 'Uptown Girl' naman. Dito na nila ipinakita ang "dancing prowess" nilang apat. Ang cute nila habang nagsasayaw aliw na aliw ako. Noong bata pa ako Grade IV ata ako non, yong lyrics nong 'Uptown Girl' nakasulat don sa likod ng notebook ko. Tapos favorite ko din yong music video lalo na yong part na huminto ng slight kasi nag grand entrance na si "Uptown Girl" habang silang lima eh mapapasukan ng langaw ang bibig. π
Tapos si Mark naman yong chumika. Ang saklap lang kasi sobrang layo ko hindi ko tuloy siya makita ng maayos. Buti na lang maayos yong sound kaya napakalinaw nong accent niya.
(Galit na galit sa walang ilaw.π)
After chika with Mark they sang 'Day after Day.' LOL. They sang 'If I Let You Go.' Syempre feel na feel ko na naman yong pagkanta especially yong part na
And once again I'm thinking about
Taking the easy way out
But if I let you go I will never know
What my life would be holding you close to me
Will I ever see you smiling back at me?
Then si Nicky naman yong chumika. Ang saya na naglaan talaga sila ng time para chumika. At bawat isa sa kanila ay binigyan ng chance na magsalita at i-share yong naging experience nila nong bumisita sila dati dito sa Pinas.
Eto naman yong pinaka nakakainggit na part. Noong kinanta na nila ang 'Better Man' pumili sila ng ilan sa audience para isama nila sa stage. Lima ata yong napili nila. Yong may mga hawak na banner na natuwa sila sa message ang napili nila. Nakakainggit. Sana all. (Pero hindi pa noon uso yong term na "sana all" kaya hindi ko siya nasabi). Tapos yong mga napili nila hinarana nila don sa stage. Pero mas nakakainggit yong nong second night kasi isang babae lang yong napili nila. Solong-solo ni ate girl yong apat. Kainis. Bukod siyang pinagpala sa babaeng lahat. ππ Lalo na si ate girl na katabi ni Mark dito sa picture at si ate girl na feel na feel yong pag-akbay kay Kian. Kung ako yon hindi ako magpapalit ng damit ng isang taon at hindi din ako maliligo.π
Photo credits to the owner. |
Tapos nawala sila saglit. Pagbalik nila kinanta nila yong ilan sa mga naging greatest hits ng Queen. Naaliw ako ng sobra don kahit hindi ko alam yong ibang kanta napakahusay kasi nilang apat.
Well alam ko naman na mahusay talaga silang kumanta. Pero yong performance nila ng mga kanta ng Queen ibang klase.
Lahat sila may kani-kaniyang moment at ipinakita yong husay nila. Total performance talaga birit kung birit, sayaw kung sayaw. They really went out of their comfort zone. πππ
After their very impressive performance of Queen medley their next song was 'I Have A Dream.' Pagkatapos non medyo pahinga muna sa biritan at chill muna. Parang nagpahinga muna sila kasi nakakapagod naman talaga ang mag-concert. (Wow. Kala mo naman nakapag-concert na ako.π)
Pagkatapos nilang magpahinga ng saglit may energy na ulit silang sumayaw. Next song nila was 'Dynamite' which is one of their latest songs. Tapos 'You Raise Me Up.'
Photo credits to the owner. |
Nagpaalam na sila before sila kumanta ng 'You Raise Me Up' kasi yon na daw yong last song nila. Sobrang magical nong moment na kinanta nila yong 'You Raise Me Up' kasi pina-open nila yong flashlights nong phone namin kaya nakakaaliw pagmasdan at panuorin yong "sea of lights." Nakaka-senti yong kanta.
Nakakaiyak din at the same time kasi bukod don sa kanta eh nag-ba-bye na nga sila. So....yong feeling na "is this goodbye?" Tapos ayon nga. Natapos na. Umalis na sila. Nagdilim na yong paligid but we were still cheering for more.
Pero akala ko talaga doon na natapos yong concert kasi nga nagpaalam na sila. Tapos nagsisigawan pa nga yong iba kaya nakisigaw na din ako. Muntikan na nga kaming umalis. Maya-maya biglang nagliwanag na ulit. Hindi pa pala tapos. Babalik pa pala sila nagbihis lang. Kaya tuwang-tuwa ako nong bumalik sila. Nakakaiyak. OA pero seryoso. I mean......thank you kasi hindi pa tapos ang maliligayang oras ko.
Pagbalik nila kinanta nila ang 'Flying Without Wings.' Puting-puti yong suot nila. Tapos parang may something pa don sa shoes ni Mark kasi parang hindi siya makagalaw ng ayos nong kinanta na nila ang 'World Of Our Own.' (Sa layo kong iyon nakita ko yon. I swear. π) Pero yong boses niya naman talaga namang...lalo ko siyang hinangaan. ❤π
Photo credits to the owner. |
Finale song nila yong 'World Of Our Own.' Nakakalungkot. Totoo na pala talaga nong sinabi nila na yon na yong last song nila.
Pero medyo humopia ako na baka nag-jo-joke lang ulit sila at magbibihis lang pala ulit tapos babalik ulit. Pero totoo na talaga. Hindi na sila bumalik. Unti-unti nang nag-aalisan yong mga nanuod. Ayaw ko pa nga noon umalis kahit na nag-aalisan na yong iba kasi baka bumalik ulit ang Westlife. Hanggang sa habang naglalakad na kami palabas nong venue humohopia pa din ako. Sabi ko sana alas-otso pa lang ulit para mag-e-start pa lang ulit yong concert.π
Photo credits to the owner. |
Photo credits to the owner. |
The best part nong biyahe na kaming pauwi after nong concert nag-play sa radyo yong kanta na 'I Could Not Ask For More' ni Edwin McCain. Yong habang seryoso kong inaalala yong mga pangyayari nong concert tapos nag-play yong lyrics na
Diba't ang perfect nong lyrics? Kung may kanta siguro na mag-de-describe don sa concert nilang yon, iyon na yon. Sorry na...alam kong dapat kanta ng Westlife. Pero kasi.....yong lyrics swak na swak don sa feeling ko that night. Pero yong title hindi masyado....because it might seem ambitious to hear but I still want to ask for "more." I don't want it to be my first and last Westlife concert experience. Iba yong contentment at saya na naramdaman ko during their concert but I still want to watch them perform live again and again and again and again and again and again and again and again and again and again and again and again and again...❤
They gave me something that is worth remembering for the rest of my life. A memory that I will always cherish and I'll always look back with amazement. Hello? Westlife kaya yon. Yong tipong "wow, napanuod ko ang Weslife ng live samantalang dati pinapanuod ko lang sila sa TV."
Iba pa rin talaga ang Westlife. Westlife will always be the first band that I loved and they will forever be in my heart. π
As the stars sparkle down, like a diamond ring
I'll treasure this moment, till we meet again
But no matter how far, away you may be
I'll just close my eyes, and your in my dreams
And there you will be, until we will meet
I'll always look back as I walk away
This memory will last for eternity
Ciao.π
Comments
Post a Comment