‎Sat With Ree: A Day In My Life

July na!!! Ang bilis ng panahon. Nagpaparamdam na naman si Mr. Chan. Sumisilip na siya at anytime ay handa nang kumanta ng: 

"Whenever I see girls and boys 

Selling lanterns on the streets 

I remember the child 

In the manger as he sleeps" 

Christmas feels na naman. Ang bilis talaga ng panahon ano?

Pero bago ang lahat luma ang iba (waley)😊....nong isang araw nag-open ako nong old Tumlr account ko at nakita ko na July 27, 2013 pala yong first blog ko dito. Kaya feeling ko kailangan ko magpa cheeseburger sa July 27 kasi.....8 years na tayo!!! Yeheyyyyyy!

Bilang July is my anniversary here (pala) so might as well share something about me na konti pa lang ang nakakaalam. Ikaw pa lang. Sa'yo ko lang ito ishe-share ha kaya huwag mong ipagkakalat. Okay?

Madalas sa mga vlog 'to ginagawa pero dahil blog ang ginagawa ko at hindi vlog kaya sa halip na mapanuod mo 'to ay mababasa mo. This is about my 'daily routine.' Huwag ka masyado mag-expect kasi wala namang interesting na nangyayari sa everyday life ko. Gusto ko lang talagang mag bida-bida. Ganern. 😊

Technically, a day starts at 12:00 AM kaya doon ko din uumpisahan yong araw ko. Between 12:00 - 2:00AM is my 'normal' sleeping schedule. Yong mga kasama ko dito sa kwarto malayo na ang narating ako nagpapagasolina pa lang. Nagsimula yong pagpupuyat 'habit' ko nong college ako kasi noon nauso ang facebook. Tapos may farmville, kaya bago matulog mag-ha-harvest muna kasi kapag kinabukasan pa malalanta na ang mga pananim, sayang naman. At tsaka kapag college kasi hindi ka estudyante kapag hindi ka puyat. Aminin mo? Kaya ang ending hikab ng hikab sa klase. Lalo na kapag 7:00AM yong first period. Nakakahiya tuloy don sa prof. Ngayon ko lang na-realize na medyo rude pala ako noon sa mga naging prof ko. Kasi habang nagkaklase sila hikab ako ng hikab kaya nakaka-offend tuloy sa kanila kasi baka naisip nila na boring yong klase nila. Sorry na po, Ma'am at Sir. Ngayon ko na lang pinagsisisihan yong mga panahon na nagpuyat ako noong college kung saan may panahon pa sana na madagdagan yong height ko. 

Nag-try naman ako dati matulog ng maaga pero hindi ko napanindigan or more like ayaw kong panindigan. Ewan ko ba. May mga gabi kasi na masarap magpuyat. Yong ayaw ko pang matulog kasi ayaw ko pang mag-umaga tsaka gusto ko pang namnamin yong katahimikan. Pero in fairness naman hirap talaga akong matulog. Kahit gaano ko pa kagustong matulog minsan hindi talaga ako makatulog. Lalo na kapag nakakainom ako ng caffeinated drinks—soda, coffee and tea. Pero dahil pasaway ako kahit alam ko na yong effect sa akin ng ganoong inumin hindi ko mapigilan ang sarili ko na uminom. Ang sarap kaya. Try mo! 😁 Tapos magtataka ako sa gabi kung bakit hindi na naman ako makatulog. 

Magigising ako ng mga 7:30AM tapos pipilitin ko ulit na matulog kasi ayaw ko pang bumangon. Maglalagay ako ng headset at mag-pe-play ng music tapos makakatulog na ulit ako. Tapos magigising ako mga 9:30 pero hindi pa din ako babangon at aantayin ko muna ang 9:45 or 10:00. Yon namang gising ko na yon kinabukasan na ulit ako matutulog. Hindi na ako nag-te-take ng 'afternoon nap.'

Pagkagising syempre mag-te-thank you kay Lord. Pagkatapos magtitiklop ng kumot, magsusuklay, magkakape, mag-to-toothbrush. Nabasa ko sa internet na masama daw sa teeth yong after na magkape eh mag-to-toothbrush kaagad. Mabilis daw rurupok yong ngipin. Pero ginagawa ko pa din. Pasaway nga diba? After kong mag-toothbrush maghihilamos na tapos magsusuklay ulit tapos du-duty na sa tindahan. Detailed talaga???😊

Habang naka-duty nag-ce-cellphone syempre. Nag-install ako ng Bible app sa phone ko para naman kahit papaano maging mabait ako. Char. Bafore mag social media nagbabasa muna ako ng Bible. Maganda siyang way to start my day kasi nagiging positive yong approach ko sa  pagharap sa bagong araw. May mga times na yong daily verse was exactly what I needed to hear that day. Kaya nakakatuwa. Nagsimula lang ako magbasa nong Holy Week kaya medyo fresh pa. Sana mapanindigan ko araw-araw.

Tapos lunch time na. Minsan nga kakaalmusal ko lang tapos  kumurap lang ako ng tatlo biglang kakain naman ng lunch. Minsan kakain ako ng breakfast na medyo heavy tapos wala pa akong nagagawa at hindi pa nada-digest yong kinain ko nong breakfast mag-la-lunch naman. Kasi diba nga yong breakfast ko mga past 10 na tapos most of the time before 12 nag-la-lunch na kami. Tapos maya-maya kakain naman ng miryenda. Diba't baboy life? Habang nanunod ng TV (Eat Bulaga) eh naka duty pa rin sa tindahan. Natatapos yong duty ko usually before 6:00 pm kapag naman busy sila at wala pang reliever minsan lagpas 6:00pm na. 

Tsaka pa lang ako maliligo. Tapos mag-e-fb ng saglit tapos mag-do-doodles/journal na. Kung anu-anong matripan na isulat o i-drawing. Tapos maya-maya mag-di-dinner tapos balik na ulit sa pag-do-drawing or pagsusulat. Ito yong nagsisilbing relaxation ko. Habang nagsusulat nakikinig ng music. Nakaka relax siya ng body and mind. 😊 Tapos maya-maya tatawag na ang mother para naman mag pray ng rosary. After that hihiga na para matulog. Pero syempre hindi pa ako matutulog. Manunuod muna ako ng kung ano. Minsan TV series yong pinapanuod ko. Pero ngayon kasi nag-aabang pa ako ng bagong season ulit ng Riverdale, This Is Us tsaka kung may next seaon pa ang Lucifer. Habang nag-aantay ako sa next episodes nadiscover ko ang youtube. Late reaction lang sa youtube diba? Hindi ko kasi talaga hilig mag-youtube dati. Tapos recently hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa youtube nong mga panahon na iyon. Tapos nakita ko yong vlog ni Ms. Candy Pangilinan na ginugupitan nina Carmina, Gelli at Janice yong anak ni Candy na si Quentin. Ayon, naaliw ako. Kaya simula non part na siya ng evening routine ko before matulog— ang manuod ng vlog ni Ms. Candy tsaka ni Quentin. Nakakaaliw kasi. Sila yong nagpapatawa sa akin before ako matulog.

After ko manuod ng vlogs nila konting browse ulit sa social media. Tapos bago ako matulog nagbabasa ulit muna ako ng Bible. Para naman magkaroon ako ng mapayapang tulog. 

After that mag-aacrobatics muna ako bago tuloyang makatulog. Nakakailang change position muna kasi ako bago mahanap yong pinaka komportableng posisyon na makakatulog ako. Maiisip ko muna yong mga taong hindi ko naman dapat isipin bago ako makatulog. Yong mga taong bigla na lang papasok sa utak ko. Gaya na lang nong mga naging classmate ko nong elementary, o kaya yong kapitbahay namin dati, o kaya yong kapitbahay nong kapitbahay namin dati, o kaya yong kapitbahay nong kapitbahay nong kapitbahay namin dati, o yong kapitbahay nong kapitbahay nong kapitbahay nong kapitbahay namin dati. Mga ganoong bagay kasi nga hindi kaagad ako makatulog. Kaya tuloy kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Good news is hindi ko pa naman nagagawang magbilang ng tupa o kaya ng mga bituin sa langit. Kasi parehas namang wala akong nakikitang ganoon bago ako matulog. Pero kung meron malamang nagawa ko na din. 

My most favorite part of the day is syempre yong matutulog na ako. Yong tahimik na yong kapaligiran tapos ako na lang yong gising. Napaka payapa ng mundo sa mga ganoong oras. Yong utak ko lang yong magulo at maingay. Kadalasan kapag mga ganoong oras na-iimagine ko na nasa Talahib ako. Tapos ang nadidinig ko lang eh yong tunog ng alon na humahampas sa mga bato. Tapos mga kuliglig. Tapos maya-maya bigla na lang may madidinig ka na "tuko," "tuko." haha. Nakakamis yong ganoong life. Hindi mo alam yong tuko ano? Rich kid ka kasi. LOL. Sa mga liblib na lugar lang merong ganoon. Char. 

Favorite part ko din yong pagligo. Taking a bath is my biggest trap. Sa umpisa ayaw kong maligo kasi nakakatamad, tinatamad akong magkuskos. Ganern. 😁 Pero kapag andon na ako sa loob ng banyo ayaw ko nang lumabas kasi ang sarap magbuhos ng magbuhos ng magbuhos. Oo wala kaming shower. 😊 Pero in fairness talaga mas masarap yong buhos ka lang ng buhos ng buhos kesa don sa shower. Mas feel na feel yong pagligo. Minsan habang naliligo ako don ako nag-mo-moment. Iiyak ako ng malala tapos lalabas ng CR na parang walang nangyari. Baliw lang. Ganern. Tapos don din ako nag-iisip ng mga topic na isusulat ko dito. Actually isa sa pinaka favorite part ko ng bahay namin ang CR. 😁

At doon umiikot ang isang araw sa buhay ni Reeheena. Medyo sabaw ang update ko. Babawi na lang ako next week. Kapag okay na yong lagay nong puso at isip ko. Ngayon kasi medyo mabigat pa at wala sa ayos kasi naman bigla-bigla na lang nawala yong tiyahin ko—kapatid siya ng mother. So medyo affected much ako sa mga pangyayari. Dati kasi magkapitbahay kami sa Talahib. Tapos kalaro ko yong mga nakababata niyang anak (syempre pinsan ko). Tapos lumipat na kami sa Batangas tapos sila naman sa Malabon kaya bihira na lang magkita. Kaya natutuwa ako kapag nagkikita kami kasi minsan na lang mangyari. Last time na andito sila magkatulong pa kami sa pagpupunas nong mga plato at kubyertos. Birthday kasi yon ng mother. Tapos ayaw niya pa sana nong umuwi kaso wala na siyang nagawa. Kaya pala ayaw pa niya kasi last na pala yon na pagpunta niya dito. Mamimis ko yong mga kwento niya tsaka yong halakhak niya. Mamimis ko yong lagi niyang "pasalubong" sa akin tuwing magkikita kami. Mamimis ko siya. Napakabilis ng mga ganap. Tapos hindi pa namin siya mapupuntahan kasi nga pandemic. Andon sila sa Malabon. Ang risky para sa mother na senior citizen. Nakakalungkot at nakakabigla. But I know she's in a good place right now. 

So ayon......that's it for tonight. See you again next week.



Ciao.😊

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl