Posts

Showing posts from July, 2021

Sat With Ree: Westlife The Twenty Tour

Image
Tell me you're a 90's kid without telling me that you're a 90's kid.  So, I say a little prayer  And hope my dreams will take me there  Where the skies are blue  To see you once again, my love  Overseas, from coast to coast  To find a place I love the most  Where the fields are green  To see you once again  My love Taas ang dalawang paa nong mga napakanta. Yieeeeeeee. If you know the song you definitely had an amazing childhood. Natatandaan ko nong bata pa ako nanghihiram pa kami ng VCD ng Westlife don sa tiyohin namin na kapitbahay lang namin. Ang laman ng VCD syempre music video ng Westlife. Tapos yong pinsan ko tili ng tili tuwing nanunuod lalo na kapag si Nicky yong pinapakita. Crush na crush niya kasi noon si Nicky. Tapos ang bet ko noon si Mark. Ang kukulit kasi nila don sa mga music videos nila. Tapos kapag Saturday sa Channel 5 (hindi ko alam kung anong name nong channel basta Channel 5 siya sa amin) music video yong mga pinapalabas. ...

It's Our 8th

Image
Happy 8th Anniversary to us, blogspot. At sa'yo na palaging nagbabasa ng mga blogs ko, maraming maraming salamat sa paglalaan ng oras. Sana andiyan ka pa rin next anniversary natin at sa susunod pang anniversary at sa madami pang anniversary na icecelebrate natin dito sa blogspot.  Maybe you're wondrin' paano nga ba nagsimula ang pagsusulat ko dito? If you're a "legit" reader of my blogs especially the old ones you probably have an idea on how I struggled with finding a job. Kaya madami akong time mag-browse ng internet at madami akong time magbasa. Gustong-gusto ko noon na magbasa ng mga articles or mga inspiring stories. Everytime I read a well-written story especially the ones written in pure english I am always impressed with the writer. Doon nagsimula yong pangarap ko na maging isang magaling na manunulat. Gusto ko rin maging katulad nila. That time gusto ko rin magsulat at may mainspire ako sa mga sinulat ko. That time I was following a lifestyle blogger...

‎Sat With Ree: LANY Malibu Nights World Tour

Image
Pre-pandemic ano yong isang bagay na miss mo na gawin? Ako? Isa sa pinaka namimiss ko na gawin bago mag pandemic bukod sa i-date yong sarili ko eh ang panunuod ng concert. Kasi parang nagsisimula pa lang akong ma-hook sa panunuod ng mga concert tapos biglang naputol kaagad. Bakit? Ayon na nga....Last July 23, 2019 I had the chance to watch LANY live in concert for the second time. And as a promise to myself I want to be closer this time. You might want to read about my first LANY concert experience. Just like their concert in 2018 I once again had a hard time scoring a ticket. Dati nahirapan ako makabili ng ticket kasi malayo yong bilihan. But this time nahirapan ako kasi inunder-estimate ko yong popularity nila. Sorry na. Malay ko ba. 😔 First day nong ticket selling nila hindi pa ako ganon kapursigido na makabili. Sabi ko hindi pa naman siguro kaagad mauubos. But when I checked my Twitter nagulat ako. Ang sabi almost sold-out na daw yong ticket eh ang aga pa noon. Siguro after ilang ...

Sat With Ree: Ako Lang 'To

Image
Hello, everyone. Kumusta naman na nangangalahati na naman ang Hulyo?  Siguro naman minsan sa buhay mo naranasan mo nang magsagot ng questionaire o mag-fill-up ng form? Hashtag: buhay estudyante. How about slam book? Ni minsan ba sa buhay mo nagawa mo nang magsagot ng slam book? Teka lang........alam mo ba kung ano yong slam book? Kung alam mo kung ano yon ibig sabihin non panahon na para lumagay ka sa tahimik kasi matanda ka na. Char. Only 90's kids can relate to this. Diba noong nasa elementary tayo o don sa iba high school usung-uso yong slam book. Gustung-gusto ko gumawa at magsagot noon ng slam book. Kapag may bakanteng notebook doon ko isusulat. Doon siguro nagsimula yong hobby ko na pag-jo-journal. Inggit na inggit ako sa mga classmate ko na may sadyang slam book. Kasi diba may nabibili naman na slam book talaga. Yong sa akin kasi ginawa ko lang sa isang notebook na hindi ko na ginagamit tapos yong mga tanong kinopya ko lang sa kaklase ko. Masaya na ako sa ganon. Pero mga tat...

Sat With Ree: 20 Bible Verses That Inspire Me To Do Good And To Feel Good

Image
Ecclesiastes 3:1 This Bible verse is one of my favorites. It says that there is always the right time for everything—His own perfect time. We all have our own different timeline. We sometimes feel left-out because someone we know has already accomplished great things and yet we are stuck at where we are. But that should not discourage us to pursue our dreams or lose hope. Who knows tomorrow might be the day when our dreams will finally come true. There is really a perfect time for everything. And that enough should keep us going and look forward to another day. God's timing is everything.  Hebrews 11:1 There are really times when we feel hopeless because God doesn't answer our prayer yet. But we should always have faith in Him and trust Him wholeheartedly. He will never fail us. All we need to do is wait for His perfect time because He knows what He is doing. Having faith means that we know everything will work out in the end even though it is stormy now we have confidence that...

‎Sat With Ree: A Day In My Life

Image
July na!!! Ang bilis ng panahon. Nagpaparamdam na naman si Mr. Chan. Sumisilip na siya at anytime ay handa nang kumanta ng:  "Whenever I see girls and boys  Selling lanterns on the streets  I remember the child  In the manger as he sleeps"  Christmas feels na naman. Ang bilis talaga ng panahon ano? Pero bago ang lahat luma ang iba (waley)😊....nong isang araw nag-open ako nong old Tumlr account ko at nakita ko na July 27, 2013 pala yong first blog ko dito. Kaya feeling ko kailangan ko magpa cheeseburger sa July 27 kasi.....8 years na tayo!!! Yeheyyyyyy! Bilang July is my anniversary here (pala) so might as well share something about me na konti pa lang ang nakakaalam. Ikaw pa lang. Sa'yo ko lang ito ishe-share ha kaya huwag mong ipagkakalat. Okay? Madalas sa mga vlog 'to ginagawa pero dahil blog ang ginagawa ko at hindi vlog kaya sa halip na mapanuod mo 'to ay mababasa mo. This is about my 'daily routine.' Huwag ka masyado mag-expect kasi wala namang inter...