"Pabili"
"Customer is always right."
-Yan ang sabi nila.
Eto naman ang sabi ko:
Siguro may mga pagkakataon na tama naman sila, pero hindi palagi. Minsan hindi maiiwasan na may pagkakataon na nakakairita na sila without even trying. Hindi naman lahat ng customer ay nakakairita, pero hindi talaga matatapos ang isang araw ng bentahan na hindi ka naiinis. Yong tipo na yong blood pressure mo magiging 220/500. Ang O. A, pero totoo. 😅 It's part of my daily routine kaya may basis yong pinaghuhugutan ko.
So, based on my experiences, (dahil medyo may ilang taon na din tayo sa larangan) I list here various types of annoying customers in a sari-sari store:
Yong bibili lang para magpa-barya. Halimbawa, bibili ng 4 pesos na kendi tapos ang ibabayad sa'yo 500 pesos. Kagigil. Suklian ko nga sya ng mga benteng niluma na ng panahon. 😏
The Professor.
The Professor.
Yong ipapa-enumerate sa'yo yong mga tinda niyo. Halimbawa, bibili ng softdrinks, gusto pang isa-isahin mo yong tinda niyong softdrinks eh coke lang din naman ang ending.
The Dead Fish.
Because they're just going with the flow.
Halimbawa:
Customer: Pabili po ng isang yosi tsaka isang kendi.
Ako: Anong kendi?
Customer: Kahit ano po.
Buhay mo yan, boi.... Ba't di ka mag-desisyon ng sarili mo. Hello?!?
Halimbawa:
Customer: Pabili po ng isang yosi tsaka isang kendi.
Ako: Anong kendi?
Customer: Kahit ano po.
Buhay mo yan, boi.... Ba't di ka mag-desisyon ng sarili mo. Hello?!?
The Boomerang.
Kakabili lang, wala pang 5 minutes bumalik na naman at bibili ulit. Tipong makakailang balik. Hindi pa bilhin lahat ng bibilhin. Paulit-ulit parang boomerang.
The Echo.
Kakasabi mo lang, uulitin na naman.
Halimbawa:
Customer: Magkano po yong sibuyas?
Ako: 7.
Customer: Magkano po, 7?
Bingi lang, friend?
The Ignorant.
Yong magtatanong ka, pero mali ang isasagot sa'yo.
Halimbawa:
Customer: Pa-load po.
Ako: Anong load?
Customer: Regular 10 po.
Eh ang gusto ko namang malaman eh kung Smart, Globe, Sun, Talk 'N Text or TM. Hindi naman ang tanong ko eh "Magkano?"
O kaya naman:
Customer: Pabili po ng coke na tig-te-ten?
Ako: (Binigay yong coke na tig te-ten.)
Customer: Magkano po ito?
Yoko na sa earth......😥
The Detective.
Yong na-total mo na lahat ng binili niya tapos itatanong niya pa kung magkano bawat isa yong binili niya tapos kukwentahin niya pa ulit. Alam ko naman na karapatan yon ng bawat consumer.......pero nakakairita siya para sa akin. Walang tiwala eh. Akala mo naman dadayain siya.
The Protégé.
Yong mga masunuring bata na wala pang muwang eh uutusan na nong nakakatanda kaya ang ending mali yong mabibili nong bata.
Halimbawa:
Bata: Pabili po ng kape.
Ako: Anong kape? (Iba-iba naman ang klase ng kape diga. Iba-iba na nga ng brand, iba-iba din ang flavor.)
Bata: Kahit po ano.
Malay ko ba sa tinitimplang kape nong nagpapabili sa'yo. Pero ganon pa man, bibigyan na din nong pinaka common na kinakape ng mga tao. Tapos after ilang minutes babalik si bagets....
Bata: Hindi daw po ito....yon daw pong......
*****Facepalm*****
The Niece/Nephew.
The most annoying of all. The epitome of the word "annoying"---yong mga taong tinatawag kang "Tita" kahit hindi mo naman sila kamag-anak at ang malala sa lahat kahit kasing tanda na sila ni Magellan. Imagine, 28 years old ka lang tapos tatawagin kang "Tita" nong mas matanda pa sa nanay mo..... I mean.........nakaka-oofend po.
Kaya kong tiisin yong naunang walo eh, pero itong last........
Ay ewan..... Yoko na talaga. Uwi na 'ko.
Ang sabi nga sa kanta:
"Why you gotta be so rude?
Don't you know I'm human too?"
Comments
Post a Comment