Back For Good
Hello, mga Dabarkads.
Dabarkads daw eh. Lam Na. π Yes. Dabarkads ako since forever. Medyo nalihis lang ng landas ng beri layt pero nagbalik-loob naman ulit. Pero hindi naman yan ang topic natin; maybe some other time. Kapag tama na ang panahon.
So....what brought me back?
If this isn't your first time reading my blog you probably read my "Farewell" blog that I wrote on 2015. But I wrote two more blogs after that. I left this blog and created new one, actually two. The other was C'est LA Vie (but I deleted already). After ilang posts iniwan ko din sya eventually kasi walang kwenta yong mga posts ko, mas walang kwenta pa kesa dito. LOL. Then I created another one which I named Little Secret Rendezvous. Ayon naman medyo formal yong mga posts ko. Nagpaka-trying hard ako don. Wala ata akong tagalog na pinost don. Out of 10 (???)published posts yong unang tatlo lang ata yong galing talaga sa utak ko. Yong iba music video nong favorite songs ko tapos lalagyan ko lang ng lyrics. Yong iba naman posts galing sa Instagram tapos shinare ko lang don. Tamad kasi talaga ako mag-isip ng content or topic. Wala din naman akong maisip na magandang isulat. Tapos nong isang araw biglang nag-message yong friend ko at nagtatanong about dito sa blog ko na ito. May nakakita daw na friend nya tapos sinabi sa kanya kaya niya nalaman. Gulat siya kasi di niya daw akalain na may blog pala ako kasi di ko naman daw shine-share. Nahiya ako ng beri layt don sa nakakita kasi yong mga english ko don sa mga posts ko mga walang direksyon. Isa sa mga rason kung bakit ko iniwan ito. So ayon....... Bigla kong naisip na balikan ulit ito at basahin yong past published posts ko. Nong nag-back read ako sa isa sa mga blogs ko, na-realize ko na may sense naman pala kahit papaano yong mga sinulat ko. Nakaka bobo nga lang talaga yong grammar ko. LOL. Natuwa din akong basahin yong mga sinulat ko dati.
Naisip ko na ayusin at buhayin ulit ito. Inayos ko yong mga sentence construction at mga grammatical errors. (Pero di ko sure kung naayos nga.) Yon lang yong inayos ko, pero yong concept yon pa din. Kahit iba na ang gusto ko ngayon at iba yong isinulat ko dati, hindi ko binago. I swear. May iba lang akong binura pero mostly walang nagbago. Nakakatuwa kasing i-compare yong perspective ko sa life 5 years ago sa perspective ko sa life ngayon, pati na rin yong mga gusto ko dati sa mga gusto ko na ngayon. Ang saya lang magbalik-tanaw.
Pinalitan ko din yong layout tsaka yong name nitong blog. π Tapos ipa-publish ko din dito yong blogs ko from Little Secret Rendezvous. Yon yong first 3 posts ko don na pinag-isipan ko talaga. Char.
So......update lang kita nong mga highlight sa buhay ko since iniwan ko ang blog na ito hanggang ngayon na muli akong nagbabalik.
Let's start nong 2016. Ayon na nga......after 5 years(?) nakita ko ulit yong crush ko. Kung reader ka ng blog ko na ito, alam mo kung sino yong tinutukoy ko.
2017
- Good news: Inadd ako sa Facebook nong crush ko.
- Bad news: Para lang pala mag-PDA don sa news feed ko. Pweh. Oo!!! May girlfriend na pala siya. Hindi naman masakit.π₯π
- Nakarating ako ng Subic. Akalain mo yon, pangarap ko lang iyon dati na mapuntahan ang isa sa mga beaches sa Subic. Though hindi naman beach yong pinuntahan namin, nag-enjoy naman ako. Mag-ba-blog sana ako dati about don kaso tinamad na ako. Kapag siguro tama na ang panahon baka sipagin ako.
- Na-experience ko ang Magnitude 5.2 na lindol. Sa Talahib iyon nangyari.
- Narating ko ang isa sa pinakamagandang lugar dito sa Batangas, ang Monte Maria.
2018
- One of my best years.
- Nakabalik ako sa isa sa mga favorite places ko, ang Makati. Ang saya ko non. π
- For the first time nakapanuod ako ng concert sa Araneta Coliseum. Abangan na lang kung sino yong pinanuod ko....sa mga susunod kong blog. (Kung sisipagin...)
- Nakapunta akong Tagaytay for the first time.
- Nakita ko ang heart relic ni Padre Pio, in the flesh.
- Tumaba ako ng malala.
2019
- Nakapanuod ulit ako ng concert. Not just once, but twice.
At...........wala pa din akong trabaho. Ang saya diba? Nakakatawa nga kasi nag-ayos ako ng resume before this pandemic. Siguro February yon this year (2020) lang nong ayusin ko. I was planning on applying for a job abroad, actually I already did. Then Covid-19 happened. And if that wasn't a sign from God, then I don't know what is. LOL
2 reasons kung bakit naisipan ko na balikan at magsulat ulit dito:
1: Sinipag akong i-edit yong previous blogs ko at itama yong mga grammatical errors (pero di ko talaga sure kung naitama ko nga).
2: Nakakatuwa na years from now may babasahin at babalikan ako; mga panahon na naging masaya ako at mga panahon na nadapa ako at i-compare yong current situation ko.
Hopefully.......sipagin ako na magsulat ulit para may mabalikan ako at mapagtawanan yong past-self ko. π
I'm here to stay now.π
Comments
Post a Comment