"Pabili"
"Customer is always right." -Yan ang sabi nila. Eto naman ang sabi ko: Siguro may mga pagkakataon na tama naman sila, pero hindi palagi. Minsan hindi maiiwasan na may pagkakataon na nakakairita na sila without even trying. Hindi naman lahat ng customer ay nakakairita, pero hindi talaga matatapos ang isang araw ng bentahan na hindi ka naiinis. Yong tipo na yong blood pressure mo magiging 220/500. Ang O. A, pero totoo. π
It's part of my daily routine kaya may basis yong pinaghuhugutan ko. So, based on my experiences, (dahil medyo may ilang taon na din tayo sa larangan) I list here various types of annoying customers in a sari-sari store: The Elite. Yong bibili lang para magpa-barya. Halimbawa, bibili ng 4 pesos na kendi tapos ang ibabayad sa'yo 500 pesos. Kagigil. Suklian ko nga sya ng mga benteng niluma na ng panahon. π The Professor. Yong ipapa-enumerate sa'yo yong mga tinda niyo. Halimbawa, bibili ng softdrinks, gusto pang isa-isahin mo yong tinda niyong...