Posts

Showing posts from March, 2021

Sat With Ree: Semana Santa

Image
Kumusta? Eto na naman po ako dahil Sabado na ulit. Alam mo ba kung normal lang sana ang mundo nasa Talahib sana kami ngayon. Kaso hindi eh. Yon kasing sa Station of the Cross sa bahay namin lagi huling dinadala bago dalhin sa chapel kinabukasan. Eh ngayon yong last day. Akala ko nga makakauwi kami ngayon kasi diba medyo lumuwag na yong quarantine nong isang araw tapos biglang eto na naman. Last year nga hindi na kami nakauwi kasi mas mahigpit tsaka pinatigil din yong pag-e-station of the cross. Hopefully back to normal na next year para makauwi na ulit kami at makalanghap naman ng fresh air at makapanungkit ng hilaw na mangga. Mas masarap kasi ang mangga kapag ikaw mismo yong naghirap na sumungkit. Don kasi sa tabi ng bahay namin don may puno ng mangga kaso may harang na pader. Pero mababa lang naman yong pader. Kapag umuuwi kami don tagmangga kaya nakakapanungkit ako. Favorite ko yon eh. Indian mango na hilaw tapos isasawsaw sa toyo na may sili o kaya kapag sinuswerte at may alamang.

Sat With Ree: Hashtag "Tita"

‎Hey, hey, hey. Kumusta naman ang life? I hope that everything is going well with your life. Kung may pinagdadaanan ka man ngayon sa buhay eh sana eh maging malakas ka sa pagharap sa mga kinakaharap mo. (Puro na harap.) Sana ay mapalakas ka ng bawat pagsubok mo sa buhay. Ika nga ni Kelly Clarkson eh: What doesn't kill you makes you stronger  Stand a little taller  Doesn't mean I'm lonely when I'm alone  What doesn't kill you makes a fighter Anyway...nabasa mo ba yong blog ko dati about sa uri ng mga mamimili sa sari-sari store? Kung nabasa mo yon alam mo na kung ano yong nakakapaglagay ng dugo ko sa "boiling point." One word. Say it and you can go to hell. Charing. Hashtag "Tita." Nakakainis diba kapag may tumatawag sa'yo na tita kahit na mas matanda pa sya sa'yo ng ilang dekada o minsan naman eh mas bata lang naman sa'yo ng mga five years. Maka-tita wagas. OA na kung OA pero nakakainis siya. Haha. Nakaka high-blood ho. Me tindahan k

Sat With Ree: Isang Taon Na Tayo, Agad-Agad

Image
‎Uy. Sabado na ulit. Kaya andito na naman ako para kumuda. Ayon na nga. One year na tayo sa quarantine life, agad-agad. Who would've thought na aabot tayo ng one year? At parang mas tatagal pa dahil dumadami na naman ang bilang ng mga nag-po-positive. Parang nong nagkaroon ng vaccine nakampante na ang mga tao kaya nagsisilabasan na ata kahit walang suot na face mask at faceshield. Wag ganon.  Parang kelan lang nong tumigil ang mundo ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Sa pagkakatanda ko March 13, 2020 nag-start ang lockdown. Friday the 13th yon diba? Night before ako matulog non akala ko sa NCR lang yong lockdown tapos paggising ko buong Pilipinas pala. Good thing is nakagala ako day before nag-lockdown. Hindi man siya totally gala kasi saglit lang din pero at least. Yon yong huli kong labas na normal pa ang outside world. Hindi pa non uso ang face mask at marami pang tao sa mall. Nakakamis. Sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay pero nakakamis pa rin yong may option ako na

Sat With Ree: LANY Live In Manila 2018

Image
Hey... wazzup? Marso na ulit. Malapit nang mag-anniversary sa quarantine life. Kumusta naman ang pasok ng Marso? Naging marupok ka rin ba gaya ko dahil hindi nalabanan ang temptasyon na dala ng 3.3 sale? Yieeeeee. Aminin. Haha. Kaka-pressure sya, in fairness. Kasi habang nag-aatubili ka na mag-check-out kasi ayaw mong gumastos eh andyan din yong "sayang naman.ang mura lang.bukas mahal na ulit 'to." Kaya naman........check-out pa more.🤭 Anyway..... back to the real subject—LANY Live In Manila 2018. This happened almost 3 years ago, April 6,2018 to be exact pero ngayon lang ako nagka-time na magsulat tungkol dito dahil naging busy ako nong mga nagdaang panahon. Charing. Ang totoo niyan ngayon lang kasi ako sinapian ng espiritu ng kasipagan.  Inuunahan na kita, may pagka-nobela ito ha. Kaya kumuha ka na ng popcorn.🍿 Char. Dati ko pa gusto sila panuodin nong pumunta sila ng Glorietta. Kaso hindi ko pinush kasi sabi ko malamang gagabihin ako pag-uwi eh malayo pa ang biyahe p