Sat With Ree: Tips Para Maka Get-Over Kay Crush
I wish I could say there were, but unfortunately there were none. Charing. π
Ano nga ba ang crush? Sabi nila ang crush daw ay isang paghanga. Pero para sa akin ang crush ay......uhm.......wait.........buffering. Uhm. Ano nga ba ang crush? Ah.....eh....ahdjdjkdkdh shshskd dhdhdk. There are all kinds of crush in this world, but never the same crush twice by Reegyna Fitzgerald. Charot. π Ewan hindi ko alam kung paano i-define ang salitang crush. Pero para sa akin may dalawang uri ng crush. Una ay ang panandalian lamang. Halimbawa may nakasalubong kang pogi sa mall syempre mapapabilang kaagad siya sa listahan ng mga crushes mo. O kaya naman magaling sumayaw o mahusay kumanta o di kaya naman ay napakatalino ng isang tao syempre matic na hahangaan mo kaagad siya. Pero makakalimutan mo din siya kaagad after 5 seconds kasi "panandalian" nga lang diba?
Pangalawang uri ay ang pangmatagalan. Aminin mo may ganon ka. May isang tao sa buhay mo na simula pagkabata mo ay crush mo na tapos hanggang ngayon na 38 years old ka na ay crush mo pa rin. O kahit hindi mo na siya crush pero may something pa rin kapag nakikita mo siya. Kumbaga markado na sa utak mo na crush mo si ganito at hindi na yon mabubura kahit dekada pa ang lumipas. π
Don tayo mag-focus sa latter. Paano nga ba maka-get-over sa isang taong wala ka namang dapat i-get-over? π
Tip #1 Kuhanin ang wallet.
Tip #2 Maghanap ng limang piso.
Tip #3 Pumunta sa pinakamalapit na tindahan. (Pero magsuklay ka naman muna.)
Tip #4 Pagkadating sa tindahan bumili ng katol. Syempre umuwi kaagad pagkabili.
Tip #5 Maghanap ng posporo at sindihan ang katol. Maghanap din ng bote na pwedeng paglagyan ng katol.
Tip #6 Maghanap ng upuan at ilagay sa pinaka sulok na parte ng bahay.
Tip #7 Ilagay ang sinindihang katol sa ilalim o kung hindi naman kasya ay sa tabi na lang ng upuan.
Tip #8 Umupo sa silyang inilagay sa sulok habang ipini-play ang kantang 'Someday' ni Nina habang iniisip si crush. (Oh hindi ka na lalamukin ha kasi may naka ready ka na naman na katol. π)
At kung hindi siya effective eto pa ang iba:
Tip #1 Ang pinaka basic—unfriend or unfollow. Kung ayaw mo talagang makabalita ng anything about him i-unfriend mo na pero kung gusto mo pa naman na masaktan at gusto mo ng update about him and his girlfriend i-unfollow mo na lang (sa facebook) kasi don hindi mo accidentally makikita sa news feed mo yong mga latest pictures niya kasama yong jowa niya o yong mga exchange of comments nila. Kapag inunfollow mo lang pwede ka pa din maka catch ng latest chika about sa kanya (kung mahilig siyang mag-post) at pwede mo ding makita yong mga tagged sweet photos nila ng kanyang jowa intentionally. Kung ganoon ka kamasokista i-open mo lang ang profile niya at makakasagap ka pa din ng mga ganap nilang mag-jowa. Oh sige....gusto mo yan. π
Tip #2 Kung friends kayo (in real life) huwag mong bigyan ng meaning o malisya yong mga "grand gestures" niya sa'yo or don't mistake his kindness into sweetness. Magkaiba yon, girl. Spelling nga magkaiba meaning pa kaya. Malay mo ganoon lang talaga siya ka-friendly or napalaki siya ng tama ng mga magulang niya. Kumbaga kumpleto siya sa patnubay at gabay ng magulang kung paano itrato ng tama ang isang indibidwal. Hashtag: "indibidwal."
Tip #3 Huwag mo siyang isama sa mga "daydreams" mo o huwag mong iimagine ang future mo na kasama siya. Luhhhhhhhh....crush lang daw pero iniisip na kung ano yong magiging theme nong wedding nila o kaya anong design nong gown na isusuot niya pati yong flavor ng cake na ipapagawa para sa kasal nila iniisip na din. Crush lang daw bakit umabot na sa asawa level? π
Tip #4 Hindi naman kayo nag-ha-hide and seek kaya wag mo siyang hanapin kapag hindi mo siya nakikita. Bakit mo siya hahanapin eh hindi naman siya nawawala?
Tip #5 This is the last but definitely not the least because this is the "golden rule" kapag may crush ka: pwedeng kiligin pero bawal humopia at bawal ding masaktan. Crush lang daw pero nahihiya yong monggo tsaka yong baboy sa pagiging hopia. Kapag crush, crush lang eto naman nag-a-assume kaagad. Hindi ka niya i-ca-crush back. Sa pelikula lang at sa teleserye nangyayari na yong crush ni ate girl ay magugustohan din siya. Wala ka sa koreanovela, uy. At lalong wala ka sa fairytale. At lalong wala kang karapatang masaktan kapag nakikita mo silang magkasama ng jowa niya. Bakit ka masasaktan? Mag-ano ba kayo?
And those were my tips on how you could possibly get over from your crush. Pero effective talaga yong unang walong tips na ibinigay ko. Try mo lang.
Hindi mo naman talaga ma-fo-force ang sarili mo na makalimutan ang isang tao. Hindi naman porke at ginawa mo yong mga tips na sinabi ko ay automatic na makakalimutan mo na siya. Syempre only time will tell kung kelan yong panahon na kapag nadinig mo yong pangalan niya ay hindi ka na kikiligin.
Additional tip: crushes were only meant to inspire you anything beyond that is not a crush anymore. Kumbaga ayaw mong pumasok sa school kasi wala kang "driving force" isipin mo lang na makikita mo si crush at sisipagin ka na. Kasi diba kapag may crush ka gusto mo bawat segundo nakikita mo siya. Share ko lang nong first year high school ako ayaw na ayaw ko kapag na-sususpend yong pasok kasi hindi ko makikita si crush. Yong crush ko kasi 4th year high school kaya graduating na siya so bilang na lang yong mga araw na makikita ko siya. Nakilala ko siya October tapos ga-graduate na siya by March or April tapos nag-Christmas break pa eh di lalo nang kumonti yong mga araw na makikita ko siya. So ayon. Wala lang. Share ko lang. π
Kapag crush mo ang isang tao dapat alam mo yong limitations mo. Kumbaga nagpapaganda ka kasi iniisip mo na baka makasalubong mo si crush paglabas mo, but without the intent na magpapansin sa kaniya. Yong tipong willing kang magmukhang clown para lang mapansin ka niya. Walang ganon. Yong mga crush yong pwedeng magsilbing "stress reliever" natin sa mga oras na masyado na tayong na-i-stress sa mga bagay, tao o pangyayari sa paligid natin. Ang mga crush ay pampa-kilig lamang pero kapag hindi ka na lang basta kinikilig at wala ka nang maibigay na rason kung bakit mo siya gusto.....ay, girl, kabahan ka na. Abort mission na tayo.
Eto pa....diba usually naman kapag nagkaka-crush ka based lang sya sa physical appearance. Gusto mo ang isang tao kasi matangos ang ilong niya o kaya naman mapungay ang mga mata niya. Kaya kapag hindi ka na lang basta attracted sa kaniya based on his/her physical characteristics, ay girl, pa-check-up ka na. At tsaka ang crush pwedeng sabay-sabay. Halimbawa bente yong crush mo ngayon, pwede yon. Pero kapag nag-stick ka na lang sa isa.....π
At kung talagang crush mo lang siya hindi mo naman talaga kakailanganin yong mga tips na ibinigay ko. Kasi crush mo lang naman siya. Hanggang don lang naman yon. Alam mong it will eventually fade away and you will find another crush. Because it is so easy to find another crush if you are only searching for good looks. Parang kanta lang yan ni Ariana Grande—Thank You, Next.
Pero kung sa tingin mo ay kailangan mo na yong mga tips na ibinigay ko, girl, crush lang ba talaga yan? Ba't kailangan mag move-on?
Ciao. π
Comments
Post a Comment