Sat With Ree: 9 years and 1 day ago....

June 25, 2012

Two months after my college graduation I was supposed to have a job interview in Makati. 

Hindi siya yong unang job interview na pupuntahan ko. Pero excited ako kasi my bestfriend was already hired in the establishment that I was supposed to have the interview plus sa Makati siya. Plus syempre fresh grad so atat na atat na talaga akong magkaroon ng trabaho. Bilang asumera ako at advance mag-isip so inisip ko na "eto na yon." Tsaka ang naisip ko that time was nakapasa yong bestfriend ko kaya feeling ko makakapasa din ako. Sa wakas magkakatrabaho na ako. Asumera nga diba? 

Day of the interview. Syempre gumising ako at naligo ng maaga since babiyahe pa ako from Batangas papuntang Makati. Excited na excited si ako. Natapos na akong maligo. Naghahanda na ako ng gamit ko, magbibihis na nga sana ako. Biglang pumasok ang mother sa kwarto kung asan ako. Sabay sabi niya sa akin ng "huwag ka na kaya munang tumuloy (sa interview)?" Feeling ko nanghina ako nong sinabi niya yon. OA pakinggan pero totoo. Syempre tinanong ko kung bakit naman. Tapos inexplain niya sa akin na kasi daw yong kapatid ko tsaka yong Tatay ko ay parehong walang trabaho, paano nga naman kapag natanggap ako? (Ngayon alam mo na may pinagmanahan ako sa pagiging advance mag-isip.) Syempre kailangan ko nga naman ng pera pambayad sa renta ng bahay na titirahan ko tsaka pambili ng pagkain. Kasi diba hindi naman agad ako susweldo sa first day ng trabaho ko. Alangan naman lalo mag-uwian ako from Makati to Batangas araw-araw. At kahit naman ganoon ang gawin ko diba't kailangan pa din ng pera pamasahe? Diba nga advance mag-isip??? 😁

Naintindihan ko naman siya at may point naman talaga siya. Pero alam mo ba kung ano ang hindi ko na-gets? Yon yong bakit noon niya lang sinabi. Nagpaalam naman ako ahead of time. Sinamahan niya pa ako na magpaprint ng resume ko the night before tapos hindi pa niya sinabi sa akin noon. Na-excite na ako ng bonggang-bongga. Inantay niya pa talaga na makaligo ako bago niya sinabi at muntikan na akong magbihis.

Syempre bilang masunurin ako hindi ako tumuloy at umiyak na lang ako. Kahit minsan naman siguro sa buhay mo naranasan mo na ma-disappoint dahil nag-expect at na-excite ka masyado tapos hindi nangyari yong inasahan mo. Grabeng iniyak ko non ha. Pero para naman hindi masayang yong paggising at pagligo ko ng maaga at tsaka para na din makalanghap ng "fresh air" nagbihis pa din ako at umalis. Pumunta ako don sa park na pinupuntahan ko dati madalas para tumambay at magmuni-muni.

Fast forward to 2015 or 2016 (???). I applied again to that same job and company because I saw on the internet their job opening. Luckily, I got a call for an interview again. I was with a friend that time. We went to the interview but unfortunately, none of us got the position. And that's when I knew....it really wasn't meant for me. Finally after a couple of years I got an answer to one of my "what if's." Finally........I can sleep peacefully. Char. 😁

Minsan hindi mo naman talaga mahahanap instantly yong mga sagot sa mga tanong mo. Sometimes you have to wait patiently for the answers that will eventually unfold when it is already the right time. 

Sometimes God uses people to stop us from doing something that won't do good to us. We were our parents child for a reason. "Mothers know best." Kaya kapag hindi tayo pinayagan ng magulang natin huwag na tayong pasaway, sumunod na lang. We may sometimes think na KJ sila but who knows God is using them to save us from something bad that is going to happen. He uses other people to save us from a possible disappointment, rejection, heartbreak and frustration. We may not see it that way at times kasi syempre ang una nating maiisip is nag-ko-kontrabida lang sila sa atin. Pero sino ba kasing may sabi na tayo ang bida? 😁

I should be thankful to God and to my mother because He definitely saved my from something kaya hindi Niya hinayaan na makapunta ako don sa interview. I don't know what it could probably be. Diba nga "everything happens for a reason." That day happened because it was supposed to happen. My mother didn't allow me to go to that interview because it was supposed to happen. God made it happen. Syempre that time hindi ganoon kadali isipin yong ganon. Mas nauna yong inis ko. Sorry, "spur of the moment." Char. But eventually I felt okay and I know that if that job is really meant for me the opportunity will come back to me. It did but it really wasn't meant for me. And another thing na sinabi sa akin ng mother that day was "Kung para talaga sa'yo eh di makakapag-antay." 

Share ko lang...that day of my supposed to be interview. Diba nga umalis ako at nagpunta ako ng park? Noong paalis pa lang ako ng bahay medyo umaambon na. Pagkadating ko ng park biglang umulan. Kasabay ng pag-ulan ay ang pagpatak ng mga luha ko. Diba? Ang sarap lalo mag-emote. Buti na lang at may kubo don. After a few minutes biglang huminto na yong ulan tapos sumikat ng pagkatingkad si haring araw. Tapos unti-unti na ding tumitigil yong luha ko at napapalitan na ng ngiti. 

At doon ko napatunayan na there is really a rainbow after the rain. Although hindi ako nagkita ng rainbow that day. 😁 But the point is...sige lang magmukmok ka hangga't gusto mo. Umiyak ka lang parang ang langit at pagkatapos niyan ay ipakita mo na ulit ang iyong pinakamagandang ngiti kagaya ng ginawang pagsikat ni haring araw na para bang walang nangyari. 

Hindi sa lahat ng pagkakataon nangyayari ang mga bagay na gusto nating magyari at madalas ay hindi rin natutupad ang mga pinlano natin. And that's how life goes. Sometimes the turn of events will lead us to what we really need to do and where we're really meant to be. And sometimes it will lead us to a realization about what we truly want in life. We may not see it right away but as the days go by mapapasabi na lang tayo ng "ay, kaya pala. Okay. Thank you, Lord, for that." 

Kaya naman let us always choose to see the silver lining and the lessons behind every bad situation that will inevitably happen in our life. Sa buhay hindi sa lahat ng oras ay mananalo tayo. At lalong hindi naman pupwedeng lagi na lang tayong talunan. Pasasaan ba at makakabawi din tayo. Darating din yong panahon na masasabi natin na "Eto na talaga yon. Ako naman." Sabay tingin sa kalangitan sabay sabing "Thank you, Lord, for making me wait. It's totally worth it."



Ciao. 😊

Comments

Popular posts from this blog

Here In Batangas

My Worst Job Interview Experience

Movie Review: 20th Century Girl