Posts

Showing posts from June, 2021

Sat With Ree: 9 years and 1 day ago....

Image
June 25, 2012 Two months after my college graduation I was supposed to have a job interview in Makati.  Hindi siya yong unang job interview na pupuntahan ko. Pero excited ako kasi my bestfriend was already hired in the establishment that I was supposed to have the interview plus sa Makati siya. Plus syempre fresh grad so atat na atat na talaga akong magkaroon ng trabaho. Bilang asumera ako at advance mag-isip so inisip ko na "eto na yon." Tsaka ang naisip ko that time was nakapasa yong bestfriend ko kaya feeling ko makakapasa din ako. Sa wakas magkakatrabaho na ako. Asumera nga diba?  Day of the interview. Syempre gumising ako at naligo ng maaga since babiyahe pa ako from Batangas papuntang Makati. Excited na excited si ako. Natapos na akong maligo. Naghahanda na ako ng gamit ko, magbibihis na nga sana ako. Biglang pumasok ang mother sa kwarto kung asan ako. Sabay sabi niya sa akin ng "huwag ka na kaya munang tumuloy (sa interview)?" Feeling ko nanghina ako nong sin...

Sat With Ree: Happy Father's Day

Image
Kung may contest siguro ng padamihan ng memories kasama ang Tatay siguro ako na yong pag 3rd....pang 3rd sa huli.  My father was a seaman. You probably know the nature of work of a seaman. Mas matagal pa yong inilalagi sa barko kesa sa bahay. Especially yong mga seaman dati kasi yong kontrata nila pinakamadali nang uwi ang one year. Unlike ngayon na may 6-month or 3-month minsan nga may 1-month contract na lang. Nasanay ako sa ganoong set-up. Naiintindihan ko naman kasi gusto niya kami mabigyan ng komportableng buhay at tsaka ganoon na yong trabaho niya ever since the world began. Char. ๐Ÿ˜Š Pinakamadali nang uwi ng Tatay siguro 1 year tapos bakasyon pinakamatagal na ata ang 5 months. Tapos aalis na uli. Syempre umiiyak ako tuwing aalis siya. Tapos kapag babalik naman siya nakaka-excite. Kasi laging may pasalubong, laging may dalang Snickers.  Since madalas nga siyang wala so every moment with him was "one for the books." Kasi nga bihira lang. Isang beses andito siya isinama ni...

Sat With Ree: Happy Independence Day

Image
"Malaya ka na." Tatlong salita, sampung letra ngunit magkakaibang emosyon ang pwede mong maramdaman sa oras na sinabihan ka o nadinig mo ang mga salitang ito. Para sa mga bilanggo, isang musika sa kanilang tenga ang madinig ang mga salitang ito. Ngunit para naman sa dalawang magkasintahan, kapag sinabihan ang isa ng mga salitang ito malamang sa malamang may isang umiiyak. Ang sabi nga sa isang kanta: Letting go is not an easy task  When smiling feels like  I must wear this lonely mask  It hurts deep inside Totoo naman diba? Sa lahat ng bagay hindi ganoon kadali ang bumitaw. Lalo na kung ang bibitawan mo ay ang isang bagay na napakahalaga sa'yo. Gaya na lang halimbawa ng paborito mong laruan noong bata ka pa. Kahit 30 years old ka na ngayon eh hindi ka pa rin willing na i-let go yong favorite toy mo kahit na sobrang luma na at hindi mo na din naman pinaglalaruan. Bakit? Siguro dahil yong favorite toy mo na yon ang nagpapaalala sa'yo kung gaano kasaya ang childhood mo. ...

Sat With Ree: Ain't About The Cha-Ching Cha-Ching

Image
Kumusta na? Anong paghahanda ang ginagawa mo para bukas? Just so you know, 6-6 na bukas. Panahon na para i-check-out ang mga nasa cart mo. Sige na. Wag nang mahiya. Yieeeeeeee... Speaking of.....naniniwala ka ba na "money can't buy happiness" because the best things in life are free? Why or why not? Please defend your answer. I need an acceptable reason. Char. ๐Ÿ˜Š Ako kasi ang happiness ko pagkain. Eh di ba kailangan ng money para makabili ng pagkain? Kasi sa panahon ngayon hindi na uso ang libre. Kaya for me money can buy happiness. LOL. Kaya nga may "happy meal" diba? McDo, beke nemen. ๐Ÿ˜ According to Wikepedia "the term happiness is used in the context of mental or emotional states, including positive or pleasant emotions ranging from contentment to intense joy." And here's another definition, also from the same website, which for me is interesting: "Happiness' is the subject of debate on usage and meaning, and on possible differences ...