Farewell
When was the last time that I wrote in this blog? I'm writing now because this would be my farewell blog. I will be leaving this blog 'cause I want a fresh start where there would be less drama and just focus on the positive side of life. A new perspective where I can only see the silver lining of everything.
So, what now?
The past years have been one unexpected ride. Years after I graduated from college, three years to be exact. (Sige na nga, magtatagalog na, di na mapanindigan eh.)
Ilang months before I graduated from college, pinlano ko na ang mga mangyayari sa buhay ko. Tipong siguradong-sigurado ako na mangyayari lahat ng pinlano ko. Sabi ko, magpapahinga ako ng ilang buwan bago ako maghanap ng trabaho. Sabi ko mga two-three months okay na. Tapos ayon, grumadweyt. Masaya, sarap sa pakiramdam ng makatapos. Di ako nag-antay ng dalawa o tatlong buwan bago ako mag-apply, kasi ang mga kaibigan ko ay nag-aya nang mag-apply. Sumama naman ako agad. Ayon, God knows everything that happened sa unang sabak namin sa pag-aapply kasama ang dalawa kong kaibigan. Wagas yong nilakad namin despite the kainitan, nagkapaltos na ang talampakan ko sa paglakad. Pero masaya kasi di naman ako nag-iisa kasi nga kasama ko naman yong dalawa kong kaibigan at masaya naman sila kasama, kaya kahit pagod, tawa pa din. So ayon. To cut the story short, day after namin mag-apply, me interview na kaagad kami. Pero, walang interview na naganap, kasi ang tagal nong interviewer at hindi kami ganon ka-patient sa pag-aantay. Three hours din kaya kami nag-antay. Di na biro yon ha. Eh sa Manila yon tapos hapon na at uuwi pa kaming Batangas. Tapos yon, again, I'll just cut the story at its shortest. Eventually, yong tatlo kong kaibigan may mga kanya-kanya ng trabaho. Ako? Matapos ang di mabilang na interviews, (may mga di pa ako pinuntahan don ha) up to this time, heto pa rin, nag-aabang ng himala. Kahit sabi ni Ate Guy, "walang himala." But, who knows?
Matapos akong ma-reject ng di mabilang- bilang, sumuko na si ako. Dumating ako sa point na, ya-eh na, bahala na. Siguro di ko destiny ang pahirapan, siguro pang-bahay lang talaga ako, pang-buhay prinsesa lang siguro talaga ako. Tipong kain-tulog-internet. Hayahay ang buhay. Bakit? Nakakasawa na din kasi ma-reject ng ma-reject. Nakakaiyak. Nakakasawang umasa. Okay na sakin yong pagod eh, pero yong sakit sa damdamin, nakakaumay i-take. Last interview na pinuntahan ko, sabi ko sa sarili ko,last na yon. Kapag di pa ako nakapasa don, ayoko na talaga, suko na ako. At talaga nga namang tinest ni Lord kung gaano ako ka-committed don sa sinabi kong yon. Di nga talaga ako nakapasa. After nong interview ko na yon na-stress ako ng bongga. Tipong umiyak ako isang tanghali na hindi ko alam kung bakit. Kumakain ako ng tanghalian kaharap ko si mother iyak na iyak ako. Di ko naman alam kung bakit. Malapit na sa pagiging Sisa. Gusto ko naman nong tumigil na sa pag-iyak kasi para na akong tanga, wala namang nakakaiyak, iyak na iyak ako pero anong magagawa ko ayaw talaga huminto nong luha eh. Buti na nga lang walang nagtanong sa akin non kung bakit ako umiiyak kasi ako mismo sa sarili ko, di ko din alam kung bakit. Tapos yon, dumating yong point na ayaw ko nang nababakante yong utak ko kasi ayoko nang mag-isip. Nagsusulat ako non ng kung anu-ano para lang ma-divert yong utak ko sa iba. Kapag gabi naman, nuod ng pelikula bago matulog para yong utak ko hindi gumagana kundi naka-focus lang sa pinapanuod ko. Masaya pala. Masaya ng walang iniisip na kung ano. Yong di nag-iisip kung san sunod na mag-aapply. Masaya sya. Kain-tulog-internet, choosy pa ba ako? Siguro talaga nakatadhana lang akong maging isang prinsesa. Hahaha. But seriously, eto kasi yong isa sa mga ways kung pano ko pagaanin yong loob ko. Sabi ko nga, tsaka na ulit siguro ako maghahanap ng trabaho kapag ready na ulit akong ma-reject. Pero sana naman, tapos na ako sa phase ng rejection, sana next chapter na, please. Next chapter which is acceptance.
Pero syempre, hindi naman tungkol lang sa paghahanap ng trabaho ang buhay ko. May iba pang components na bumubuo. Minsan, feeling ko ang blessed ko, yong blessings ni Lord siksik, liglig at umaapaw pa. Napapatanong na lang ako, "ha?bakit?bakit ako me ganto?Sobra na ata?" At nagpapa-salamat na lang ako kay Lord. At me mga pagkakataon din naman na mapapasabi din ako na, "Buti pa sya. Ang galing naman nya. Ako kaya, when will be my time to shine?" Well, ganyan lang ang buhay. Di perfect. Nasa iyo na lang kung papaano mo lalaruin.
Wala akong kontrol sa mga nangyayari at mangyayari pa sa buhay ko. Kahit gaano ko pa planuhin ang buhay ko, may kanyang will si Lord. Ang meron lang akong kontrol ay don sa nararamdaman ko.
Three days from now, I will be entering my 24th year of existence. I will soon be on my 24th year and yet, I don't have a clear vision of my future, of where I really wanna be. I read it on one of the blog sites that ages between 20-30 years old are the age of confusion. You really have no idea about what you really want with your life. And so am I.
So this will be my farewell blog.
This has been Reegyna Bunquin, now signing off.
Thank you.
Comments
Post a Comment