Posts

Showing posts from April, 2021

Sat With Ree: Yankee Uniform Charlie Kilo !!!

Image
Warning: Kung kumakain ka ngayon wag mo nang ituloy yong pagbabasa kasi mawawalan ka ng gana dahil sa mababasa mo. O kung madidiriin ka wag mo na ding tangkain na magbasa. Last year puberty hit really hard on me. No, I'm not a  teenager. But this year I will be celebrating my thirteenth birthday (minus the "nth" and the "e's" should be a "y"). Kaya naman hindi ko ma-gets kung bakit aliw na aliw na magsitubo yong mga tigyawat sa mukha ko. Tipong parang babago akong nagdadalaga. Grabe sila sa mukha ko. Actually, nag-start talaga siya nong mga kalaghatian ng 2019 tapos lumala talaga siya nong nag-start ang 2020. Tipong habang nagsisiputukan ang mga firecrackers eh nagsisiputukan din yong mga tigyawat sa mukha ko. May ginagamit akong pimple remover dati. Itinuro siya sa 'kin nong pinsan ko. Sobrang effective niya. Naging part na siya ng "survival kit" ko. Tipong hindi na ako mabubuhay kapag wala yon. 2009 siguro nong magsimula akong gamit

Sat With Ree: Sana

Image
Paano kung may kapangyarihan ka na mag time travel at pwede kang bumalik sa nakaraan, gugustohin mo bang bumalik? Is there something that you would want to change in the past or do you just want to revisit just to experience something for the second time? Siguro kung may gusto man akong balikan sa nakaraan ay yon ay ang panahon na nakilala ko siya. Kung magkikita ulit kami for the first time I'll make sure na mag-iiba ako ng daan at iiwas sa kaniya para sa ganon ay hindi ko na lang siya makilala. Charot. Walang ganon. πŸ€­πŸ˜‚  Pero seryoso na...kung may gusto man akong balikan sa nakaraan ay yong kabataan ko, specifically when I was at the age of 8-13. I did horrible things in the past that I'm not proud of. At hindi ko na sasabihin para naman may mystery. Charing. 🀭 Hindi nga ako proud eh kaya bakit ko naman sasabihin? We all have skeleton in our closet, don't we? Wag kang ano diyan. 😏 Walang taong perfect. Lahat tayo ay may nagawang kamalian sa buhay natin. Malaki man o ma

Sat With Ree: "Past Is Past Pero May Bakas"

Image
Hey. Good evening. Kumusta naman? Kumusta naman ang isang linggong lumipas? Natanggap mo na ba yong item/s na chineck-out mo nong 4.4 Sale? Yieeeeee... Sana all. 😁 So..... sa tingin mo? Does time really heals all wounds?  If you were to ask me 5 years ago, I would answer you with a bluff—with conviction pa. Pero ngayon habang binabalikan ko yong mga "sugat ng kahapon" na-realize ko na the statement "Time heals all wounds." is definitely a fact. A very big check.  But that doesn't mean na there is a specific timeline when it comes to healing. Hindi mo masasabi na "Hayaan mo na akong mag-drama ngayon kasi after 5-10 years naman for sure okay na ako." Hindi ganon. Healing isn't a decision that you've got to make. Isa siyang emosyon na kusa mong mararamdaman eventually. Parang pag-ibig lang yan, hindi mo inaasahan at kusa mo na lang mararamdaman. Kapag naalala mo ang isang bagay na minsan ay nakasakit at nagpaiyak sa'yo o ang isang tao na nana

Sat With Ree: Halaga

Image
Kumusta? 4.4 na bukas. Bawal ang maging marupok sa 4.4 Sale ha. Joke lang. Pwede naman. Pera mo naman yan. Pinaghirapan mo yan. Kaya bahala ka kung paanong paraan mo yan gagastusin. Deserve mo i-spoil ang sarili mo paminsan-minsan. Uy. Mag-che-check-out na yan marupok yan eh. πŸ˜‚ Ang bilis talaga ng panahon ano? Biruin mo Pasko na ulit kaagad bukas... Pasko ng Pagkabuhay. Partey Partey na. Haha. Bawal pa ang party ha.  Speaking of pagkabuhay...what keeps you going in life? Especially ngayong may pandemya, ano ang nagsisilbing motivation mo para gumising araw-araw? Ang sabi nga nong isang commercial "para kanino ka bumabangon?" Yong tipong kahit sobrang burn-out mo na sa work mo eh patuloy ka pa ring pumapasok araw-araw. Karamihan siguro ang sagot eh dahil sa pamilya o para sa pamilya. Isa yan sa magandang quality ng mga Pinoy, ang pagigiging family-oriented. Hindi din naman masama kung ang isasagot mo sa tanong ko ay nabubuhay ka o gumigising ka para lang sa sarili mo. Sapat n