Hilo, Lito, Ako
Nalilito, nalilito ako ngayon ay lito. Ano nga ba ang dapat sundin? Ang sinasabi ng damdamin? O ang isipan na hindi alam ang saloobin? Sabi ng isip, "sige, bakit hindi mo subukan?" Ngunit itong puso ay madaming agam-agam. Ano nga ba ang dapat sundin? Ang isipan na nag-aasam? O ang pusong ayaw nang masaktan? Hindi kaya marahil ay napagtanto na ang kasagutan sa tanong Ngunit nangangamba sapagkat maaring hindi ito ang naaayon Ano nga ba ang mas matimbang? Ang isip na umaasa? O ang pusong pagod nang umasa? Desperado ka lang bang talaga o may mithiin ka talagang maganda Sa mundong walang kasiguradohan Ano ang iyong pinanghahawakan? Ito na ba ang matagal mo nang hinihintay? O ito ay magiging parte din lamang ng isang paglalakbay? Kung ano man ang magiging desisyon Sana ito ay naaayon Hindi lamang sa isip na naglalayon Bagkos ay ang puso, sana din ay sumang-ayon Hilo, lito at ako. Ako ngayon ay hilo at lito.